30 Chapter 29

Acer POV

Nagising nalang ako dito sa Infirmary.

Napatulala nalamang ako ng maalala ko ang mga nangyare

Bakit parang alam na alam ng mga black Knight ang bawat kilos naming mga light runers bakit parang ang bilis nilang nakakapasok dito? Anong ibig sabihin ng mga iyon nung araw na sumugod ang mga black Knight binabalak din naming sumugod sa kanila dahil inaakala namin na naroroon si Mira pero nabaliktad, kami ang sinugod nila paanong natunugan nila iyon at si mira saan ba sya nag punta? Bakit parang ang galing na nyang makipaglaban at gamitin ang kanyang runes sa loob lamang ng pitong araw, nasaan ka Mira bakit parang nahihiwagaan parin ako sa iyo? Pero masaya ako na ligtas ka napangiti nalamang ako

EHHHNNNNNGGGGKKKKKK

Nawala ako sa pag iisip ko ng may pumasok sa silid na kinaroroonan ko

"Mabuti gising ka na kamusta na ang pakiramdam mo?"

Si lex na akala mo walang nangyare

'Tsk maayos na akohh aaahhh aray!"

Napahiga ako ang sakit ng tagiliran ko hindi pa pala lubusang napagaling ni Mira may kaunti pang sugat.

"Tsk

Anong ayos dyan Acer ano ba yan tatlong araw ka na nga na tulog dyan may Masakit pa rin sayo."

Napatingin ako kay Alisha

"Anong sabi mo lisha tatlong araw?"

Gulat na tanong ko

"Oo Acer masyado ata napasarap tulog mo mamaya lang mawawala na din yang sakit sa tagiliran mo ganun talaga black Knight ang mga nakalabam natin e"

Wala akong maimik sa mga pinag sasabi ng mga to

"Ehem!"

Naagaw ang pansin ko ng may tumikhim napalingun ako sa kanya

Teka sino to? tinitigan ko syang mabuti

Tsk .

"Sino sya?" malamig kong tanong

"Ano ka ba Acer si Sylvie kaya yan ang bilis mo namang nakalimutan"

"Tss!

Tanda ko na sya yung nanakit kay Mira"

"Hindi ko naman sinasadya yun"

"Tsk!"

"Acer maging mabait ka nga sa kanya tinulungan nya din kami makipag laban sa mga black Knight no at saka sabi ni Sam pwede nila tayong maging kaibigan"

"Tsk oo na" sabi ko at lumingon kay Alisha na nakakawit pa talaga ang braso sa babaeng yun

"Tsk!"

Ngumiti si Sylvie sa akin

"Salamat!"

Sabi nya

Tsk Hindi ko sya sinagot tinitigan ko lang sya

"Acer nung nawalan ka ng malay nakalapit pa sa iyo si Sam di ba? Anong sinabi nya sayo? bigla syang naglaho ng mga oras na iyon!"

"Tsk akin nalang yun fleus

chismoso ka masyado.

Tss"

Pero napansin nyo ba umiilaw ang noo ni Sam anong ibig sabihin nun?" napatingin ako kay

Athena pati mga kasama ko

Napaisip ako

Oo nga tama sya anong ibig sabihin ng pagliwanag ng noo ni Mira?

Ano nga ba.... anong simbulo iyon hindi ba dapat ay nasa kamay ni Mira iyon?

At paanong napalabas nya ang limang elemento ng ganun kabilis ano nga ba talaga ang meron sa iyo Mira?

Someone POV

Mga wala talagang utak ang mga light runers hanggang ngayun ba hindi pa rin sila nakakahalata na may traydor dito sa loob ng academy

Pero ano daw? umilaw ang noo ng babae na iyon imposible ata yun dahil prinsesa lang ng black Knight ang may ganung simbulo at ako lamang iyon

Kaylangan mahanap agad ang babae na iyon saan ba sya nag tatago kasalanan nya kung bakit Hindi ko pa makakasama ang aking minamahal

Kasalanan nya ang lahat tss.

Mira Sam POV

"Ahhhhhhhhhh"

"Ayoko na nahihirapan na ako mlessean nagugutom na ko tatlong araw mo na ako pinapahirapan mag papakabait na ako mlessean kapatid ba talaga kita.

MLESSEAN NANGANANGALAY NAKO DITO"

"MAG TIIS KA DYAN

SINASABI KO NA SAYO MATUTO KANG MAG TIIS"

WAAAAAAAA

.

Bakit ba may kakambal ako na kagaya nya matapos nya kong gamutin, training agad at alam nyo ba syempre hindi tatlong araw nya na akong pinatatayo dito sa karayom isang daliri lamang sa paa ang nakatapak katakot takot diba bakit kasi nag karon pa ng magic sa mundo pwede namang simpleng buhay lang e

Para akong pinapahirapan dito alam nyo nakadipa ako pero hindi libro ang hawak ko

Spicial rune ko ito alam nyo ba kung ano dark ang light yun ang sabi ni mlessean sabi nya kaylangan daw mapanatili ko itong balanse sa aking pangangalaga

Sobrang dami nyang alam no kaya hindi pa ako makabalik balik sa light academy e miss ko na mga kaibigan ko lalo na sya secret kung sinong sya nahiya ako e

Basta nung mga panahon na Hindi ko sya nakikita, Namimiss ko pala sya. Lagi syang nasa isip ko

Waaaaa anlandi anlandi hehe, minsan lang naman

Pagka natapos ko na ito hindi pa muna ako pwedeng umuwi ituturo pa sa akin ni mlessean kung paano ko gagamitin ang tree of portal.

Nasabi nga sa akin na ang light forest ay isang lagend forest nung una nag taka ako kung bakit.

Ang light forest ay ginawa ng aking true nanay. Tanggap ko na guys ang buong katotohanan no masakit nung una pero ngayun ok na ko.

OK back to the topic

Tayo, ang light forest ay ginawa ng reyna ng crystal light kingdom dahil palagi syang tumatakas dahil isa syang malikhain na babae pilya, ang light forest ay kaugnay ng crystal light kingdom pero dati nun ang nakakapunta lamang ay tanging ang lumikha lamang pero dahil umibig sa isang tuso ang reyna

Pero ang hirap mag kwento guys

Flashback nalang natin

Mlessean POV

Flashback

"Ang tree of portal noon ay simpleng puno lang, ito ang paburitong puno ng ating ina sa loob ng legendary forest pero dahil sadyang makapangyarihan ang ating ina at mahilig tumakas at pumunta sa kung saan saan, ginawa nya ang tree of portal para sa kanyang mga pagtakas, tanging sya lamang ang nakakadaan doon at kung sino man ang binigyan nya ng authority" hay naiintindihan kaya ako ng kakambal ko tulala kase eh "Paanong nahati sa dalawa ang legendary forest?" Aba improving nakikinig na si Samantha "Nangyari ang Unang paglalaban sa pagitan ng mga runer ng dark kingdom at Crystal light kingdom, naganap ito sa mismong light forest ito yung panahon na itinakas ka ng mga kinilala mong magulang. Gustong makuha ng ating ama kapangyarihan ng ating ina kaya nya ito pinaibig ngunit ng malaman ng ating ama na alam na ni ina ang plano nya agad silang sumugod ngunit napigilan ito ng ating ina ngunit Hindi nya inaasahang mabibihag ng ating ama ang kinilala mong magulang dahil sa pagkakaalam niya ay ito ay isa sa mga pinaka importanteng tao Kay ina binalak kunin ni ama ang kapangyarihan ni ina ngunit nagalit si ina sapagkat ayaw nyang may madamay na iba at inilabas ang kanyang lahat ng kapangyarihan at inilipat nya ang pangangalaga ng portal sa iyo sapagkat alam niyang wala ka sa kamay ng ating ama at iyon ang pagkakataon na napunta ka sa mundo ng mga tao kasabay ng pagbubukas ng portal ay ang pagpapakawala ng kapangyarihan ni ina naligtas ang kalahati ng legendary forest dahil sa pagkakaroon ng barrier Dahil sa pagbubukas ng portal ang kalahati ay napinsala dahil sa kapangyarihan ni ina ngunit Hindi nya nagapi si ama at nakita nya ang lalong pagtindi ng pagkaganid nito sa kapangyarihan kaya gumawa sya ng spell ginawa nyang bato ang sarili nya at ang iyong kinikilalang magulang, sa inis ng ating ama tinangka niyang basagin ang mga bato ngunit nababalot ito ng matinding mahika kaya dinala nalamang niya ito sa dark kingdom at hanggang ngayun inaalam kung pano makukuha ang kapangyarihan ng ating ina."

End of flashback

Dark kingdom

Black Knight

Someone POV

"Ano ang iyong sinadya dito hindi ba dapat nanatili ka lamang sa kuta ng mga light.?"

Malamig nyang bulalas sa akin

Agad akong yumokod sa kanyang harapan

"Ipag paumanhin mo,

Mahal kong hari

Ngunit nais ko iparating sa iyo na ang babaeng itinakda ng crystal light kingdom ay may simbolo na kagaya ng sa akin ano ang ibig sabihin nun?"

Pag papaliwanag ko sa kanya

Pero Hindi ko Alam kung tama ang nakita ko pero halata ang pag kabigla sa kanya

Pero kaagad ding nawala

"Kanino mo iyan nalaman?"

Malamig nyang tanong sa akin

"Narinig ko ang usapan ng limang pure runers."

Sagot ko naman

"Kaylangan nyo syang mahanap agad nararamdaman ko na isa syang malaking hadlang"

Nakatungong bulalas ko

"Huwag kang mag alala kaagad ko syang ipapahanap

Pero sa ngayun bumalik ka na muna sa light academy"

Napatango nalamang ako sa sinabi nya at nag bigay galang sa kanya bago tumalikod

Pero napatigil ako sa aking pag alis nakita ko na nakatitig sa akin ang aking minamahal nais ko syang lapitan ngunit Hindi ko maaring gawin

Sagilit na nag tama ang aming paningin

Pero agad akong napabawi ng tingin sa kanya

Dahil bigla nag salita ang hari

"Gawin mo ng maayos ang dating kasunduan tandaan mo ang nakasalalay dito ay ang buhay ng lalaking iyan"

Tumango nalamang akong muli

At nag patuloy ng umalis Hindi ako makakapayag na mawala sa akin si cloeum kaya oras na mahanap ka miracle Ashtrid Samantha ako ang kikitil sa iyo

.

WaaaaaAaahhhhhhhhhhhhhhhhhh

BLAAGGSHH

BBBOOOGGSSHHH

BBBOOOGGGSSSSHH

BBBBBLLLLLAAAAGGG.

Sunod sunod na pag papasabog ko

Pero agad din akong napatigil dahil sa isang yakap na pamilyar sa akin

Napuno ng pag ka lungkot ang aking damdamin

"Huwag kang mag alala mahal oras na mapuksa na ang nga light runers magiging malaya na tayo yan lamang ang iyong tandaan"

Humarap ako sa kanya at muli syang hinagkan

"Pangako?" "pangako magiging malaya tayo"

**************************************************

avataravatar
Next chapter