1 Prologue

"Our deepest condolences,"

"Maraming salamat po." sagot ko sa bisita at tumungo sa kusina upang tumulong kay Tita sa pagbigay ng kape at mga makakain ng mga bisita namin.

"Hindi ko po kaya Tita." iyak ng kapatid ko.

"Kayanin mo, Athan," pag-aalo ni Tita sakanya. Nalunok ako at lumapit sa kanila. "Oh, ikaw na muna ang bahala sa kapatid mo, Athena. Aasikasuhin ko lang ang mga bisita." aniya at nginitian ako.

Tumango ako kay Tita at lumuhod upang magkapantay ang paningin namin ng kapatid ko.

"Ate, bakit po ba kailangang mamatay ni Mama?" sabi nya, patuloy na naglalabasan ang mga luha sa mata nya. Hindi naman sa kailangan nya'ng mamatay, pero wala na talaga sya.

"Shh," tanging nasabi ko at niyakap sya. Umiyak lang sya sa balikat ko at mabuti nalang ay tumigil na sya matapos ang ilang minuto, nanakit din ang balikat at tuhod ko e. "Okay ka na?" mahinang tanong ko.

Tumango ang nakababatang kapatid ko. Napangiti ako nang mapatitig sa maputi at inosenteng mukha nya. Ang mapupungay na mata, matangos na ilong, makapal na kilay at mahahabang pilik-mata ang pinakakapansin-pansin sakanya.

"Ate, tutulog na po ako." sabi nya kaya hinayaan ko na. Malalim na ang gabi.

"Sige na. Goodnight," sabi ko at pinanood syang umakyat sa ikalawang palapag ng bahay namin, papunta sa mga kwarto.

Saglit akong naupo doon, iniisip kung paano na ngayong wala na si Mama. Sa tingin ko'y hindi na muna ako mag-aaral. Magtatrabaho muna ako, para saamin ng kapatid ko. Bumuntong-hininga ako at tumayo, naglakad ako papunta sa sala. Lalapit sana ako sa kabaong ni Mama nang mapansin ko na wala nang ibang tao sa sala namin kundi si Tita at ang isang babaeng sa tingin ko ay nasa early 30s at ang isang batang lalaki.

Napatigil sa pag-uusap ang babae at si Tita at sabay silang napatingin saakin. "Athena, halika." tawag ni Tita kaya sumunod ako at lumapit sakanila.

"Our condolences, hija." sabi ng babae at bahagyang ngumiti nang malungkot. Tumango ako sakanya at sinuklian ang ngiti nya. "Maupo ka muna." aniya kaya naupo ako sa tabi ni Tita.

Nang makaupo ako ay napansin ko'ng nakatitig saakin ang lalaki na mas malaki saakin, panigurado'y mas matanda rin. Napatitig din tuloy ako sakanya. Maputi ang balat nya, sa mukha palang ay masasabi nang anak mayaman, ang kanyang magagandang mata ay nadepina dahil sa kakaibang kulay nito, hindi ko matukoy pero sigurado akong hindi pangkaraniwan ang kulay ng mga iyon, ang makakapal nyang kilay ay magandang tingnan, napadako ang tingin ko sa perpektong ilong nya. Ang mga labi nyang perpekto rin ay nakaporma ng isang manipis na linya. Pinagtaasan nya ako ng kilay at ngumisi bago umiwas ng tingin.

Gwapo nga, pang-basura naman ang ugali.

"Athena," napakurap-kurap ako nang tawagin ako ni Tita.

"P-po?" tanong ko. Mamaya nyan napag-usapan nang ako ang ipambabayad sa punerarya, 'wag naman.

"Makinig ka sakanya." aniya, tinutukoy ang babae. Napalunok ako pero sumunod parin.

Nagsalubong ang titig namin ng babae at unti-unti syang ngumiti. "Athena, ako ang kaibigan ng Mama mo, ni Therese. Natatandaan mo na ba ako?" tanong nya. Saglit akong napaisip at napatango nalang nang marealize na sya nga iyon. Bakit ko ba nakalimutan? "Kita mo, ilang linggo bago sya namatay, ikwinento ka nya ulit saakin. Actually, she always talks about you and your brother. Alam ko ring kailangan nyo ng pambayad sa punerarya, pati narin ang sa pang-aral nyo magkapatid at sa pamumuhay." lumapit sya saakin, lumuhod upang magkapantay kami, at hinawakan ang kamay ko. "Kaya ko 'yong bayaran, kaya ko kayong buhayin magkapatid." aniya.

Napakunot ang noo ko. Inkwinento ni Mama? Saka, ano raw? Bakit kami bubuhayin e hindi naman kami patay? Si Mama nalang sana ang buhayin nya.

"Naikwento saakin ni Therese na masipag kang anak, responsable, matiyaga." sabi nya, tama naman yata. "Pwede ka ba'ng maging sekretarya ko kung gano'n?" tanong nya. Tumayo ang lalaki sa tabi nya at lumabas ng bahay namin.

Napalunok ako at napatingin sa kabaong ni Mama. "Magiging sekretarya kita. Magtatrabaho ka para saakin. Babayaran ko lahat ng dapat na bayaran nyo, pag-aaralin ko kayo magkapatid, may sweldo ka buwan-buwan, at padadalhan ko rin buwan-buwan ang Tita mo na mag-aalaga sa kapatid mo," dagdag nya pa.

Napatingin ako kay Tita. "Pag-isipan mo'ng mabuti, Athena. Hindi ka lugi," sabi nya.

"Saan po ako titira kung gano'n?" tanong ko. Baka ito ang makabubuti. Baka ito ang dapat.

Napansin ko ang bahagyang pagngiti ng ginang. "Sa bahay ko," sagot nya.

Napalunok ako nang mariin at tumayo. "Athena!" tawag ni Tita nang tumakbo ako palabas ng bahay.

Umiyak ako nang umiyak habang tinatahak ang daan papunta sa playground na gawa ni Papa, na sumakabilang pamilya na nang magsimula sa pag-aaral si Athan. Nang matapat ako sa swing na hindi nasisinagan ng liwanag ng buwan ay napahinto ako, sa harap niyon mismo. Napahagulhol nalang ako sa harap niyon at naupo sa damuhan.

Ang bigat-bigat sa pakiramdam.

Inisip ko nang inisip na malalayo ako sa kapatid ko. Inisip ko nang inisip na kung sana ay hindi natamaan si Mama ng ligaw na bala ay hindi mangyayari ito. Hindi sana.

Napatayo ako bigla nang makaramdam na may kung anong mabuhok na gumagalaw sa katabi ko. "Ah!" sigaw ko nang nagkabuhol bigla ang mga paa ko, ipinikit ko nalang ang mga mata ko, hinihintay ang pagbagsak ko sa swing.

Hinintay ko lang ang hindi nangyari, bumagsak ako sa malambot na bagay sa halip na sa swing.

"Tss," isang malamig na boses. Tumingala ako at napalunok. Nanlaki ang mga mata ko nang magtama ang mga mata ko sa pares ng mga matang kung hindi ako nagkakamali ay kulay berde. "If you want to stare, then do it properly." aniya kaya napatayo ako.

Tumayo din ang lalaki at napansin ko ang tuta na hawak nya ang tali. Isang cute na tuta na sigurado ako na yun din ang lumapit saakin kanina.

Napaatras ako nang napaatras habang ang lalaki ay patuloy sa pagdiretso, hanggang sa mapatid ako sa ugat ng puno. Nasalo naman ako ng lalaki at itinayo ako nang maayos.

Napalunok ako ulit at umayos ng tayo. "Okay na ako. S-salamat," sabi ko at tumalikod pero hinila ng lalaki ang palapulsuhan ko, napabalik ako sakanya at nalaman ko nalang na nakayakap na ako sakanya.

"I know you're not okay. Go on and cry on me. I'm here." sabi ng lalaki kaya agad na nag-init ang mga mata ko at nalaman ko nalang ay humahagulhol na ako habang yakap sya.

Sadness and strangeness. That's what I feel. But in that strangeness,

There's some hint of comfort.

Bumitaw ako sa pagkakayakap at nagsimulang maglakad papasok ng bahay. Naramdaman ko nalang na sumusunod na saakin ang lalaki.

"Damien, we're going na. Damien?" boses ng babae kanina, yung kaibigan ni Mama. Paalis na yata sila.

Hinila ako ng lalaki paharap sakanya. Ibinigay nya lang saakin ang tutang maliit. Nasa mga bisig ko na iyon. "Keep that. I know you'll accept Mom's offer. I want to see that puppy with you the next time I see you." seryosong aniya. Tumalikod sya at akala ko ay wala na sya pero nakaramdam ako ng mainit na yakap nya sa likod ko. "Be happy. Things will get better soon, okay?" his soft voice brought comfort and warmth all over my whole being, and at the same time...

It made my heart flutter.

"See you with that puppy. Have a goodnight."

avataravatar