20 TP: 18

Now playing: Melting - Kali Uchis

Felicia POV

Tinupad nga ni Skyler ang sinabi niyang aalis kami para bumisita sa Manlac Island. Ang isla kung saan ako nanggaling.

Sabado ngayon kaya pareho kaming walang klase. Nagkataon kasi na walang klase si Skyler dahil merong event sa kanilang University.

Kaya naman maaga pa lamang kanina, madilim pa ang paligid ay umalis na kami sa mansyon upang bago pa man sumikat ang araw ay makakarating na kami sa isla.

Gamit namin ang sinakyan din naming helicopter noong gabing sinundo nila ako sa isla. Walang traffic at napakabilis lang talaga ng biyahe.

Hindi maitago ang saya na aking nararamdaman noong sandaling nakatapak na akong muli sa isla na aking pinagmulan. Halos masubsob pa ako sa pagbaba mula sa helicopter dahil sa sobrang excited.

Kasama rin namin ni Skyler ang dalawang bodyguard na labis na pinagkakatiwalaan nito.

Bitbit ng mga ito ang mga naglalakihang bag na mayroong mga pasalubong para kina Beauty. Panay pagkain iyon na alam kong hindi pa nila natitikman at iba pang mga kakailanganin nila sa araw-araw.

Sobrang biglaan ng pagdalaw namin kaya nabigla at nasurpresa talaga silang tatlo noong makarating kami sa kanilang bahay.

Halos ayaw akong bitiwan nina Beauty at Aling Lucia mula sa kanilang mahigpit na pagyakap sa akin. Ganoon din si Mang Ben na panay ang pag-agos ng luha. Para kaming mga ewan na nag-iiyakan at nagyayakapan lamang sa loob ng ilang minuto.

Sobrang miss na miss ko sila at ganoon din sila sa akin.

Akala raw nila habang buhay na nila akong hindi na masisilayang muli.

Noong sandaling kumalma na kaming lahat ay isa-isang pumasok na rin ang dalawang body guard sa kanilang bahay para ipasok ang mga dala naming pasalubong.

Ngunit labis ang ipinagtataka ko noong sandaling iginala ko sa buong paligid ng bahay ang aking mga mata. Nakita ko kasi na mayroong mga bagong gamit ang mga ito. Napansin ko rin na ang karamihang pagkain at delata na dala namin na paralubong para sa kanila, ay meron na ring nakalagay sa kanilang kusina.

Awtomatikong napakunot ang noo ko. Ngunit mukhang agad naman na nakuha ni Aling Lucia ang pagtataka at mga katanungan sa aking isipan.

"Ahhh...ehhhh... hindi mo ba alam na halos linggo-linggo kaming dinadalaw dito ni Sky?" Tanong ni Aling Lucia sa akin na labis kong ikinagulat. Dahil sa totoo lang, hindi ko talaga iyon alam at wala rin siyang nababanggit sa akin.

"Magmula noong kinuha ka nila rito sa isla. Akala namin iyon na rin ang una at huling makakakita kami ng mga armadong kalalakihan. Pero hindi." Dagdag pa nito.

"Kasi palaging pumupunta rito si Skyler." Si Mang Ben na ang muling nagsalita. "Palagi niya kaming binibisita, kinakamusta, sinasabi sa amin kung kumusta ka na at ano na ang balita sa'yo. At sa tuwing bumibisita siya meron siyang dalang mga pasalubong para sa amin. Ayan!" Sabay turo ni Mang Ben doon sa mga delatang nakasalansan na tinitignan ko kanina.

"Tapos may mga armadong lalaki siyang kasama palagi. Hanggang sa isang araw, nagulat na lang kami rito na may tatlong armadong lalaki na ang nagbabantay sa paikot ng bahay. Sinadya talaga silang iwanan ni SKyler para raw safe kami rito lalo na kapag may masasamang loob na maligaw." Dagdag naman ni Beauty na labis na ikinagulat ko dahil hindi ko talaga alam na madalas pumunta rito si Skyler.

"Andoon nga sila ngayon sa likod ng bahay. Pinatayuan na lang ni tatay ng kubo na tutuluyan nila." Sabay turo ni Beauty sa may likod ng kanilang bahay.

Hindi ko alam pero sobrang nakakataba ng puso ang ginagawa ni Skyler para sa kanila. Ang saya-saya ng puso kong malaman na ligtas sila rito at hindi nagugutuman dahil sa proteksyon at alaga na ibinibigay sa kanila ni Skyler.

Kulang na kulang ang pasasalamat at salitang utang na loob para pasalamatan ko siya ng paulit-ulit.

Pagkatapos naming magkwentuhan nila Aling Lucia ay pinagpahinga na nila ako. Pero syempre, hindi ko iyon ginawa. Dahil susulitin ko ang oras na nandito ako, ano?

Nagpalit lamang ako ng aking damit at muling lumabas ng bahay habang nagluluto at naghahain naman ng agahan sina Aling Lucia.

Gusto ko pa nga sana silang tulungan pero pinagtatabuyan nila ako. Hmp! Bisita na raw kasi nila ako ngayon kaya hayaan ko na raw sila na ipagluto ako. Haaayyy! Nakakaloka sila.

Noon ko naman naisipan na hanapin na lamang si Skyler dahil kanina ko pa siya hindi nakikita.

Pero nalibot ko na ang paligid ng bahay hindi ko pa rin ito nakikita. Ang tanging nakikita ko lamang ay ang tatlong guard na nagbabantay sa labas ng bahay nina Beauty at pati na rin ang dalawang bodyguard na kasama namin.

Tatlo dagdagan ng dalawa, bale may limang guard na kaming kasama ngayon.

Hmp! Napahinga ako ng malalim.

Saan naman kaya nagtungo si Skyler? Hindi naman kasi ako sinasagot ng mga bodyguard sa tuwing tinatanong ko sila eh. Mga takot kasi kay Skyler. Tss!

Isa pa ang labis na ipinagtataka ko lang ay pansin ko na ilang araw na yatang nagiging abala si Skyler. Madalas din siyang umaalis ngayon ng mansyon at gabi na kung umuwi. Kung saan man siya pumupunta? Hindi ko rin alam.

Atsaka hindi pa rin nawawala sa isipan ko ngayon na palagi nang may dalang baril si Skyler kahit saan siya magpunta. Kasama man ako nito o hindi.

Haaayyy! Hindi ko tuloy mapigilan ang hindi kabahan para sa kanya. Paano kung sa susunod hindi na siya mambugbog? Bigla na lang siyang mambaril ng tao?

Harujusko! 'Wag naman sana.

"Kulot!" Awtomatikong napalingon ako sa pinanggalingan ng kanyang boses.

At noong makita ko na itong naglalakad papalapit sa akin ay agad na sinalubong ko siya.

"Saan ka ba nanggaling, Sky? K-Kanina pa kita hinahanap eh!" Sabay nguso na reklamo ko sa kanya. Ngunit napangiti lamang ito.

"Naidlip lang ako d'yan sa kubo ng mga guard. Ito naman, miss mo'ko agad?" Sabay lapit nito sa akin at hinawakan ako sa aking beywang. Pero mabilis na lumayo ako sa kanyang katawan.

"Uy! Si Kulot nagiging conservative na." Panunukso niya sa akin.

"Anong...conservative?" Tanong ko sa kanya. Ngunit sa halip na sagutin ako ay mabilis na hinalikan lamang ako nito sa aking labi.

Sumakto rin nang biglang sumulpot si Aling Lucia sa likuran namin. Napapikit ako ng mariin noong inakalang baka nakita niya ang ginawa ni Skyler. Hayst! Nakakahiya. Sana hindi naman...

"And'yan lang pala kayo. Halika na kayo, handa na ang agahan natin."

"O-Oho! Susunod na po kami." Sagot ko at napasulyap kay Skyler na merong nakakalokong ngiti.

Pagdating namin sa hapagkainan, hindi ko mapigilan ang matakam sa mga nakahandang pagkain. Grabeee! Sobrang na-miss ko ang mga fresh na isda at gulay. Pati na rin 'yung mga shells na hindi ko na talaga nakakain magmula noong napunta ako kina Skyler.

Pagkatapos naming magdasal para magbigay pasasalamat ay agad na nilantakan na namin ang pagkain na nakahain. Salo-salo kaming lahat kasama iyong limang guards.

Ang saya-saya kasi para kaming isang buong pamilya na kumakain at ngayon lamang ulit nagkasama-sama.

Sobrang na-miss ko rin kasi kasabay sa pagkain sina Aling Lucia, Mang Ben at Beauty na punong-puno ng kwentuhan at tawanan talaga habang kumakain. Hayyyy!

Salamat talaga kay Skyler at pinagbigyan niya akong makabalik rito sa isla. Wika ko sa aking sarili.

Nagulat na lamang ako noong biglang may inilapag sa harapan ko si Skyler na in can pineapple juice.

Nagtataka naman na tinignan ko siya. Kasi hindi ko alam kung para saan 'yun pero ang sabi ni Sky inumin ko lang daw dahil maganda 'yun sa katawan at sa puso.

Hmp! Sige na nga.

Ganoon lamang kami palagi nung tanghalin at pati hapunan na rin. Tinuring kaming tunay na bisita nina Aling Lucia at talagang pinasasarap nila ang kanilang mga putahe na inihahain. Kaya naman palagi kaming busog sa tuwing kakain.

At sa tuwing kumakain, hindi nawawala sa aking harapan ang pineapple juice na palaging inilalapag ni Skyler sa akin.

Talagang gusto niya akong maging malusog ha? Wika ko sa aking isipan.

Noong pagkatapos ng tanghalin ay naging oras ko naman iyon para kwentuhan ng aking mga naging karanasahan si Beauty. Ganoon din siya sa akin.

Grabe! Halong mag-iisang taon na rin pala na hindi kami nagkikita. At ang dami nang ganap na nangyari sa kanya-kanya naming buhay pero ang labis na ipinagpapasalamat ko lamang ay wala pa ring nagbabago sa samahan naming dalawa bilang magkaibigan.

Madalas niya na ring mapuna ang pananalita ko. Improving na raw ako sabi niya, na dati ay hindi talaga ako nakakaintindi kahit simpleng english lamang.

Syempre, hindi mawawala na ibibida at ipagmamayabang ko palagi si Skyler sa kanya, ano?

At noong pagkatapos naman ng aming hapunan, naging moment naman naming dalawa ni Skyler ang gabi. At kung saang gabi, doon niya ako niyayang maligo ng dagat.

Hayst! Hindi ba siya nilalamig? Hmp!

Pinatulog na niya ang mga guard at mahigpit na sinabi niya sa mga ito na wag na kaming babantayan at susundan. Agad naman na sinunod siya ng mga ito.

Nakasuot lamang kami ngayon ng two piece swimsuit na kulay black habang si Skyler naman naman ay kulay yellow na siya rin mismo ang pumili para sa aming dalawa.

Hindi ko mapigilan ang mapakagat sa aking labi noong sandaling makita ko ang nagyayabang niyang mga abs. Lalo na noong lumublob na ito sa tubig at muli ring umahon.

Grabe! Nakakapaso talaga ang ganda ng hubog ng kanyang katawan.

Alam mo 'yung busog ka na mula sa hapunan pero parang gusto mo pa ulit kumain? Gano'n ang aking nararamdaman habang nakaupo rito sa ibabaw ng telang inilatag niya sa buhanginan.

"Hindi ka pa ba magswi-swimming?" Tanong nito noong huminto sa harapan ko at tinabihan ako sa pag-upo.

"Ayaw. Malamig." Tipid na sagot ko sa kanya.

Mas inilapit naman niya ang kanyang katawan sa akin. Awtomatikong naramdaman ko ang lamig ng tubig na nagmumula sa kanyang basang katawan.

"Gusto mo ba painitin muna kita bago maligo?" Pilyang tanong nito sa akin dahilan para mapalunok ako at agad na napatingin sa buong paligid.

"Wag ka nga. Hindi natin pwedeng gawin 'yun rito." Saway ko sa kanya at tatayo na sana nang pigilan niya at mabilis na inihiga ako bago ito pumaibabaw sa akin.

"At sinong may sabi?" Tanong niya sa akin habang pinagmamasdan ang buong katawan ko.

Dahan-dahan na hinawakan din niya ang magkabilaang kamay ko at itinaas iyon sa may ulo ko upang hindi ako makapagprotesta.

"S-Sky..." May pagbabanta na tingin ko sa kanya.

Pero hindi niya ako pinakinggan at pilyang pinagtawanan lamang niya ako. "Ow! Nagiging bad girl ka na kulot ha?" Sabay dahan-dahan na idiniin niya ang kanyang pagkababae sa akin.

Pigil hiningang napasinghap ako dahil sa lamig na nagmumula sa basang tela na sumasagi sa aking pagkababae. Pagkatapos ay marahan na itinaas baba at mas idiniin pa niya iyon sa akin atsaka pilyang iginalaw ang kanyang hips.

Napalunok ako ng mariin.

"Ayaw mo ba nito?" Tanong niya bago ako mapunok na hinalikan sa aking labi kasabay ang patuloy na paggalaw ng kanyang balakang sa ibabaw ko.

"Hmmmmmm..." Hindi ko mapigilang mapaungol sa loob ng kanyang bunganga.

Habang ang isang kamay niya ay nakahawak parin sa magkabilaang kamay ko na nasa may uluhan ko. Ang isang kamay naman nito ay naging abala sa paglakbay sa buong katawan ko hanggang sa masapo nito ang hinaharap ko at marahan na minasahe ito.

Bumaba rin ang kanyang halik sa leeg ko.

"S-Skyy....Uhmmmm.. Ba-Baka may makakita sa...uhmmm sa atin." Muling paalala ko sa kanya.

"Walang makakakita sa'tin dahil pinatulog ko na silang lahat." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad tumambad na lamang sa kanyang harapan ang aking malulusog na hinaharap na gano'n lamang niya kabilis hubaran.

Agad na nilantakan niya ang nipples ako na para na namang gutom na gutom na sanggol. Iyong sipsip na merong tunog pa.

Dahil doon ay tuluyan na akong bumigay at nawala na sa huwisyo habang napapaarko ang aking likod dahil sa sensasyon na nararamdaman.

"Uhhhh....uhmmmmm..."

"That's it, kulot. Give me more moan."

Atsaka dahan-dahan na ibinuka nito ang aking magkabilaang legs habang tinatanggal ang aking underwear.

At noong matagumpay na niyang natanggal iyon ay ang kabilang nipple ko na naman ang nilasap niya.

Habang hinahaplos ng marahan ang aking hiwa na ngayon ay namamasa na ang lagusan.

Grabe! Nababaliw na naman ako sa sarap.

Lalo na dahil ramdam na ramdam ko ang init ng labi at dila ni Sky habang pinagpaparuan ang paikot ng nipple ko at nilalantakan ito. Kasabay ang dahan-dahan na paghaplos nito sa akin sa ibaba at agad na pinaglaruan din ng kanyang darili ang clit ko.

"Ahhhhh... Sky.... ang sa--saraaapp!" Muling pag-moan ko bago napasabunot sa kanya at mas idiniin pa ang kanyang ulo sa aking dibdib.

Hindi nagtagal ay bumaba ang halik nito mula sa aking dibdib, hanggang sa aking pagkababae. Marahan na hinalikan niya ang ibabaw nito hanggang sa mahanap ng kanyang dila ang tumatayo kong clit*ris at agad na pinaglaruan ang paikot nito.

Pagkatapos ay marahan na ipinasok rin niya ang kanyang daliri sa aking naglalawa na ngayong lagusan.

Hindi ko mapigilan ang mapanganga at ang mapaungol ng mas malakas kasabay ang medyo kalmadong hampas ng mga alon sa dalampasigan.

Mula sa dahan-dahan na paglabas pasok ng kanyang daliri sa akin ay kasabay na gumagalaw din ang kanyang dila sa paikot ng aking clit.

"Ohhhh!! Ahhhh!! Hmmmmmm!!! Sky..."

Dahilan para mas lalo akong mahibang sa sarap at napapaarko pa lalo ang aking likod. Hindi na ako mapakali pa lalo dahil parang sasabog na naman sa sarap ang aking puson at pagkababae.

Napapasabunot na rin ako sa kanyang buhok lalo na dahil pabilis ng pabilis ang kanyang paggalaw.

Noong maramdaman ko na nanginginig na ang aking mga tuhod ay muling pumaibabaw ito sa akin at hinalikan ako sa aking labi.

Hinalikan ko rin siya pabalik kahit na lasang-lasa ko na naman at maoy na amoy mula sa labi niya ang aking sarili.

"Ahhh!!! You're so fucking hot, Kulot. Uhmmhhmmmmmm!" Pag-moan nito sa pagitan ng aming mga labi.

"Ahhhhhhhh!!!! Ahhh!! Hmmmm." Hindi ko naman napigilan ang lalong mapaungol pa at wala ng pake kung may ibang makarinig sa amin. Sinasabayan ko na lang ang ingay ng mga alon. Habang si Skyler naman ay mas lalo ng idinidiin ang kanyang daliri sa aking lagusan.

Mas lalong ibinuka rin nito ang aking legs, gamit ang kanyang magkabilaang tuhod at mas binilisan pa ang paglabas pasok sa akin. Ramdam na ramdam ko na ang pagtulo ng katas ko mula roon. Pati na rin ang kanyang panggigil.

"Ahhhhhhhh!!!! I won't stop until I make you cum again and again..."

Hindi na nito napigilan pa ang mapakagat sa aking labi at agad na nalasahan ko rin ang aking sariling dugo mula roon.

Hanggang sa naramdaman ko na lamang ang mainit na likidong lumabas sa aking lagusan. Nanghihina na ako at nangingig na ang mga tuhod ko pero hindi pa rin tumitigil sa paglalabas pasok sa akin si Skyler.

Hanggang sa pangalawang pagkakataon ay muli kong naramdaman ang pag-agos ng mainit na likido. Doon naman dahan-dahan na tumigil na si Sky at marahan na hinugot ang kanyang daliri.

Pero hindi pa roon nagtatapos. Muling pumwesto ito sa ibaba at walang sabi na muling dinilaan ang aking pagkababae kahit na sobrang nanginginig na ang tuhod ko.

"Skkkkyyyyy.. pa-patayin mo ba ako sa....ahhhhh sarap?" Reklamo ko sa kanya ngunit narinig ko lamang na natawa ito ng mahina bago tuluyang iniwan na ang aking pagkababae at muli akong hinalikan sa aking labi.

"I can't stop it. You're so delicious and sweet." Kagat labing sabi niya. "Fuck! I'll make love with you for the rest of my life, Kulot." Dagdag pa niya na ikinakamatis ng buong itsura ko.

Dahil sinasabi niya ang mga iyon habang nakatitig sa mga mata ko.

At pagkatapos noon ay hindi ko inaasahan ang sumunod niyang sinabi na siyang dahilan para mapatulala ako.

"I love you, Felicia. Please, be mine."

Wala akong pinag-aralan, oo. Hindi pa malalim ang mga kaalaman ko sa mga bagay-bagay, oo. Pero alam ko ang ibig sabihin ng mga katagang binitiwan niya.

At sa hindi malamang dahilan, bigla na lang akong naluha sa saya bago niyakap siya.

"Yes! Yes, Skyler. Iyong-iyo ako." Nangingilid ang luhang sabi ko sa kanya dahil sa saya.

avataravatar
Next chapter