15 TP: 13

Now playing: Makasama - Lucas Miguel

Skyler POV

Wala pa akong tulog galing Baylight. Inumaga na kami natapos dahil sa weekend ngayon kaya mas maraming guests ang pumunta.

Pagkatapos ko ay sandaling umuwi muna ako sa mansyon, para maligo at makapagbihis na rin at syempre upang ma-check si Felicia. Ngunit tulog pa ito nang dumating ako.

Hindi ko na ito inabalang gisingin pa para naman makapagpahinga siya ng maayos.

Ngayong araw kasi ang araw para pormal na ipakilala ni Nicole si Violet sa kanyang pamilya at sa aming mga kaibigan niya. Syempre, pati na rin sa parents ng mga kaibigan namin as part of their family.

Hindi ko alam na nag-propose na pala kaagad si Violet sa kanya pagdating na pagdating pa lamang niya galing ng New York.

Ang lupet talaga ng babaeng 'yun! Sunggab agad basta may pagkakataon. Hahaha. Natatawa na sabi ko sa aking sarili habang napapailing. Well, they deserve each other naman at walang sino man ang pwedeng tumutol pa sa kanilang dalawa.

Lalo na ngayon na nasa kulungan na si Chase at ganoon din si Aisha. Isa pa, bilang kaibigan nilang dalawa, hinding-hindi ko hahayaan na may isa sa kanila ang mapahamak, 'no? Kapatid ko na si Nicole so there's no way na papayagan kong may humadlang pa sa kanila katulad ni Chase at Aisha.

Kaya naman, magkasunuran lang ang sasakyan namin nina Dada Billy sa biyahe patungo kina Nicole. Nauuna ang mga ito sa akin habang nakasunod naman ako sa kanila.

Pagdating na pagdating pa lamang sa bahay nina Nicole ay panay na ang pang-aasar sa akin ni Autumn at Kezia dahil sa kauna-unahang ipinost ko kahapon sa instagram. Na sa tingin ko ay agad na ipinagsabi na ng mga ito sa iba pa naming kaibigan kaya pati sina Gabby, Tabitha at Sydney ay nakikisali na rin sa kanila.

Ganoon din si Violet na kanina ko pa tinitignan ng masama.

Mga walangya!

"Breakfast with my Kulot." Patuloy na panunukso ni Autumn sa akin. Kaya nagkunwari na lamang ako na abala sa aking cellphone.

Bahala sila mag-isip kung anong gusto nilang isipin. Masyado silang ma-issue sa buhay. Tss!

"So, sino naman kaya ang susunod na magkakajowa sa inyo?" Pabirong tanong ko ni Nicole sa aming lahat.

"Pakigalaw na ang baso kung sino man kayo." Makahulugang dagdag pa nito na hindi ko alam kung pati ba siya eh nasabihan na rin nina Autumn or what.

Nagtawanan ang lahat except sa akin at awtomatikong nagbaling ang mga ito ng tingin sa akin ngunit hindi ko sila pinansin at patuloy lamang sa pag-i-scroll kunwari sa aking cellphone.

Awtomatiko naman na napakunot ang noo ni Nicole.

"Isang taon at kalahati lang akong nawala. Anong chika?" Tanong nito hindi sa akin kundi sa mga kaibigan namin na masyadong maraming issue sa buhay.

Bigla namang natawa 'yung fiancee nitong si Violet. Na halatang may ideya sa kaganapan sa buhay ko habang wala si Nicole dito sa Pilipinas.

Dahil doon ay makahulugan na tinignan ako ni Nicole.

"Oh, may girlfriend ka na? As in, seryosohan na ba? OH. MY. GOSH!" Hindi makapaniwala na tanong nito sa akin. Hindi rin maitago ang excitement sa kanyang mga mata.

Napahinga lamang ako ng malalim.

"Hindi ko siya girlfriend!" Mariin na pagtatanggi ko ngunit agad ding napamura at nadismaya sa aking sarili. Parang ang defensive kasi masyado ng isinagot ko sa kanya. Wala naman siyang tinutukoy kung sino.

Stupid, Skyler.

Dahil sa isinagot ko ay muling inulan ako ng samot saring pang-aasar mula sa mga kaibigan namin.

"Ano nga kasi? Hello guys? You have to tell me, kasi parang ako lang ang walang ideya sa nangyayari." Namumuryot na tanong nito sa aming lahat. Lalo na sa akin.

Malulutong na tawa ng mga ito ang sumunod na naman nilang pinakawalan.

"Will you please stop guys?" Malapit na akong maubusan ng pasensya. Nag-aalala kasi na baka marinig kami ni Dada Billy at tiyak na malalagot ako roon. Sa lahat ng tao, sa kanya lang ako bukod tangi na natatakot, 'no?

"Bahala nga kayo riyan!" Sabay walk out na sabi ko sa mga ito at hindi na muling lumingon pa.

Hindi naman sila ang mapapagalitan kasi kapag nagkataon. Ang childish lang ng dating pero kasi--- hayst!

Nakakatakot kayang magalit si Dada Billy. Isa pa, ayaw kong patuloy nila akong inaasar kay Kulot dahil pang seryosohan si Kulot. Hindi naman siya katulad ng ibang naging babae ko na basta-basta lang.

Atsaka ano bang meron sa post ko? Masyadong maganda at natuwa lang talaga ako sa first picture namin kahapon kaya ko iyon na-ipost.

Pero...napangiti ako sa aking sarili. Deep inside naman kasi talaga ay kinikilig ako. Ayaw ko lang mahalata nila at lalo lamang nila akong aasarin kapag nagkataon. Isa pa, masisira ang pagiging astig ko kaya dapat cool lang tayo at kunwari masungit. Hahahaha!

"Skyler."

Bigla akong natigilan sa aking paglalakad noong marinig ko na tinawag ni Dada Billy ang pangalan ko.

Awtomatikong itinago ko ang ngiti sa aking labi bago tuluyang napaharap sa kanya.

"Yes, Da?"

Lumapit ito sa akin bago mataman na tinignan sa aking mukha.

"I think you're done here. Umuwi ka na dahil sigurado akong kanina ka pa hinahanap ni Felicia. Isa pa, wala siyang lesson ngayon dahil weekend." Utos nito sa akin na agad naman ikina-excite ng puso ko.

"What do you want me to do? Ipasyal siya?" Nagkibit balikat lamang ito.

"Whatever the hell you want." Wika niya. "Alam mo naman ang limit mo and our rules." Sabay kindat na dagdag pa niya bago ako muling tinalikuran.

Lintik na rules 'yan. Eh kung gustong-gusto ko talaga si Kulot, mapipigilan ko ba 'yun? Hayst.

Padabog na pumihit ako patungo kung saan naka-park ang sasakyan ko.

Langya naman kasi! Pagmamaktol ko sa aking isipan bago malakas na napasipa sa gulong ng aking kotse pagdating. Ngunit ako rin itong nasaktan.

Makauwi na nga ng makasama ko na si Kulot. Tss!

Pagdating ko sa mansyon ay agad na nagtungo ako sa kwarto nito. Sinabi kasi sa akin ng isang maid na pagtapos nitong mag-agahan kanina ay bumalik siya sa kanyang kwarto at hindi na muling lumabas pa.

Kaya naman dali-dali akong nagtungo para kumustahin siya.

Kumatok muna ako ng tatlong beses bago tuluyang pumasok sa loob.

Ang tahimik ng kanyang kwarto. Nakaayos na rin ang kanyang kama.

Iginala ko pa ang aking paningin sa buong silid ngunit kahit anino nito ay hindi ko makita. Mabilis na nagtungo ako sa may balcony, pero wala rin siya roon.

Kaya dumiretso ako sa loob ng kanyang walk in closet dahil baka nagbibilis lang siya. Ngunit bigo pa rin akong makita siya.

"Ang katiiiiiii!" Agad akong nabuhayan ng loob noong marinig ko ang boses nito na nanggagaling sa loob ng kanyang banyo.

Mabilis na nagtungo ako roon. Ngunit mabilis at agad ding tumalikod mula sa kanya dahil ubot hubad na naman ito.

Napahinga ako ng malalim bago napapikit ng mariin.

"Kulot ano na namang ginagawa mo?!" Tanong ko sa kanya kasabay ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

"SKYLERRRRR ANDIYAN KA NA PALAAAA!" Sabay takbo nito sa harapan ko kahit na tumutulo pa 'yung tubig mula sa buhok at buong katawan niya.

"What the fu---" Muli akong napapikit ng mariin. "Felicia, pwede bang takpan mo naman 'yang katawan mo?! Paano kapag may ibang taong pumasok dito sa loob at nakakita kang walang saplot diyan?!" Saway ko sa kanya.

Ngunit kahit na nakapikit ako ng mariin, ramdam ko na hindi pa rin ito umaalis sa harap ko.

"Eh kasi Sky. Ang katiiii! Ang kati-kati ng pepe kooo!" Reklamo niya.

Muli akong napamura sa aking isipan. Andito na naman po ako sa pagsubok na pinaka nahihirapan akong i-take.

Kalma, Sky. Kalma. Paalala ko sa aking sarili.

Bago siya tinalikuran at hinanap ang kanyang bath robe atsaka iyon agad na inihagis sa kanya. Pero hindi ako nakatingin ha!

Napahinga ako ng tatlong beses bago muling nagsalita. This time, kaya ko na siyang tignan dahil naisuot na nito ang kanyang robe. Pero katulad ng sinabi niya, na nangangati pa rin 'yung kanyang ano--- alam niyo na.

Kumakamot pa rin siya roon. As in, nasa harapan ko pa talaga! Kaya muli akong napailing at umiwas ng tingin.

"Baka naman kasi hindi ka naghuhugas, kulot. Hayst!" Ang lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko.

Ewan ko ba kapag ganitong si kulot ang nasa harap ko natataranta ang puso ko.

"Naghuhugas ako, Sky. Naliligo pa nga eh. Atsaka h-hindi naman 'yung mismong pepe ko 'yung makati. 'Yung nasa labas, Sky. Eh kasi 'di ba ni-wax nila 'yun nung nakaraang linggo. Nagtutubuan na 'yata 'yung mga bulbo---"

"OH MY GOSH! Kailangan mo pa talagang sabihin 'yan?!" Mabilis na singhal at putol ko sa kanya habang hindi pa rin makapaniwala na hanggang ngayon, wala pa rin siyang limit sa mga choice of words niya.

"Sky, kamutin mo kaya!" Biglang utos nito sa akin na mas lalong ikinagulantang ng buong pagkatao ko. Lalo na noong mabilis na lumapit siya sa akin kaya walang nagawa na napatakbo ako ng disoras papalayo sa kanya.

Ang pagkakamali ko nga lang, sa loob ng banyo ako nagtungo. Edi na corner din niya ako.

Napapahilamos ako sa aking mukha habang nag-uunahan sa pagtaas baba ang aking dibdib.

Lalong nagwawala ang aking kalooban nang sandaling hubarin nitong muli ang kanyang suot na bath robe sa aking harapan. Dahilan para tumambad sa akin ang kanyang hubad na katawan. Habang diretsong nakatingin lamang ito sa aking mukha.

Walang expression ang kanyang mga mata at seryoso lamang akong tinitignan.

Napapalunok ako ng mariin. Para siyang isang masarap na putahe ngayon sa aking paningin na nakahanda na upang aking kainin at lantakan. Lalo pa itong lumapit sa akin ng dalawang hakbang.

What the hell is she doing?!

"Kulot, isang hakbang pa palapit sa akin, swear. Swear---"

"Swear, what?" Biglang tanong at putol nito sa akin.

Hindi ko mapigilan ang hindi magulat sa paraan kung paano niya ako tanungin.

This time, parang biglang naging isang hot chikababe siya at nagkaroon ng full confidence sa aking harapan. Awtomatikong napakunot ang noo ko.

"Swear... you will taste the heaven you want to taste and experience." May pagbabanta na wika ko pa.

Ngunit sa halip na matakot ito sa akin at huminto na sa kanyang paghakbang ay nagpatuloy pa rin siya.

Hindi lamang isang hakbang kundi dalawa.

That's why I completely lost control of myself and without saying a word, I grabbed her waist and gave her a strong and seductive kiss on her lips.

avataravatar
Next chapter