2 11:11

"11:11 PM"

Genre: Love Story

Published date: June 9 2020

"hey sissy! mag eleven eleven na" excited na sabi sakin ni Natasha. Agad akong tumingin sa cell phone ko kung totoo ba yun kaya nagulat ako one minute na lang nga ang natitira. Nang mag 11:11 na ay agad akong nag wish for my crush. 'i wish someday mayroong pag tingin saakin si crush' ayun ang gusto kong mangyare sana nga mangyare ang matagal ko ng inaasam.

"Huy bruha ano wish mo?" tanong nito sakin. umiling lang ako, "ano nga damot mo babaita huh, oh sege tanungin mo yung akin dali" tuwang tuwa ito. "fine, ano winish mo?" tanong ko sakaniya. "i wish na maging kami ng crush ko" ngiting tagumpay ito akala mo naman nangyare na. Medyo nagulat ako kasi pareho kami ng wish. Well, best friend kami eh iisa ang iniisip char. "really? sino naman yan?" tanong ko sakaniya, actually minsan lang ako magka crush sa isang tao. Eto namang si Natasha laging madami nagiging crush pero this time ngayon lang siya nangarap na maging sila ng crush niya baka naman fame yung crush kaya nagwi wish na lang siya. *KINABUKASAN*

it's already 11:11, "i wish maging kami, ayos lang nmn pong umasa diba po?" sabi ko. *NEXT DAY*

"I wish icrush back niya ko, i miss you Kent" sabi ko. *ANOTHER DAY*

"I STILL WASTE MY WISHES ON YOU..."

"LORD, it's fine for me na hindi na niya ko icrush back siguro hanggang crush na lang po ako sakaniya noh po?" *NEXT DAY*

"uy Dahlia, mayroong padating na gwapo dito sa may upuan natin" sabi ni Natasha sakin kaya naman napalingon ako sa kung saan siya nakatingin na ngayon, at oo nga totoo nga sinasabi niya palapit na si Kent dito. "hello sainyo, Dahlia right?" tingin at turo niya sakin. kinikilig ako bat ganon. "oo bakit?" tanong ko sakaniya. Siya yung taong inaasam ko na maging crush niya ko. "Pwede ka bang makausap mamaya pagkatapos ng klase niyo?" tanong niya sakin.

"hmm about what naman?" tanong ko sakaniya. "ano kasi may sasabihin lang ako sayo importante promise" ngiting nahihiya at kumakamot pa. Ang cute niya the way he do that. My heart went ooopz! talaga hahaha.

"sege mga 3:30 pm ang tapos ng huli naming klase" sabi ko sakaniya at tumango ito. "ok I'll wait you, mga around 3 din ang tapos ng amin, so see you Dahlia" sabi nito sabay kindat pa sakin. Naiwan akong tulala kasama si Natasha. Umalis na si Kent sa harapan namin. "anong ibig sabihin nun sis? may gusto siya sayo? omyyghadd" kilig na tanong niya sakin. sana nga meron pero parang impossible eh. "impossible naman na magkagusto siya sakin hindi naman ako ganon kagandahan alam mo yan" sabi ko. Binatukan ako ni gaga, masakit yun huh. "tanga maganda ka kaya hindi ka lang pala make up kasi natural beauty mo yan ghorl hay nako, ewan ko sayo basta pag niyaya ka niyang makipag date pumayag ka na huh alam ko namang crush mo siya eh" sabi niya kaya nagulat ako. Tinakpan ko ang bibig niya para tumahimik baka may makarinig at lalo na si Kent nako.

"papano mo naman nalaman huh?" tanong ko, "ewan ko sayo may paglihim ka pa eh halata naman sa itsura mo kanina na naakwardan ka" sabi niya. weh halata nga? "totoo ba? halata namumula ba ko kanina?" tanong ko. tumawa ito ng malakas. "shh ano nga kasi Natasha!" sabi ko. at tumigil ito sa pagtawa. "oo nga halatang kinakabahan ka at di ka namumula kanina kaya dont worry sis" sabi niya kaya gumaan na pakiramdam ko. buti na lang ay hindi kinabahan talaga ako.

*3:35 PM* tingin ko sa orasan ko. Hindi na ko sumabay pa kay Natasha pauei dahil alam naman niyang susunduin ako ni Kent, wow sundo? jowa. Paglabas ko ng building namin ay may nakita akong lalakeng nakatalikod at may kausap na babae. Nilagpasan ko na lang sila. Narinig kong may naga away, naga away ba sila? pero hayaan ko na nga. Nang makita ko ang mukha ng lalaki ay nagulat ako si Kent pala yun girlfriend niya siguro yun. Sabi na eh wala akong maasahan igi give up ko na lang siguro ang pagkakaroon ng crush sakaniya. Maglalakad na sana ako ng may humawaka balikat ko. Napalingon ako at si Kent yun, ng tignan ko kung andun pa ang babaenh kausap niya kanina ay wala na ito kaming dalawa lang ang nandito sa tapat ng building namin.

"hey Dahlia im sorry kinausap ko lang si Kisses" pagkarinig ko palang ng pangalan ay alam ko ng gf niya yun. Naririnig ko lang pangalan ng gf niya pero yung mukha di ko tanda. pero ang ganda pala ng gf niya mas maganda yun kesa sakin.

"ahh ayos lang, so anong pagu usapan natin?" tanong ko habang naglalakad kami palabas ng campus.

"gusto kong mag review kasama ka, pwede ba yun? ayos lang naman sakin kahit ayaw mo" sabi nito nakakabigla pero pwede na din kaso baka magalit gf niya. pumayag ako ng gabing iyon pero hindi ko inopen up yung topic about sa gf niya. Araw araw, tuwing may padating na exam or sem ay lagi kaming magkasama minsan naglilibrehan sa isa't isa actually nga ayaw niya pumayag na ako manlibre sakaniya pero i make a deal na pareho kaming manlilibre sa isa't isa.

"mali ka hahaha, squared kasi yan" sabi ko habang tumatawa sakaniya. "ay oo nga noh galing mo dun ah" sabi nito kaya nagtawanan kaming dalawa. habang busy kaming dalawa sa parereview ay nagsalita ito. "malapit na ang JS PROM, may partner ka na ba?" sabi nito. umiling ako. "ha? bakit naman" sabi niya. "hindi naman ako sasali sa ganyan eh hindi ako mahilig jan" sabi ko habang busy sa pagsusulat ng nunbers. "weh? sumali ka na Dahlia" sabi niya pangungulit sakin. "eh ano naman gagawin ko dun huh? kakain lang?" sabi ko ng pabiro. "ako partner mo" sabi nito kaya napatingin ako sakaniya nakakunot noo. "oh bat ganyan itsura mo huh parang nakakita ka ng multo hahaha" sabi niya habang tumatawa. "eh may gf ka tas ako partner mo ano ka hilo? hahaha" sabi ko. napakunot noo siya.

"wala kong gf matagal na hahaha nung hinintay kita nung kahapon nun ay nakipag break ako kay Kisses, nung hinihintay kita sabi ko sakaniya may iba na kong gusto at may gusto akong ligawan" sabi niya, napataas ang kilay ko. so wala na sila at sino naman ang swerteng babae ang nililigawan niya?

"so sino naman bago mong nililigawan?" tanong ko. halatang gulat ang mukha niya nakakatawa.

"ang manhid mo naman, ganda mo sana kaso manhid kd" ayun ang sabi niya na ikinamula ng aking pisnge. "hahaha bat ka namumula kinikilig ka ba?" tumatawa siyang sabi niya. "hindi nue at bakit naman ako kikiligin sayo aber?" taas ng kilay ko.

"weh? ikaw, ikaw ang nililigawan ko hindi ba halata kapag magkasama tayo lagi? kaya nga kita niyaya noon eh dahil dun ko inumpisahan ang panliligaw sayo. nawala ang feelings ko kay Kisses nung padaan daan ka sa harapan ko noon akala ko snobber ka eh di mo man lang ako napapansin that time hayst kaya nag first move na ko para sayo ayos ba?" sabay kindat nito sakin. "totoo? hindi nga? bat hindi ko alam? at hindi mo namn sinabi sakin na na ano-ahm na manliligaw ka pala sakin" nautal pa ko. "kailangan ko pa bang sabihin? kasi ang sabi nila mas magandang ipakita kesa sabihin edi pinakita ko na mahal kita noon pa" sabi niya.

crush ko noon crush din ako totoo ba to? simula nung araw na yung umamin siya sakin ay di ako mapakali. Hanggang sa napagdesisyonan kong sumama ng JS PROM ng hindi nagsasabi sakaniya.

hinahanap ko kasama ko ngayon si Natasha at si Raze. Si raze ang partned ko ngayon pansamantala dahil araw na ata to na para umamin sakaniya at sagutin siya tama ba? hindi ko ba alam pero nae excite ako na makita siya. "maiwan ko na kayo jan huh, ikaw raze ingatan mo yang bestfriend ko sasapakin kita" sabi niya kay raze na ikinatawa namin pareho. "are you okay? nanjan na siya kanina pa kaya dont worry" sabi ni raze kaya tumango ako. naglakad na kami sa red carpet habang nakangiti sa mga tao rito. Maya maya ay upo na kami, katabi ko si Natasha buti na lang yehey.

*MAKALIPAS ANG ILANG ORAS*

umalis si raze dahil may isasayaw daw siya si Natasha din umalis may kasayaw ako naman itong naiwan dito hindi ko pa kilala ang mga kasama namin dito sa table namin. Pero may biglang umupo sa upuan ni Raze. Hindi si raze ang umupo kaya napatingin ako. Nanlaki ang mga mata ko ng makita kung sino ito.

"miss me? why did you mot tell me? u came Dahlia" sabi ni Kent sakin. kaya nag smile ako. "yes i miss you, i wanted to surprise you, did i surprise you?" tanong ko. tumango ito. "im mad" sabi nito na halatang seryoso talaga siya sa sinabi niya. "at bakit naman?" tanong ko. "kasi iha yung partner ko at may partner kang iba naiinggit ako sana ako na lang si pareng raze" sabi niya. natawa ako sa sinabi niya. ang kyut niya maiingit.

"can we dance?" tanong niya tumango ako. pumunta kami sa gitna ng maraming tao at nakita kong sa tabi lang namin sina Natasha at Raze. nakangiti saamin. "Dahlia, i love you, and you're so beautiful with that beautiful dress" sabi niya kaya natawa ako. "so ngayon lang ako maganda?" tanong ko. "of course not, you're always beautiful." sabi niya

"Kent, may sasabihin ako sayo" sabi ko.

"ano yun? kinakabahan naman ako sayo Dahlia" sabi niya ng mahinang tumatawa. "sinasagot na kita Kent, alam mo noon pa kitang gusto. Lagi kong winiwish na sana icrush back mo ko and here it comes. natupad yun Kent. kaya sinasagot kita hindi ko inaasahan noon na sasabihin mo sakin na nililigawan mo na pala ako that time natutuwa ako dun" sabi ko habang nakangiti sakaniya. niyakap ko siya at hinalikan niya ang noo ko. "i love you Dahlia" bulong nito sa tenga ko. "i love you too Kent" sabi ko.

humiwalay kami sa isa't isang yakap at tumingin kala Raze and Natasha na may ibang kasayaw ang mga ito. "pre raze and natasha kami na" tuwang tuwa at pinagmamayabang niya pa na kami na. nakakatuwa dahil kami na ng crush ko noon. na boyfriend ko na ngayon. 11:11 is the best when i wish to. 'I STILL WASTE MY WISHES ON YOU, MY KENT'

END OF STORY!!

avataravatar
Next chapter