5 CHAPTER 4: WELCOME TO GRACEAN

CLYDE's POV

Malalim na ang gabi, hindi padin mawala sa isip ko yung nakita ko kanina. Saan galing ang liwanag na iyon? Bakit ganun nalang ang gulat ni Kairi kanina? Anong meron doon?

At sino kaya iyong babaeng lumabas mula dito sa bahay namin?

I sighed. "Kailangan kong kausapin bukas si Kairi about doon. Gusto kong ma-klaro sa isipan ko ang nakita kong pangyayari kanina."

Natulog na ako ng mahimbing para bukas.

Kinabukasan, agad kong hinanap si Kairi.

Hindi ko siya mahanap, pinuntahan ko na lahat ng sulok ng bahay ngunit wala siya. Saan kaya nagpunta iyon?

Papunta ako sa garden ng makarinig ako ng ingay mula sa comfort room. I think si Mama yun, mukhang pinagagalitan na naman niya si Kairi.

Agad akong pumunta doon, nakasara ang pinto, pinakinggan ko muna ang usapan nilang dalawa.

"Kairi "Tanga", bagay sayo yan dahil tanga ka." sabi ni Mama. Ikinuyom ko ang kamay ko dahil sumusobra na siya, wala na ba siyang magawa kundi pagalitan si Kairi lagi?

Narinig ko ang iyak ni Kairi and that makes me more angry, I need to go inside to save her, mukhang nahihirapan siya.

Nang buksan ko ang pinto, sasabunutan na sana ni Mama si Kairi, buti nalang at nakuha ko agad ang kamay ni Mama at napigilan ito.

"Ma, ano na naman ba?!" galit kong sabi.

"Yang babaeng yan! Ultimo paglilinis ng cr, hindi alam! Jusko! Di ko na alam talaga gagawin d'yan!" sigaw na sabi niya.

Lumabas na siya and Kairi cry even more. At sa pag-iyak niyang iyon, I automatically hug her. Ayun lang ang alam kong gawin sa ngayon, to feel her loved and safe by hugging her.

Hinaplos-haplos ko ang likod niya habang pinapatahan siya. Nung medyo di na siya umiiyak ay binitawan ko na ang yakap ko sakan'ya.

"Bakit kasi di ka lumalaban pag alam mong lagi ka nalang sinasaktan?" tanong ko.

"Basta. Wala kang alam." napailing nalang ako sa sinabi niya. Inayos niya ang kaniyang sarili at inakay siyang lumabas na.

I don't get her. And I don't even get myself. Why am I so concern to her? Why am I saving and protecting her?

Pumunta nalang ako sa game room ko at naglaro ng video games. Sinuot ko ang headphone ko at nagfocus sa laro.

Habang naglalaro ako, may kumalabit sa'kin mula sa likod ko. Pagtingin ko, si Mama pala, tinanggal ko ang headphone ko, pinause ang laro at tumingin sakanya.

"Ano kailangan mo, Ma?"

"Gusto lang kitang kausapin tungkol sa tangang babae na yun." naikuyom ko agad ang kamay ko at pasalamat si Mama kung hindi lang siya babae, at kung hindi ko lang siya, malamang, kanina ko pa siya nasuntok.

"Ma! Huwag mo nga siyang matawag-tawag na ganiyan! Dahil in the first place, 'di siya ganyan! Mag-isa na nga lang siya sa buhay tapos inaalipusta mo pa! Di ko na din alam gagawin sayo, Ma! Lagi nalang!" padabog akong umalis.

Hinanap ko si Kairi. Nakita ko siya sa garden, nakatitig sa isang halaman, bulaklak pala. Yung nag-iisang pulang-pulang rosas na nasa isang tabi. Maganda yun kaya siguro niya ito tinititigan.

Pinagmasdan ko siyang haplusin ang hindi matinik na part ng tangkay ng rosas, at ang bulaklak nito. Humakbang ako at natigil din nang marinig ko ang sinabi niya habang nakatitig padin sa bulaklak.

"Please take me back to that unique living, please." rinig kong sabi niya, pupuntahan ko na sana siya upang bigyan ng panyo dahil rinig kong umiiyak siya ngunit bigla akong napatigil sa kinatatayuan ko sa nakita ko.....

KAIRI'S POV

"Please take me back to that unique living, please." pagkasabing-pagkasabi ko palang ay biglang bumukadkad na ang bulaklak at agad na akong hinigop. Napapikit nalang ako habang nararamdaman kong hinihigop ako nito.

Pinakiramdaman ko ang paligid, tumigil na ako sa paggalaw at unti-unti ko nang minulat ang mata ko.

Tinignan ko ang paligid, it's unfamiliar to me! Ngayon lang ako nakapunta sa lugar na 'to.

Iginala ko pa ang aking paningin, nang may nakita akong ikinamangha ng aking mata. Isa itong...

PALASYO!

Katulad nang nasa panaginip ko, pero sa panaginip ko ay nasa malayo ako, pero dito, malapit na malapit ako. Kumikinang ang palasyo, sobrang laki!

"Sino kayo! At bakit kayo naririto?" nagulat ako ng may nagsalita sa tabi ko. Kayo? Wala naman akong kasama ah? Pagtingin ko sa likod ko, nakita ko ang lalaki noon sa library. Bakit andito 'to? Pano siya nakapunta rito?

Nagkatinginan kami ng ilang saglit, nailang ako kaya ibinaling ko sa nagsalita kanina ang tingin ko. Nang may biglang dumating na isang kawal siguro 'to, dahil sa pananamit niya at may hawak siyang sandata.

"Ginoo, sino po ang mga iyan? Dapat ko na ba silang ikulong?" tanong niya sa estrangherong lalaki.

"Huwag kana sumali dito Lewis, bumalik kana sa puwesto mo. Ako nang bahala dito." sabi ng lalaki, at nag-bow sakanya ang kawal at agad na bumalik sa kanyang puwesto.

Nagkatinginan kami ulit ng lalaking nasa library noon. Tinanggal niya agad ang tingin niya at ibinaling sa lalaki.

"Pwede ba kaming magtanong?"

"Nagtatanong kana, kakaibang nilalang, or should I say, tao." sagot ng lalaki.

"Paano kami makakabalik sa mundo namin?"

"Ayan din dapat ang itatanong ko sa inyo, kung alam niyo kung pano kayo makakabalik. Ngunit, bago iyon, paano muna kayo nakapunta rito?" agad tumingin ang lalaki sa akin at tiyak kong ako ang gusto niyang maunang sumagot.

"Hindi po ito ang unang beses na nakapunta ako rito. Kanina po ng nasa garden ako, bigla nalang akong hinigop ng isang rosas at napunta ako dito."

"Rosas? Bakit meron sa inyo nun? Anong koneksyon mo sa hari? Ikaw ba ang nawawala niyang anak na si Grace?" sunod-sunod na tanong niya sa'kin.

"H-hindi ko po a-alam."

"Sabagay, isa ka lang tao. E ikaw naman lalaki, paano ka nakapunta rito?"

"Hindi ko po alam, wala akong matandaan."

Naalala ko ang sinabi sakin ni Avri kung paano makabalik sa mundo namin.

"Sabihin mo muna sa'kin kung isa kabang espiya ng Graceanian, kung hindi naman ay tutulungan kita."

"Espiya? Graceanian? Hindi po kita maintindihan."

"Sabagay, natitiyak ko ngang isa kang tao at wala kang alam."

"Paano po makabalik sa mundo namin?"

"Kailangan mo agad makaalis sa mundo namin, kundi mapapahamak ka. Simple lang, ipikit mo lang ang iyong mata at isipin ang bahay ninyo at charaaannn andun kana."

"Salamat po, salamat. By the way, sino po kayo? At ano kayo rito?"

"Uhm, ako si Avriella, but you can call me Avri for short."

"At ako naman po si Kairi."

"Welcome to Gracean, the fantasy world!"

Fantasy world? Gracean? jusme, ano ba tong mga 'to.

Nakarinig kami ng mga yabag at sinabi niya sa'kin na gawin ko na ang sinabi niya kung paano makabalik sa mundo namin.

"Kailangan niyo nang makaalis dito. Delikado kung magtatagal pa kayo. Sasamahan ko kayo sa kabundukan, may kakilala akong pwede kayong matulungan." sabi ng lalaki.

"Teka? Nasan ba kami? At sino ka ba?" tanong ng lalaki noon sa library.

"Ako ay isang Graceanian. At andito kayo sa Gracean."

Teka? Tama ba ang narinig ko? Isa rin siyang Graceanian? Waahh ano ba 'tooo.

avataravatar