webnovel

Chapter 87 - After The Gang Battle

Shannon Petrini Point Of View

Nakarating kami ni Franz sa pagamutan kung saan naroon ang mga Havoc Gangsters na nakipaglaban sa Crimson Orange Gangsters. Pumunta ako sa kwarto kung saan naroon sina Senju at South, na narinig ko sa mga miyembrong maayos na ang lagay na nakasalubong ko ay kritikal ang dalawa.

Pinaghintay ko sa labas ng kwarto si Franz habang ako ay pumasok. Nakita ko si Meryl na nakabantay sa dalawa. Mukhang maayos na ang lagay nina Senju at South.

"B-boss?" Nagulat nang makita ako na sabi ni Meryl. "Nakarating kana pala, mabuti na lang."

"Pasensya na sa biglaang pag-alis ko. Tapos na ang gulo, wala ng problema." Sabi ko sa kaniya. Lumapit ako kay South at hinawakan ng dahan-dahan ang kaniyang ulo na nakabalot ng benda. "Give me some space for a while Meryl, gusto ko ding ipakiusap sayo na sabihin sa mga kayang dumalo na mga miyembro na mayroon tayong meeting mamayang gabi."

"Masusunod boss." Sabi niya sa akin saka siya agad lumabas sa kwarto.

Sa paglabas ni Meryl, nanlambot ang aking katawan at napaluhod ako sa sahig.

"Why are so reckless, you idiot...you almost left me behind...idiot...idiot..." Malungkot kong sabi kay Senju kahit na hindi naman ako nito naririnig.

Pinigilan ko na ako ay lumuha. Ayokong maging malungkot dahil ako ang dapat sisihin sa nangyari. Kung hindi ako umalis, hindi sana nagkaroon ng labanan, wala sanang mga Havoc Gangsters ang napaslang. Hindi sana aabutin nina Senju at South ang ganito.

"B-boss..." Napa-lingon ako sa kinaroroonan ni South dahil narinig ko ang kaniyang boses. Mukhang nagkaroon na siya ng malay.

"South?" Agad akong tumayo at lumapit sa kaniya. "Mabuti naman at nagkaroon na ng malay. Magpagaling ka." Sabi ko sa kaniya.

Balot din ng benda ang katawan ni South. Bibig, ilong at mata niya lang ang walang bendang nakatali.

"P-pasensya kana...h-hindi namin natiis ang ginagawa ni Andrew Crimson...ito t-tuloy ang nangyari sa amin. P-pasensya kana b-boss, sinuway namin ang u-utos mong h-huwag silang patulan." Paghingi niya ng tawad sa akin kahit na nahihirapan siyang magsalita.

"Don't say your sorry. Ginawa mo lang iyon para sa mga kasamahan mo... naiintindihan ko 'yon. Huwag kana munang magsalita at ipahinga mo ng maayos ang sarile mo." Bilin ko sa kaniya.

"S-salamat boss..." Sabi niya bago niya ipinikit ang kaniyang mga mata.

Nagbitiw ako ng buntong hininga. Nagtungo ako malapit sa bintana ng kwarto.

"Franz, come inside." Sabi ko sa nasa labas ng kwarto na si Franz. Mukhang tama lang ang lakas ng boses kong ginamit sa pagtawag sa kaniya.

"What's the matter boss?" Tanong niya sa akin sa kaniyang pagpasok. Malapad siyang nakangite.

"You know that the two of us combined can't destroy the enemies...I want you to train the Havoc Gangsters...teach them the 'Mana Techniques' that can help them in battles. In the incident before we arrived at the battlefield, my gang lost. I won't tolerate another loss, from now on, Havoc will always strive to win against anyone." Sabi ko sa kaniya. Humarap ako at yumuko. "Can you help me?" Tanong ko.

"Nihihi...the boss bowed her head in front of me. How can I say no?" Tumawa muna siya bago nagsalita, na pumayag sa aking nais niyang gawin. "Don't worry, sagot ko ang Havoc Gangsters, ang mga kasamahan ko." He assured me.

"Salamat." Sabi ko saka inangat ang ulo ko.

"Don't sweat it...I pledge my loyalty to you, I'm looking for the best master I can have, I know, you will be that person."

"Don't overestimate me, Franz."

"I'm not."

*****

Meryl Davis Point Of View

Sinunod ko agad ang utos ni boss sa akin. Sinabihan ko ang mga miyembro na nasa hospital na mayroong gang meeting mamayang gabi, pagkatapos kong sabihan ang mga nasa hospital, nagtungo ako sa headquarters at ang mga miyembrong nandoon naman ang sinabihan ko.

Matapos kong magbigay ng anunsyo sa kanila, pumasok ako sa isang kwarto sa headquarters at ibinagsak ang aking katawan sa kama.

Kinuha ko ang isang magic item na nasa aking bulsa, na mabuti na lamang at hindi nasira sa nangyari na labanan kanina. I said some magic words to make it work. Ang medyo flat chested kong dibdib ay lumaki, bumalik sa totoo nitong sukat. Ang labi ko na makapal ay bumalik sa tunay nitong manipis na itsura. Ang mata ko ay bumalik din sa tunay nitong hugis. Humaba din ng kaunti ang aking mga pilikmata.

"Senju..." Binanggit ko ang pangalan ni Senju. Lumungkot agad ang aking mga mata at namuo mula sa gilid ng mga ito ang luha na hindi nagtagal ay umagos papunta sa aking magkabilang pisnge.

Labis akong nagagalak na nagawa kong isalba ang buhay niya mula sa kamay ng kamatayan. Nagawa ko ding magamot ang mga miyembro ng Havoc Gang na nakaligtas sa labanan.

"Pikit mata, nagtatanong, anong sagot sa bakit? Pikit mata, lumuluha. Di maintindihan puno ng pait. Parang walang nakikinig, dyan ka nagkakamali. Lapit sa akin at huwag matakot ka. Papawiin ang luha, ulan ay titila na. Kahit sabihin mo na, 'di na kaya. Araw ay sisikat, may bagong liwanag, 'di ka nagiisa ah..." Ikinanta ko ang isa sa mga kantang alam ko sa aking isipan. Kantang pabaon ng dating mundo na aking pinanggalingan.

Damn, I'm singing at the same time crying. I don't know if this is a talent or what.

Such weirdness I have...

"Alam mo bang kanina pa ako, magdamag nang nakatingin sa 'yo. At 'di mo lang alam, sa gitna ng kadilimang 'di mapakali, akoy nabighani. Hindi mo lang alam, inaasam, ang panahong makapiling ka, sa una't huling pagkakataon. Dahil dito sa mariposa, ay mahirap ang nag-iisa, dito sa mariposa, ako lang yata'ng nag-iisa...ayoko nang mag-isa...ayoko nang mag-isa...ayoko nang mag-isa...ayoko na, na, na, na, yeah oh-whoa-whoa-whoa, yeah-yeah-yeah-yeah." Nagiba ako ng kantang kinanta ko. Singing this song makes me feel more lonely but I can't help myself from not stop singing it as it is one of my favorite 'Original Pilipino Music'.

"Kung tulog ka pa, 'wag ka munang gumising. Kung ikaw ay mahimbing, sa iyong pansamantalang mundo. At ika'y malayo sa gulo, baka 'di mo makayanan ang, iyong mga pagmamasdan. O dito sa aking mundo, ay puno ng galit at sakit.

O 'di mo maitatago ang mga luha mo, sa malungkot kong mundo. Yeah-yeah-yeah..." Then I sang another song.

Feels refreshingly sad in my heart...

*****

Que Zickayn Point Of View

The incident is over, boss save the day. Havoc Gang is still existing I'm glad. I'm still in the hospital, siyempre inaalalayan ang mga members na naka-confine. Dito din sa hospital na kinaroroonan ko ngayon, dinala ang mga Havoc Gangsters na lumaban sa Crimson Orange Gangsters, ayon sa isang miyembro na naka-usap ko kanina, kaya nalaman kong si boss ay bumalik na.

Ang kapatid kong si Moon ay umuwi na papunta sa bayan namin. She said she wants to take a beautiful rest, sa bahay kasi namin ay mayroong mga magsisilbing mga yaya sa kaniya. Gusto niyang sumama ako sa kaniya, pero hindi ako sumama. Nagpaiwan ako dahil gusto kong samahan ang mga Havoc Gangsters, para man lang maipakita ko sa kanila na ako ay isang responsable na leader. Hindi ko sila papabayaan.

Napatayo ako sa inuupuan kong upuan sa ward kung saan maraming Havoc Gangsters ang nakahiga sa mga kama nila nang lumapit sa akin ang isang miyembro na sugatan at nakabenda ang kamay pero nagpresenta sa akin na hahanapin niya ang kwarto ni Devorah. Nais ko kasing makita ang lagay ng babaeng iyon.

"Captain, alam heto na po ang room number ni Captain Devorah." Sabi nito sa akin at may inabot na papel.

"Ganern? Oy thanks hah? Kamustahin ko lang ang gurl na 'yon. Iiwan mona kita dito hah? Saglit lang ako, bantayan mo mga kasamahan natin hah?" Sabi ko sa kaniya.

Yumuko naman siya sa akin. "Gagawin ko po iyon, Captain."

"Ayie...thank you." Sabi ko naman. Lumabas ako sa ward at pinuntahan ang kwarto na kinaroroonan ni Devorah.

Sa pagpasok ko, mayroong dalawang kama sa loob. Ang isa si Devorah ang nakahiga, ang isa naman ay si Rialyn.

"Dev!" Masigla na sigaw ko nang makita kong may malay na si Devorah at naka-upo. Sadly, si Rialyn ay wala ding malay.

"Hah? Don't act like that infront of me alone, you idiot." Iritado na sabi naman niya agad sa akin.

"Besh, pero nandito si Rialyn?"

"She's not conscious."

Bumuntonghininga naman ako at kumuha ng panyo sa bulsa ko. Pinunasan ko ang mukha kong mayroong makapal na make up upang ito ay matanggal. Pati ang lipstick na nasa mga labi ko ay pinahiran ko upang natanggal.

Lumapit ako kay Devorah at umupo sa upuan na katabi lang ng higaan niya.

"Kamusta ka?" Tanong ko sa kaniya.

"Ayos naman ako."

"Pasensya kana, hindi ako nakasali sa laban. Alam mo na, bantay sarado ko ang kapatid ko."

"Wala namang nagreklamo sa hindi mo pagsama sa pakikipaglaban?"

"Galit kaba?"

"Galit ba ako?"

Sa tono nang pananalita niya, galit siya. Napakamot ako sa ulo ko at nagtungo ako sa kaniyang higaan at tumabi sa kaniya sa pag-upo.

I quickly kissed her forehead and hugged her, though she didn't hug me back.

Nakita ko agad ang nag-blush niyang mukha.

"Inisip mo sigurong hindi kita pupuntahan 'noh?" Tanong ko sa kaniya.

Umiwas siya ng tingin sa akin. "Bakit hindi ako mag-iisip nang ganon? Bantay sarado mo ang kapatid mo 'diba?"

"Sus, nag-dabog ka na naman. Hindi kita makakalimutan, ano ka ba naman. Ikaw kaya ang nobya ko." I said then smiled.

Lumingon siya ulit sa akin, at sinunggaban ako ng yakap.

"Que, sobrang natakot ako kanina, shit that Andrew Crimson..." Pagkwento niya sa akin.

Agad ko namang hinimas-himas ang kaniyang likuran. "I-kwento mo sa akin ang nangyari kanina... makikinig ako sayo..."

"Que!!"

Itutuloy.