webnovel

(Big Daddy Bandits Saga - Havoc Preparations Arc) Chapter 98 - Test Of FuMaPoTra

Nadare Setsuna Point Of View

"Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong ko sa sarile ko habang nakaharap sa salamin matapos kong uminom ng Healing Potion at gumaling ang mga sugat sa katawan ko. Para talaga akong siraulo sa pagkausap na ginagawa ko sa sarile ko.

Maya-maya naman ay pumasok ang isang maid sa kwarto ko na naiwan kong bukas ang pinto.

Yumuko ito, "Young master. Ipinapatawag po kayo ng inyong ama na si Don Mori." Ulat nito sa akin.

Ngumite naman ako at humarap sa kaniya. "Ano na namang kasamaan ang kailangan ng gagong 'yon?" Tanong ko.

"Young master, hindi niya po sinabi sa akin." Anang maid sa akin.

"I see. Sige, mauna kana. Sabihin mo magpapahinga lang ako ng limang minuto." Anunsyo ko.

Sana'y sa Metalle City niya ako ipadala ng makahanap ako ng sanadata doon pantapat sa ama ko kasama ang Club ko.

Magsasanay ako para lumakas at magpapanggap na kaisa ako ng organisasyon niya hanggang sa araw na lumakas na ako at kaya ko na siyang paslangin.

*****

Third-person Point Of View

Dalawang araw ang lumipas matapos ang ginawang pagsubok ni Franz sa ini-lakas ng kapangyarihan ni Rialyn, pinatawag siya ni Shannon sa opisina nito, headquarters ng Havoc Gang.

Kinakabahan si Franz na pumasok sa opisina. Nakita niya sa loob si Shannon at Zayn.

"Mabuti't pinaunlakan mo ang aking pagpatawag sayo." Sabi agad ni Shannon sa pa-upo ni Franz sa sofa, sa tabi ni Zayn.

"I can't say no to the person I pledge my loyalty with." Paliwanag naman ni Franz kay Shannon.

"Kailangan kong kalabanin ka, Franz. Pasensya kana, gusto kong subukan kung naperpekto ko na nga ba ang Full Magic Potency ng ilan sa mga magic ko.

Pinagpawisan at mas lalong kinabahan si Franz. Magkakasunod na paglunok ang ginawa niya dahil sa kaniyang narinig na sinabi ni Shannon.

"B-boss...I think I will not be able to handle various 'FuMaPoTra'."

Napataas naman ng kilay nito si Shannon. "Franz-then...I'm only going to try my Fire Magic, since I still don't have confidence if I really reached the Full Magic Potency of that Magic ability."

"Hayst...ang hirap maging Grace. You will have 9 magic but it will be a pain in the ass to make those 9 magic abilities reach their Full Magic Potency-" Natigilan si Franz nang mapansin niyang nasa loob si Zayn na kaniyang nakalimutan na katabi nito sa iisang sofa. Nanlaki ang mata ni Franz at mas lalo pang kinabahan.

Napatapik naman si Shannon sa kaniyang noo. "I-It's okay, Zayn know about Grace and Aces. Even Chaos Magic. I told him about it, Gemmalyn and Johnbhel elaborated it to him."

(Gemmalyn and Johnbhel? Those two-I'm really curious about them. I can't have a proper conversation with the two of them, they are wary about me and they sure do distance themselves from me. They better not be enemies, or else, I will personally slay them and have them spill out what the two of them are hiding from everyone else... including boss.) Nagdududa na sabi ni Franz sa kaniyang sarile.

"A-Are you having some doubt about the knowledgeable duo?" Tanong naman ni Zayn kay Franz.

"Nihihihihihi...wala. I am more like, impress." Pagsisinungaling ni Franz kay Zayn.

"So, continue from what we are talking about, help me test my Fire Magic's Full Magic Potency." Muli namang inaya ni Shannon si Franz.

"Nihihihi...let's do it boss." Sabi naman ni Franz.

"Great." Tumayo si Shannon sa kinauupuan nitong upuan sa kaniyang mesa. Naglakad siya papunta sa pinto, sumama sa kaniya si Franz. "Zayn, regarding about the security measures I want you to do about Senju, make sure to provide him a strong unit of guards." Paalala ni Shannon kay Zayn bago ito tuluyang nakalabas ng opisina nito.

"Masusunod po, boss. Ako'ng bahala." Sagot naman ni Zayn sa paalala ng boss nito.

Ilang sandali pang nanatili si Zayn sa opisina ni Shannon, napagpasyahan niyang magpahinga saglit bago siya umalis na din sa opisina para gawin ang pinapagawa ni Shannon sa kaniya na siyang dahilan kung bakit siya nito pinatawag ulit papunta sa opisina.

*****

Nagpunta sina Shannon at Franz sa kagubatan, sa bandang timog sa labas ng Palkia City.

"Walang may nagsasanay na Havoc Gangster sa area na ito...perpektong lugar para subukan mo sa akin ang Full Magic Potency ng Fire Magic mo, boss." Sabi ni Franz kay Shannon sa pagdating nila sa kagubatan. (Nakakaawa nga lang ang mga halaman at hayop na madadamay sa gagawin niyang pagta-transform.)

"Mauna ka..." Sabi naman ni Shannon na pinauna si Franz na gamitin nito ang kaniyang FuMaPoTra.

"Masusunod boss nihihihihihi..." Masigla na sabi ni Franz, kalaunan ay sumeryoso ang mukha nito. "FuMaPoTra, Astral Physical Grabber!"

Matapos bigkasin ni Franz ang kaniyang FuMaPoTra ay nagliwanag ang kaniyang buong katawan. Nawala ang damit pang-itaas ni Franz, nagkaroon siya ng bilog na kulay itim na marka sa kaniyang dibdib. Ang buhok niya ay nanigas at naglalabas ng liwanag na kulay silver. Nagkaroon din siya ng mga gloves na suot na gawa sa kulay silver na enerhiya. Ang maluwag na pantalon ngunit sa may bandang binti nito ay masikip na suot ni Franz naman ngayon ay kulay makintab na puti, mayroon din itong ilang glitters na kulay silver na nakalagay. Nawala ang sapatos na suot ni Franz, napalitan ito ng sandals na gawa sa enerhiya na kulay silver din.

Napansin naman ni Shannon na parang nagbe-blend sa back ground ang katawan ni Franz.

(What a tricky FuMaPoTra.) Reaksyon ni Shannon sa kaniyang nakita na pagbabagong anyo ni Franz.

"This is the third FuMaPoTra that I saw in my entire life." Sabi naman ni Shannon kay Franz.

"Third? I thought you already saw many FuMaPoTra?" Nagulat naman sa narinig na sabi ni Franz.

"Nope. Only three...baka nakakalimutan mong hindi madali na makaabot sa Arcane Stage dahil hindi lahat mayroong potensyal na makarating sa ranggo na ito. Isa pa, mga Arcane Stages lamang ang maaaring gumamit ng FuMaPoTra." Paliwanag naman ni Shannon kay Franz.

"Kung ganon boss, pangalawang beses mong nakakita ng FuMaPoTra noong kinalaban ko 'yung Archspirit?"

"Oo. But I'm not impressed by the FuMaPoTra that being did. You easily killed it without hassle."

"It's because I feel like the real power of that being is still intact on the place where it really came from."

"True..." Simple na sabi naman ni Shannon kay Franz. (Ang unang FuMaPoTra na nakita ko ay ang kay Don Nervoz Winter. That FuMaPoTra is dangerous, I'm lucky that he wasted his mana because if not, I'm will not exist in this world anymore. South's Plant Gear Spell is kinda similar to FuMaPoTra but it's not quite...he just have a ridiculous Chaos Magic that's why he is able to do something like that, changing his body properties and transforming into the form of the plant or making a hybrid combination of the plant and his body.) Sabi ni Shannon sa kaniyang sarile.

"Say Franz, noong nakalaban mo sina reyna Fibel, Mariel at yung dalawang malakas na guwardiya 10 years ago, marunong ba silang gumamit ng FuMaPoTra?"

"Yes they are. I lost to Mariel when we battle, both of us were under FuMaPoTra. Bakit mo natanong boss?"

"Ang nakalaban ko noon na Don, tsaka yung kanang kamay nito...wala silang FuMaPoTra. Though, during that time, wala din akong kahit isang FuMaPoTra sa sampung magic mayroon ako."

"10? Hindi ba't siyam lang ang binibigay na Magic ng Giftia kapalit ng Chaos Magic ng isang Grace?"

"Siyam ba ang sinabi ko sayo 'non? Sampu ang mga magic na mayroon ako. By accident, I am a Monster Blood Drinker. The Magic I have chosen after drinking the monster blood was Dark Energy Manipulation...anyways, malakas ang Don at ang kanang kamay nito na nakalaban ko kahit wala silang FuMaPoTra...I even relied to my sword on doing the last attack that killed the Don I fought."

"Now that you can do FuMaPoTra of some of your Magics, there's nothing to worry about losing. You will clap the enemies faces with no difficulty. Nihihihihihi..."

"You are overestimating me..." Ipinikit ni Shannon ang kaniyang mga mata matapos niyang magsalita. Nagpokus siya ng matindi sa kaniyang gagawin na FuMaPoTra.

(I imagine myself drowning in water. That water is the full power of my magic... controlling it would feel like, I need to float and swim around it in...) Sabi ni Shannon sa kaniyang sarile. Sa pagdilat ng kaniyang mata, "FuMaPoTra, Lord Of Fire!!"

Matinding init ang naramdaman ni Franz sa paligid nila ni Shannon. Naging pula ang lupa, nasunog ang mga puno. Unti-unting nagkaroon ng mga lumiliyab na apoy sa paligid na patuloy sa paglagablab. Ang ilan pa nga sa mga puno at halaman ay naging gawa sa apoy na lumalagablab.

Nagbago ang suot na damit ni Shannon. Napalitan ang mga ito ng damit na gawa sa apoy. Ang magarang dress na suot ni Shannon hanggang hita ay gawa sa apoy na nagliliyab. Ang kaniyang suot naman na masikip na leggings ay gawa din sa apoy. Ang ang kaniyang suot na sandal na mayroong takong ay gawa din sa apoy. Nagkaroon din ng masksara na nagliliyab si Shannon na ang tinatakpan lang nito ay ang kaniyang mga mata at ilong. Ang ilang hibla din ng buhok ni Shannon ay umaapoy.

(What a fucking pressure...this is the power of a Grace?) Sabi naman sa sarile ni Franz bilang kaniyang reaksyon sa FuMaPoTra na ginawa ni Shannon.

"Let's start!!" Anunsyo naman ni Shannon kay Franz. Hindi nakasagot si Franz sa sinabi nito dahil mabilis na sumugod si Shannon kay Franz. "Lord Fire Fist!" Malakas na sumuntok si Shannon. Ipinangsangga naman ni Franz ang kaniyang mga kamay na nagdikit.

Nasaktan nang husto si Franz sa suntok na ginawa ni Shannon dahil sobrang init din ng kamao nito.

Sumabay sa paglipad palayo ni Franz ang malakas na pwersa ng apoy na kumawala mula sa kamao ni Shannon.

"Are y-you t-trying t-to kill me boss?"

Hindi sinagot ni Shannon ang sigaw ni Franz. Itinaas ni Shannon ang kanang kamay nito. Mabilis na namuo at lumutang sa ibabaw ng kamay niya ang bola ng apoy na lumalaki.

"Lord's Ball Of Fire!" Nang umabot na ang bolang apoy sa sukat na nais ni Shannon, pinasugod niya ito kay Franz.

Nabawi na ni Franz ang kaniyang balanse.

Itinusok niya ang kaniyang mga kamay sa lupa. Binigyan niya ito ng mana. Inangat din niya kaagad ang bahagi ng lupa na kaniyang nagawang hawakan.

"Earth Shield!" Umangat ang isang makapal na bahagi ng lupa na siyang ipinangsangga ni Franz sa bolang apoy.

Sa pagtama ng bolang apoy sa lupa ay nagkaroon ng malakas na pagsabog. Hindi din nagtagal na makayanan ng lupa ang lakas ng impact kaya gumuho ito. Si Franz ay mabilis na naglagay ng mana sa kaniyang mga paa at nagsimula na lumutang at magpalipat-lipat ng pwesto sa himpapawid.

"That's freaking unfair!! How strong is that fireball?" Tanong ni Franz ngunit hindi parin siya sinagot ni Shannon.

Seryoso lamang nakatingin si Shannon sa kaniya mula sa ibaba.

"Boss!! Akala ko ba hindi kapa kampante na gamitin ang FuMaPoTra ng Fire Magic mo? Sa aking paningin, naperpekto mo na ito." Sa sinabi na ito ni Franz ay umiling si Shannon.

"I still can't control as you experience in my first attack. I almost killed you."

Hindi naman nakalimutan ni Franz ang direktang pagsangga niya sa suntok ni Shannon kani-kanina lamang. Magpa-hanggang ngayon nga ay nararamdaman niya ang sakit sa mga kamay niya na namaga dahil sa suntok ni Shannon na ginawa.

"Show me what your FuMaPoTra can do too, Franz."

"I already showed you one."

"Try the Demolition Wind spell you used against that Archspirit."

Napakamot naman agad sa sintido niya si Franz.

"Kung mula dito sa itaas ko gagawin iyon, baka malawak na lugar ang mawasak."

"Oo nga pala. Sige, magpalit tayo ng pwesto. Bumaba ka."

"Hah? Boss? Are trying to face my attack directly?"

"Let's see if the wind can blow off my fire."

(This woman is insane in many ways.) Reaksyon ni Franz. Kaagad naman siyang bumaba sa lupa, malapit sa kinatatayuan ni Shannon.

Si Shannon naman ay gumawa ng pares ng pakpak ng apoy sa kaniyang may likuran at lumipad. Sa paghampas ng mga pakpak na apoy ni Shannon ay kumawala ang pwersa ng apoy sa lupa at lumiyab doon.

"Do it." Utos ni Shannon kay Franz.

"Okay boss." Nag-arm sideward naman si Franz agad. Nag-ipon siya ng mana sa kaniyang dalawang kamay. Sa kaniyang paghawak sa hangin, hinagis niya ito papunta sa direksyon ni Shannon. "Demolition Wind!!" Kumawala ang malakas na pwersa ng hangin pasugod kay Shannon na handang-handa itong tanggapin.

"Lord Of Inferno!" Bumigkas naman si Shannon ng spell. Maya-maya'y isang malakas na Fire Blast ang sumalubong sa Demolition Wind na ginawa ni Franz.

Nagkaroon ng malakas na pagsabog sa ere. Nagbigay pa nga ito ng isang napaka-lakas na hagupit ng hangin sa paligid na umabot hanggang sa pader ng Palkia City mula sa kinaroroonan ng dalawa.

Napansin at naramdaman din ng mga Havoc Gangsters na naka-kalat sa labas ng Palkia ang malakas na aura na dulot ng sabayan ng atake na ginawa nina Shannon at Franz. Ang ilan pa nga, sa mga Unit Captains at Unit Vice-captains ay nagpunta sa lugar na pinanggalingan ng naramdaman nilang aura.

Itutuloy.

*****

Author's Note; Full Magic Potency Transformation or FuMaPoTra. It is the strongest spell of a Magus that he/she can use.

Full Magic Potency is the state where the Magus achieve the Full Potential of it's magic power. Imagine a bottle that is being filled with water. If that bottle was filled, that is Full Magic Potency.

And in order to be able to do FuMaPoTra, imagine again a bottle filled with water, to use that full potential, you need to open the cap of the bottle in order for the strong magic power to go out.

The presence of someone using FuMaPoTra can affect his/her surroundings.

FuMaPoTra is a spell that gradually increase the power of other spells.

When under Full Magic Potency Transformation, Mana Visualization Technique are useless because a Magus can't use them.

Meanwhile, Disciplinary Magi defies that rule of FuMaPoTra, they can use their Mana Visualization Technique.

Wether it is Chaos Magic or Magic, it will only be called FuMaPoTra.