webnovel

(Big Daddy Bandits Saga - Havoc Preparations Arc) Chapter 93 - Refusing A Love One and Tinzel's Training

Zayn Erwan Point Of View

"Who are you calling husband?" Sigaw ko kay Redlia.

"Huh? Bakit, anong masama sa sinabi ko? Iyon ang katotohanan?"

"Redlia! You are the fiancee of the 1st High Prince of this Empire. To say such bold thing to me, in this place that there are people who could've heard what you said..." Paliwanag ko sa kaniya.

Sumimangot naman agad ang kaniyang mukha. "What's this? Hindi mo na ako mahal?" Malungkot na sabi niya.

"I finally got a permission to get outside of the Imperial Palace even just for this time...I really wanted to see you, for your information." Halatang dismayado na sabi niya sa akin.

"Redlia, alam mo naman kung gaano kasamang tao ang 1st High Prince ng imperyo na ito. Maaaring mayroong bantay na sumunod sayo."

"Wala 'noh. Wala naman ang High Prince sa Imperial Palace, nasa kaalyadong bansa siya ng Vlade Empire, nandoon bilang representative ng Emperador. Ang Emperador, ang siyang nagsabi sa akin na mamasyal daw ako sa Palkia City."

(Nagpapabango ng pangalan ang gago.) Reaksyon ko aking sarile sa sinabi ni Redlia.

"Redlia!! You-forget it..." Na mental block na sabi ko. Uminom ulit ako ng kape ko.

"So I can spend a lot of time with you today, Zayn. Hindi naman lahat ng nasa Palkia City ay kilala ako 'noh." I see, ipipilit parin niya ang gusto niya. She tried to smile.

"Sorry Redlia, I'm not available. I have so much to take care of in Havoc Gang. May training din akong ginagawa gabi-gabi, kaya wala akong panahon na pagurin ang sarile ko ngayon sa mga walang kakwenta-kwentang bagay." Seryoso na sabi ko sa kaniya. Hindi naman ako nagulat na ako ay sinampal niya.

"Walang kwenta ang makasama ako kahit isang araw man lang?" Tanong niya pero hindi ko ito sinagot. She started crying. "Here I thought I was lucky that we encountered each other in this place...so you really don't love me anymore." Sabi niya habang umiiyak.

(It's not like that you idiot.) Sabi ko sa sarile ko.

"Redlia, an agreement is an agreement. Kasama sa napag-usapan namin ni 1st High Prince Orian Chocomucho Vlade IV na bawal akong makipagusap sayo kung hindi, mababalewala ang aming usapan. Kinausap mo ako, then the agreement was already tainted. Kapag nakarating ito sa kaniya, hindi na kita mababawi pa...kahit na mabayaran ko ang utang kong dapat bayaran sa kaniya." I said and didn't do anything about her crying.

I can't stand it anymore, hindi ko matitiis na makita siyang umiiyak. Kaya tumayo ako sa kinauupuan ko at naglakad paalis sa coffee cafe. Maswerte naman akong hindi niya ako sinundan.

I can't believe such unreal events happened so fast like this, just today.

*****

Tinzel Zacha Point Of View

My days of trying my best to train, had paid off...nabuksan ko na ang misteryong pinto sa dating palasyo ng bayan na ito.

Ano kayang misteryosong lihim ng pamilya ko ang nakatago sa lugar na aking pinasok?

Sa aking pagpasok, nagbukas ang magic light sa chandelier na nasa itaas ng silid na aking pinasok. Puno ito ng mga libro. Mukhang maraming mga mahahalagang dokumento sa kasaysayan ng bayan na ito ang narito.

Sa pinakagitna ng kwarto ay isang lamesa ang narito, may nakapatong sa ibabaw na isang Libro at bolang crystal.

Ang libro ay mayroong 'Mastering Of Mana Techniques and Iron Magic.' na pamagat na nakasulat.

Mukhang ito ay isang pamanang aklat ng Zacha Royalty noon sa mga susunod na magiging hari ng bayan na ito.

Kaming mga angkan ng Zacha ay isang 'Magic Inherited Clan'. As a whole clan, we only have one magic type which is Iron Magic. Since I'm a pure Zacha, I inherited Iron Magic.

Hindi ko alam kung para saan naman ang bolang crystal na katabi ng libro.

Hinawakan ko ito, hindi ko naman lubos akalain na ang bolang crystal ay sobrang bigat.

"P-puta!!" Napamura ako sa sobrang bigat nito kaya napilitan akong bitawan ito at bumagsak sa sahig ang bolang crystal, humukay pa ang kalahati nito sa sahig.

"What the hell?" Reaksyon ko. Kalaunan, isang kulay silver na enerhiya ang lumabas mula sa crystal, maya-maya, ay isang boses ang nagsalita.

"I bet you weren't able to hold it properly because of its weight? That's to be expected, because you are far too weak to lift it!!" Sabi ng boses na narinig ko kalaunan ay tumawa ito.

Ilang sandali ang lumipas ay wala ng sumunod na salita akong narinig.

Kung sino man ang may gawa 'nun, isa siyang siraulo.

Mukhang isang taga sukat ng pisikal na aspeto ng lakas ang bolang crystal na ito. At mukhang sa tulong ng libro na nasa mesa, magagawa kong madaling maalsa at i-dribble pa siguro ang bolang crystal.

"Fine by whoever you are...I'm going to master what's written in this book!!" Anunsyo ko sa hangin.

Sa unang pahina ng libro na aking binuksan, nakasulat dito ang liham ng author para sa mambabasa ng libro nito. Ang pangalan ng author na ito ay si 'Linario Zacha'.

After reading his letter, I quickly turn to the first page and so on. The beginning pages contains the way of how to properly conjure out mana outside of the body.

"Mana Visualization...sounds fun." Sabi ko.

Sinunod ko ang nakasulat sa libro.

Tumingin ako sa aking kanang palad. In-imagine ko na mayroong kulay silver na enerhiya ang bumalot mula rito.

Hindi ko alam, kung ilang oras na ang lumipas, kakasubok ko na palabasin ang kulay silver na enerhiya, ang mana ko mula sa loob ng katawan ko.

Hindi naman ako nakaramdam ng gutom kaya, patuloy ako sa pagsubok.

Hanggang sa...

*****

Third-person Point Of View

*Mini Flashback*

Sa bayan ng Mangroo, 7 taon ang nakalipas...

Nagkaroon ng parada ang mga miyembro ng Royal Family ng bayan, ang mga miyembro ng pamilya Waiters.

Maraming mga mamamayan na humahanga sa pamilya ng Waiters ang natutuwang kinukunan ng mga litrato ang pamilya gamit ang kanilang mga 'Magic Camera Item'.

"Give a round of applause to the princess of Mangroo City!!" Pumalakpak ang mga mamamayan nang si Alena ay lumabas mula sa karwahe nitong sinasakyan. Mahaba ang karwahe na sinasakyan ni Alena. Sa likuran ng karwahe ay mayroon itong bahagi na walang mga pader, kundi bakod lamang na abot hanggang beywang. At dahil medyo may kabansutan pa ang 10 taong gulang na si Alena, eksakto lamang na lumagpas ang kaniyang ulo sa harang.

Natuwa ang mga mamamayan na makita nila ang magandang mukha ng kanilang prinses. Hindi tumatawa si Alena, naiinis pa nga ang ekspresyon nito dahil aksaya ng oras para sa kaniya ang pagpaparada na ginagawa.

Ang pagpaparada na ginagawa ngayon ng kaniyang pamilya ay mayroong ibang dahilan, didiretso sila sa katabing bayan, para sa isang ' Arrange Marriage Contract Signing'.

Nakarating naman ng walang aberya ang pamilya ni Alena sa bayan ng Ezteb.

Mainit ang naging pagtanggap ng Ezteb Royal Family sa mga Waiters.

"Welcome to our palace, Waiters Family." Bati ng reyna ng bayan ng Ezteb na si reyna Skiet Ezteb, sinalubong niya sa gate ng palasyo ang mga Waiters. Siya ang ina ni Tinzel, Zaikel at Unger. "Hayaan niyong gabayan ko kayo patungo sa silid kung saan tayo mag-uusap." Anunsyo ni reyna Skiet. Lumakad ito papasok sa palasyo kung saan sumunod ang mga Waiters sa kaniya.

Habang naglalakad sina Alena, napansin ni Alena sa garden ang mga hardinero na nagbabawas ng dahon ng mga halamang mayroon ng napakahabang mga dahon. Nakita ni Alena ang isa sa mga ito na isang batang, katulad niya. Naliligo ito sa pawis dahil sa pagtulong nitong ginagawa sa mga hardinero.

(Ang sipag naman ng batang 'yon.) Sabi ni Alena sa kaniyang sarile.

Pumasok sa loob ng palasyo ang mga Waiters at kalauna'y nakarating sila sa loob ng isang silid kung saan naghihintay ang Ezteb Royal Family.

Umupo ang mga Waiters sa katapat na sofa na inuupuan ng mga Ezteb.

Nakita ni Alena ang mga batang sina Zaikel at Unger. Pinapaypayan ang mga ito ng mga tagapagsilbi nila.

"Ano kaba naman, paki-lakasan mo naman ang pagpaypay, baka ako pagpawisan!!" Sigaw ni Zaikel, na hindi nag-alangan na ito'y gawin kahit na nasa kaniyang paningin ang kanilang mga panauhin na mga Waiters. Hindi siya sinaway ng mga nakakatandang nasa silid na mga Ezteb.

Umigham naman ang reyna at kinuha ang isang papel, na siyang kontrata na pipirmahan ni Alena.

"Narito ang kontrata mga Waiters." Sabi ni reyna Skiet at inabot niya ito. Ang mama ni Alena ang tumanggap at nagbasa sa kontrata. "Stevan, paki-timplahan mo nga ng maiinom na tsaa ang mga panauhin." Sigaw ni reyna Skiet sa isang tagasilbi na nasa may pintuan, nagbabantay.

"Masusunod po, mahal na reyna." Agad namang sumunod ang tagasilbi at umalis sa silid.

"Mama, Papa, I'm sorry for doing this." Nagulat ang lahat ng magsalita si Alena. Inagaw niya ang papel na binabasa ng kaniyang ina at pinunit ito. Dinuro niya si Zaikel kalaunan. "I won't marry a bastard like that. He's a bad news!!" Tinarayan pa ni Alena ang batang si Zaikel bago ito lumabas sa silid.

Sa isang beses lang nilang pagpasok sa kwarto ay nakabisado agad ni Alena ang dinaanan niya.

Naiwan sa loob ang mga magulang niya na nakipag-negosasyon parin sa mga Ezteb, para sa ikatatahimik ng kanilang maglapit na mga bayan na madalas magkainitan.

Pinatawad ng reyna Skiet ang ginawang kabastusan ni Alena at nagpagawa muli agad ng kontrata, pagkakataon na ito ay ang ina na ni Alena ang pumirma. Nakatakdang ikasal ang dalawa, sa ika-20 na kaarawan ni Alena.

Samantala, si Alena naman ay nagpunta sa garden kung saan niya nakita ang batang naliligo sa pawis. Nakita niya ito sa lugar, nagpapahinga.

"Hoy bata, ang sipag mo. Anong pangalan mo?" Mataras na sabi ni Alena sa batang lalaki na sumama ang tingin sa kaniya.

"Princess Alena, ang malditang bata!!" Sabi ng lalaki kay Alena na ikinabigla nito.

"Bakit kilala mo ako?"

"Taga Mangroo ako eh..."

"Anong ginagawa mo dito?"

"I don't want to answer...go away..."

"Arg!! Peste ka alam mo ba 'yun? Ako na ang lumapit sayo para kausapin ka!!" Galit na sigaw naman ni Alena.

"Hindi ka dapat nagagalit. Lubayan mo ako." Madiin na sabi muli ng batang lalaki.

Hindi inaasahan ng batang lalaki na maiiyak si Alena dahil sa unang pagkakataon, ngayon lang nakaranas si Alena na tanggihan siya ng sinuman ng atensyon nito.

"Isusumbong kita sa mama at papa ko!! Ipapakulong kita!!" Nagsalampak sa lupa si Alena at umiyak ng umiyak.

Napansin ng mga hardinero ang pag-iyak ni Alena.

"Hoy Tinzel, napaiyak mo ba siya gamit ang mga kasinungalingan mo?"

"Bakit ka pumapatol sa babae?"

"Batang sinungaling, patahanin mo 'yan." Reaksyon ng ilang hardinero sa nangyari.

Napatapik naman sa kaniya noo ang batang lalaki.

"Hay! Balat sibuyas, tumahan kana. Sige na, kakausapin na kita...pero, ayoko ng mapagmataas na kausap, kaya matuto kang kumausap ng patas ang tingin sa akin!!" Sabi ng batang lalaki kay Alena na napatango naman sa sinabi ng batang lalaki sa kaniya. "Tahan na...ako si Tinzel..." Nagpakilala ang batang lalaki kay Alena at inilahad nito ang kaniyang kamay. Tinanggap naman ito ni Alena. Kumuha ng panyo sa bulsa ni si Tinzel gamit ang isa niya pang kamay at ibinigay ito kay Alena.

Tinanggap naman ito ni Alena at pinahid sa kaniyang mga mata.

"You're still a child inside, malditang prinsesa." Sabi ni Tinzel kay Alena.

"Hindi mo naiintindihan...ginagawa ko ang pagmamaldita na iyon para malaman ko kung sino talaga ang mga totoo ang intensyon sa akin... kung sino ang tunay may malasakit..."

"You wanted a genuine care and attention? You're really a child!!" Tumawa kalaunan si Tinzel.

*End Of Mini Flashback*

*****

Iminulat ni Tinzel ang kaniyang mga mata, napansin niyang nasa parehong kwarto parin siya kung saan siya nageensayo at napagtanto niyang nahimatay siya kakasubok makapag-palabas ng mana sa kaniyang kamay.

"Haha...gago talaga na katawan 'to..." Natawa na sabi ni Tinzel at sinubukan na tumayo. (Bakit ko kaya napanaginipan ang araw na nagkakilala kami ni Alena?) Nagtataka na tanong niya sa kaniyang sarile dahil sa kaniyang panaginip patungkol sa nakaraan.

Itutuloy.