webnovel

SIMULA

Seeing your friends so busy with their boyfriends- naglalambingan, nagbubulungan, nagtatawanan habang ako nag p-phone lang?

Ang sarap sarap nilang paghahambalusin isa-isa ng upuan!

I think! Nakalimutan na nga nilang nandito ako eh! I thought, hindi sila magdadala ng mga lalaki nila! But to my surprise! Pinaghahatid sila at nag stay pa rito.

Nakaka-irita, nakaka-bored, nakaka-ingit! Sa totoo lang.

In my circle of friends, ako lang talaga ang walang boyfriend. Bukod sa strict na strict ang parents ko! May Kuya pa akong mas strict pa sa parents ko.

May kasabay lang na lalaki, magagalit na at kung anu-ano ng lumalamabas sa bibig, na kisho raw mapapariwara na ako, hindi nag-aaral ng mabuti, ang landi-landi na, na i-impluwensyahan na ng barkada.

Iwan! Tatanda talaga akong dalaga sa mga pinaggagawa nila!

Sa totoo lang nakakainis na sila at nakakasakal na!

"Punta tayo sa Beach after graduation natin!" Masayang sabi ni Arsenia.

I sigh heavily.

Gagawa na naman ako ng rason para lang papayagan na pumunta sa galaan! Magsisinungaling na naman.

"May gagawin ako" sabi ko agad.

Walang maghahatid sa akin, sure akong busy si Mama at Papa sa delivery. Ayoko namang magpahatid kina Kuya at higit sa lahat wala akong pera para sa ambagan at kung anu-ano pang gastusin sa pag b-beach na yan.

"Wala na tayong aaralin! G-graduate na tayo two days from now!" Ani ni Arsenia. Napasimangot naman ako.

"Bahala kayo, hindi ako sasama" Pinal ko talagang sabi.

"Ang KJ mo naman Aloha! Minsan lang to eh! Deserve naman nating mag padagat!" Ani ni Reneya. I shook my head.

"May gagawin talaga ako! Dalhan nyo na lang ako ng tubig dagat" natatawa kong sabi.

Mag r-review na lang ako para makapasok ako sa gusto kong University at malayo sa pamilya ko.

"Ano ba yan!  Kukunin ka namin sa bahay nyo" Ani mo Jenia.

"Ayoko ko pa rin. May gagawin nga ako sa araw na yan" labag sa loob kong sabi.

Sa isip ko pa lang, alam ko na ang e sasagot ng magulang ko kapag magpapaalam akong mag b-beach kami.

"Kami ang magpapaalam para sayo...Ano?" Hamon ni Amena. I sigh.

Nakaka-tempt pero ayoko kong mapagalitan! Ang dami pa namang magbubunganga sa akin. Pero kapag papayagan ako, hindi rin ako mag e-enjoy dahil palagi akong nag c-check ng time dahil may curfew.

"Ayoko-"

"Hindi pwede! Dapat tayong lahat!" Ani ni Arsenia.

I sigh. Bahala nga sila.

"Good luck na lang sa inyo" pagsusuko.

Pagka-uwi ko sa bahay, dumiritso ako sa kwarto ko.

Nakakasawa ang buhay. Paulit-ulit na lang. Bahay, paaralan, nag-aaral. Nakakatamad.

Gusto ko ring maranasan ang naranasan ng kaibigan ko. May boyfriend, makakagala kahit saan at hanggang gabi pa. May pera at makakabili ng gusto nila. Samantalang ako, kailangan pang hindi kumain ng ilang araw para maipon ang baon ko at mabili amg gusto kong bilhin.

"Ma! Nakarating na ba si Aloha?" Dinig kong tanong ni Kuya.

Napairap na lang ako. One hour lang siguro ang tinagal ko doon sa coffee shop, naghahanap na agad sila?

Wala ba talaga silang tiwala sa akin? Alam ko na ang gagawin ko, malaki na ako. Mag c-college na tapos sila parang bata pa rin ang turing sa akin. Paano ako mag g-grow?

"Oo nandyan sa kwarto nya" sagot ni Mama.

I sigh at umupo para mag basa ng libro.

Kailangan ko talagang ipasa ang entrance exam para maka bukod ako, gusto kong maranasan yong hindi na mahihirapang magpaalam kapag may project at mag e-explain kapag late na umuwi. Iwan ko ba sa kanila! Nag-aaral naman akong mabuti, hindi naman ako pariwara gaya ng iba, ni hindi nga ako nagka-boyfriend since birth eh.

"Aloha?" Tawag ni Kuya habang kumakatok.

Tamad na tamad naman akong tumayo para pagbuksan ng pinto ang Kuya kong na over sa pagka-protective.

Goodluck na lang talaga sa magiging girlfriend nito, sure akong napaka possessive nito at hula ko ang dahilan ng paghihiwalay nila ay nasakal yong babae.

"Bakit?" Tamad kong sabi.

"Ngayong 24, may entrance exam na gaganapin sa school namin-"

"May nakita na akong school, doon na lang ako"  putol ko sa kanya. He frowned.

"Saan?" Nakakunot noo nyang sabi.

"Doon sa...IIT...Balita ko kasi, ang laking upportunity kapag doon ka naka graduate...80% ang passing score nila doon kaya nag-aaral akong mabuti" explain ko talaga. Tumaas naman ang kilay nya.

"Sinabi mo na kay Mama?" Hamon nya. Napanguso naman ako.

"Kapag nakapasa ako, sasabihin ko" Nakanguso kong sabi.

Para kapag sinabi kong nakapasa ako, wala na silang choice at papayagan na nila ako. Ang plano ko nga, eh e-explain ko sa kanila ang mga advantages kung doon ako mag-aaral.

"Doon ka na sa school namin" Ani ni Kuya at tumalikod. Nanlaki naman ang mata ko.

No!

I chase him kahit papunta na sya sa kwarto nya. Ayokong makasama sya sa isang school! Doon na nga lang ako sa school naging masaya at naging free! No way! No hell way na doon ako mag-aaral sa school nya.

"Kuya! Doon na lang ako! And infact, walang Law sa school mo!" Pagpupumilit ko at pumasok talaga sa kwarto nya.

Tamad naman syang humiga sa kama nya at tumingin sa akin na nakataas ang kilay.

"Law huh? Nahihirapan nga sina Mama mag bayad ng mga  bills tapos mag L-law ka?" Tamad nyang sabi.

"May mga scholarship! Pwede ring mag apply bilang student assistant para walang tuition fee!" Pakikipagtalo ko talaga.

"Student Assitant? Ni hindi ka nga mautusan dito. Tapos mag a-apply ka?" Natatawa nyang sabi.

"Kaya ko!" Determinado kong sabi.

"Kaya mo!? As far as I know ang hirap nyang Law-Law na  yan! Knowing you, Kailangan mo pa ng maraming oras para pumasok sa kukuti mo ang mga binabasa mo" real talk ni Kuya.

"Kuya naman eh! Edi kakayanin ko!" Inis kong sabi.

"Wala ka bang ibang choice na course?" Baliwala nyang tanong.

Natahimik naman ako.

Hindi naman talaga ako mag L-Law. Sinabi ko lang talaga na mag L-Law ako dahil wala yon sa school ni Kuya.

Honestly, gusto ko talagang maging entrepreneur. Yong mag p-perma ng mga papelis, a-attend ng meeting, papasok sa isang companya, magbibilang ng pera, mag e-endorse. Mga ganon.

Law? Gusto ko! Ayokong mabaliw! Ang hirap hirap ng course na yan at ang mahal mahal pa. Gagapang talaga ang parents ko kapag nagkataon.

"Bahala ka nga Kuya! Doon ako sa gusto kong school!" Inis kong sabi at nagdadabog na bumalik sa kwarto ko.

Nakakainis talaga ang ganito! Puro na lang sila ang nasusunod! Paano naman ang gusto ko? Wala ba akong karapatan na sumaya at gawin ang gusto kong gawin?

Sa sumunod na araw, I study so hard, pumunta nga ako ng graduation na puyat. Kung ang iba, excited na excited tuwing graduation, ako hindi, iwan ko rin kung bakit.

Sa loob loob ko kasi parang wala na akong nararamdaman, empty. Na excite, natatakot, masaya, hindi ko ramdam kaya minsan, nag-aalala na ako sa sarili ko.

"Doon tayo kina Arsenia mamaya! May letchon!" Bulong sa akin ni Reyana. Weird ko naman syang tinignan.

"Wala ka bang handa?" I asked.

"Meron pero mas masaya doon! Bumili yong gaga ng GSM! Deserve kong malasing!" Excited nyang dabi.

Palihim kong iniwas ang tingin ko at nahulog sa malalim na pag-iisip.

My family. Iwan pero parang wala lang din sa kanila. Ni hindi sila nag handa dahil graduation ko, kahit nagluto ng paborito kong pancit canton wala!

I sigh heavily!

Atleast buhay ako! Yan ang importante! Siguro matutulog na lang ako ng maaga mamaya! best gift ko sa sarili ko dahil ilang araw na akong puyat kaka-review.

"Hoy Aloha! Wag mong sabihing hindi ka na naman sasama mamaya huh!" Ani ni Jenia na nasa unahan namin.

I sigh heavily.

"May handaan rin sa amin" pagsisinungaling ko.

"After lunch na naman tayo pupunta roon!" Pagpupumilit nya. I shook my head.

Ang hirap kapag ganito! Yong gusto mong gumala at mag enjoy pero hindi mo magawa dahil alam mong ayaw ng parents mo! Nakakainis!

"Tignan ko lang, mag c-chat ako kapag pwede ako" sagot ko na lang para tumahimik sila. May program na nagaganap tapos ito kami nag p-plano.

"Ang KJ talaga" aniya. Ngumiti na lang ako.

Hindi kasi nila naintindihan eh! Kung sila lang ang nasa posisyon ko! Malalaman talaga nila kung bakit ako ganito.

After the ceremony! Agad akong umalis sa function hall para hindi ako masali sa mga kalokohan ng mga kaibigan ko.

"Saan tayo ngayon ma?" Tanong ni Kuya na nag d-drive.

"Anong saan?" Tanong ni mama. I sigh heavily.

See? Ni hindi nga nila ako pinaghandaan! Kahit hindi ako naka graduate with Latin honors. Sana man lang nakita nila ang effort ko. Babawi naman ako sa college!

Kuya laughed kaya napangiwi na lang ako. Sige! Pagtawanan mo lang ako! Ni regalo wala silang maibigay sa akin! Tatanggapin ko naman kahit mug o picture frame lang.

Tamad na tamad akong pumasok sa bahay but to my surprise, party popper explode na nakapagpagulat sa akin.

"Congratiolations! Aloha!" Sigaw ng mga pinsan at mga tyahin ko.

I don't know what to say! Gulat na gulat ako.

Hindi ko expected!

"Hoy!" Natatawang tulak ni Kuya kaya napkurap-kurap ako.

"Ano to?" Hindi makapaniwala kong sabi. Mas tumawa si Kuya at tinutok sa akin ang phone nya.

"Maliit lang ang na e handa namin dahil alam mo na, kulang sa budget si Kuya dahil may bayarin sa school" tawa-tawa pa ring sabi ni Kuya.

I'm speechless. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Naiiyak ako, na nabibigla to the point na hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"Iiyak na yan! Iiyak na yan! Iiyak na yan!" Kantyaw sa akin ng mga pinsan ko.

I laughed at umiling-iling.

"Salamat" I mumbled.

Na mental block talaga ako, walang kahit anong salita ang nabuo.

"Lika ka na rito!kumain na tayo" panghihila ni Kuya. Nakamot na lang ako ng ulo.

Everyone is so happy! Ako naman, kumakain lang at iniisip ang mga pinag-aralan ko sa nakaraang araw.

Hindi ako matalino kaya kailangan ko talagang mag-aral ng mabuti specially ang goal ko! Malayo rito at makapasa sa entrance exam doon sa IIT.

Buong bakasyon, basa ako ng basa, nag memorize at kung anu-ano pa.Desido na akong makawala rito sa bahay.

"Sasamahan ka ng Kuya mo" ani ni mama nang dumating ang araw ng entrance exam. I sigh heavily.

"Sige Ma"tamad kong sabi at hinarap na naman ang notebook ko.

"Aloha! Lika na!" Tawag ni Kuya kaya dali-dali akong tumayo.

Matinding dasal ang ginawa ko habang bumabyahe! Kabang-kaba na rin ako dahil sa exam!

"Makakapasok ba ako dyan?" Curious na tanong ni Kuya habang tinitignan ang paligid. Pagkarating namin.

"Ako na dito, kaya ko na toh! Sunduin mo lang ako mamaya! Mga 10:00am! Gumala ka na lang muna." pangtataboy ko sa kanya. He sigh

"Wag kang gumala-gala rito! May kilala ako rito!" Banta nya. Palihim akong imirap.

"Okay" tamad kong sabi.

"May pupuntahan lang ako! Hindi mo alam ang lugar na to" bilin pa nya.

They really indeed treat me like a baby! Mag t-twenty na ako! Alam ko na ang gagawin pero ito sila! Parang grade one pa rin ako kung tratuhin.

"Oo na! Ma l-late na ako!" Inis kong sabi. Kuya nod, binabaliwala ang pagka-inis ko.

Bulong ako ng bulong habang hinahanap ko ang test room! Ang laki-laki ng University na to!

"Excuse me...Pwede bang magtanong?" I asked the boy quietly sitting on the bench, nag p-phone.

"Excuse me...what?" He asked at tinaggal ang air phone sa tainga nya. I sigh.

"Pwede bang magtanong kung nasaaan ang Test room? Mag e-entrance exam kasi ako" I said politely.

"Ah! Left wing then second floor. May makikita ka roong library tapos sa harap non" He answer casually.

"Thank you po!" Masaya kong sabi at nagtatakbo na patungo roon dahil five minutes na lang magsisimula na.

Pagkarating ko sa test room! Marami ng apllicant na nakapila. May dala-dalang brown envelop.

"Excuse me! Nagsisimula na ba?" I asked one of the petite lady. She shook her head.

"Hindi pa. Nag f-fill up pa kasi...teka!May form ka na ba?" She asked. I shook my head.

"Manghingi ka kay ma'am...doon oh" turo nya sa babaeng naka uniform. Tumango naman ako at sinunod ang sinabi nya.

Dali-dali akong nag fill up! At pumila.

Seeing the other applicant...Nakakaba! Sana lang talaga may lumabas sa ni review ko! At makapasa ako rito...Para to sa freedom ko!

Pagkapasok namin sa test room, agad nagsimula ang exam!

At unang tanong pa lang hindi ko na alam kaya nag proceed ako sa ibang number.

Sana lang may tumama rito!

May iba! Alam ko ang sagot! Ang iba naman, familiar lang sya! Kaya stress na stress ako.

Hapong-hapo ako pagkatapos ng exam!

Ang hirap maging bobo!

"Dzai! Grabe ang hirap nong math! Anong sagot mo sa no. 16?" Tanong bigla sa akin ng babae.

Napakurap-kurap ako.

"Hindi ko na matandaan" Ani ko. Ni hindi nga ako nag solve eh buti na lang multiple choice kung hindi blanko ang test paper ko.

"Anong ginamit mong formula!? Parang mali ang ginamit ko eh!" Stress na stree nyang sabi.

Wow! Sana all may alam, ako nga nanghula lang sa choices!

Mag dadasal na lang ako ng maigi! Madadala pa namam siguro sa dasal yon.

"Una na ako huh? Baka nandoon na ang Kuya ko" paalam ko na lang.

Wala naman akong mas-share sa kanila eh! Puro hula lang ang sagot ko! Ni hindi ko nga alam na gagamitan pa yon ng formula eh.

"Sana lang makapasa ako" I mumbled habang bumababa.

Sila nga ang tatalino! Stress na stress at hindi sigurado sa sagot nila. Ano na lang ako?

"Aray!-..."natigilan ako nang nakita ang lalaking nakabundol sa akin.

"Sorry, sorry!" Nagmamadali nyang sabi at nilagpasan ako.

Sinundan ko naman sya ng tingin.

"Ang gwapo" wala sa sarili kong sabi.

Pointed nose, heart shape bow lips, expressive eyes, clear skin, clean cut hair style, well toned body...

"Lord! Kung hindi yon para sa akin, ipipilit ko talaga!" Kinikilig kong sabi.

Yong mata nya! Super expressive! Kahit sandali lang kami nagkatinginan, hindi mawala sa isip ko ang way ng pagtingin nya sa akin.

"Anong nangyayari sayo?" Takang tanong ni Kuya. I laughed at sumakay sa motor.

"Wala! Tara na!" Hyper kong sabi.

Sana talaga makapasa ako sa school na yon! Ang saya-saya siguro palagi ng araw ako! Tapos inspired pa palagi!

Oh my goodness!

Next chapter