83 Last Confession

Dear Clive,

There's this part of our life that we are searching for something. There are times that we came nothing and we end up having something or go back again to nothing. Well, that's life di ba? It's a cycle. In my case, I came for something but end up having nothing.

Iiwan ko na lang siguro ulit sa locker mo ang letter na to sa kuhaan ng final report card natin. And I wish mabasa mo na ang lahat ng letter ko na naglalaman ng confession and feelings ko for you.

Ang bilis talaga ng panahon ano? Parang kailan lang nong unang beses kitang sinulatan and now, I'm up for writing my last letter for you. Sa tingin ko naman, ito ang mas mabuting gawin. Tutal, okay na kayo ni Fiona—ano pang silbi ng pagsusulat ko di ba? Para saktan ang sarili ko?

You're finally able to win her back. At masaya na ako don. Pero sino nga bang niloko ko na masaya na talaga ako? Wala naman talagang taong masaya kapag hindi ka nagawang mahalin ng taong mahal mo. Masyado lang ata tayong nilalamon ng perception na maging masaya kapag masaya yung taong mahal natin. Pero kalokohan naman ata yon, totoo bang magiging masaya ka? Knowing na may mahal siyang iba, definitely no.

Okay lang naman masaktan, okay lang naman maging miserable, okay lang maging malungkot kung may mahal siyang iba, okay lang magalit sa mundo.. tao tayo e. Nakakaramdam. Pero napagtanto ko na kapag sobra tayong nagmamahal, nagiging bulag, pipi, at bingi tayo. Our five senses are just nothing but left as a parts of our body. Nawawalan ng saysay. Wala e, lahat kasi ng tungkol sa taong mahal natin—nagiging tama, o di kaya perfect kaya nawawalan na din ata tayo ng tamang judgement.

Noong bata ako, mahilig akong manood ng mga fairy tales or disney movie kasi lahat yon may happy ending. Na hanggang ngayon ay nilamon ako ng sistema na ang bawat prinsesa ay may prinsipe. Pero hindi naman pala kasi ako prinsesa. Ayoko lang umasa na palaging may nandiyan para isuot sayo yung sapatos mo kapag naiwan mo, yung may handang halikan ka para gisingin ka, yung handang isugal ang lahat mapasa-kaniya ka lang.

Akala ko mahahanap ko sayo ang happy ending na pinapangarap ko e. But it doesn't mean na hindi na ako naniniwala sa happy ending. We all have time for that, nauna ka nga lang na makuha yung iyo.

It was then I realized that endings don't have to be happy nor sad. Minsan kong natanong sa sarili ko, kailan ba talaga masasabi na happy ending na? Kapag masaya na ba talaga lahat? Masaya nga lahat pero ikaw naman ang malungkot. Sa tingin ko, happy ending means that everything are settled and when you are already contented with what kind of ending you have in your hands. Hindi naman kasi natin mapepredict ang ending pero dapat handa tayong ihandle yon kahit na masakit. At least kahit don, masasabi nating naging masaya tayo sa dulo.

Masaya ka na kasi sa happy ending mo e. Nakakatawa lang kasi ex-girlfriend mo pala si Fiona at gusto mong magkabalikan kayo. Well now, you already have her.. again.

To tell you honestly, I am still not able to have that happy ending cos there's a bit of hope that I'm holding. Pero baka bitawan ko na lang din to..

Last na to, wag kang mag-alala. Thank you kasi ang dami kong realizations at lessons na nakuha from you. I love you and hihintayin ko pa rin na dumating yung sinasabi mong next time kung saan sasaluhin mo na ako.

Love,

Gilianne Calixto

avataravatar