18 Gilianne 02

Habang nilalaro ang ballpen sa kaliwang kamay, panay ang lingon ko kay Clive na nasa kabilang row nakaupo. Parehas lang kaming nakapwesto sa pinakadulo, ang pinagkaiba nga lang e nasa kabilang dulo siya. Bale parehas kaming nasa corner.

Hindi ko kasi maiwasang tignan siya every discussion. Tulad ngayon, nagdidiscuss yung Filipino teacher namin about sa kabanata 7 ng El Fili at ayon si Clive, nakasandal lang sa bintana; nakatitig sa black board pero halata namang hindi nakikinig.

Naalala ko pa before nong hindi pa kami magkaklase. Simula kasi nung grade 7 ako hanggang grade 8, nasa section one ako. Nung grade 9 lang tas grade 10 hindi na, aba okay lang yon no; at least kaklase ko siya at lagi ko siyang nakikita. Hirap din makipagsabayan sa mga tunay na matatalino ano. Palagi kaya akong nasa pinakahuling rank every time na nafinalize na yung grades.

"Class dismissed."

Pagkatapos sabihin yan ni ma'am ay tumayo na ako at nag-unat. Nagulat naman ako nang lumapit sakin yung class president namin, si Lyndon.

"Gil! Ako na humihingi ng sorry dahil sa ginawa ng kaibigan ko sayo kanina."

Nagsalubong naman ang kilay ko sa sinabi niya. Ginawa ni Clive? Kahit kailan wala namang nagawa sakin si Clive na di kaaya-aya e. Wala nga ba?

"Ha? Ano yon?"

Natawa naman siya at umiling-iling, "Yung hindi niya pagtulong sayo don sa mga nalaglag na gamit mo."

Tumango-tango naman ako dahil sa sinabi niya. Ow, yon pala yon. Natawa nalang ako. Kung gano ka-bad boy ang image ni Clive dito sa school, super kabaligtaran naman yon ng kay Lyndon. He's just too good to be true. Kaya siguro, nahulog din ang best friend ko dito. Si Alyssa.

"Gil—oh! Hi Lyndon!" Natigilan ata si Alyssa nang makita niyang kausap ko si Lyndon at mukhang nawala na sa sariling ulirat.

"Tara sa canteen?" Aya ni Alyssa habang tinataas-baba pa ang kilay neto. Okay, ano naman kaya ang binabalak nito?

"Sama ka na Lyndon." Sabi ni Alyssa sabay tapon ng tingin kay Lyndon at ang laki pa ng ngiti.

"Sure! Tawagin ko lang si Clive."

Nagkatitigan nalang kami ni Alyssa nang maglakad na palayo samin si Lyndon at nilapitan si Clive na ngayon ay nakayupyop sa arm chair niya. Nginisian nalang ako ni Alyssa.

"Nakakatakot yang ngiti mo, Aly."

Nang makalapit na sila saming dalawa ay agad hinatak ni Alyssa si Lyndon sa tabi niya at nagtanong tungkol sa school stuffs. Napailing nalang ako, para-paraan talaga. Tsk.

Ako naman. Heto, parang inasinan na uod. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko. Natataranta ako. Tapos yung palad ko pa, nararamdaman kong nagbabasa na sila dahil sa kaba. Isip ng magandang conversation Gil. You can do it.

Lumingon ako kay Clive at akmang magsasalita na pero na caught off guard agad ako, "Ang bagal mo maglakad."

And with that, nauna na nga siyang maglakad at iniwan ako. Hindi ko naman kasi namalayan na nauna nang makapasok yung dalawa sa canteen. "How sweet of you naman, hehe." Bulong ko at tumakbo na rin papasok sa loob.

Nang makahanap kami ng table e si Alyssa at Lyndon na ang bumili ng makakain namin. Katapat ko siya ngayon.

Katapat ko siya pero ayon, nakayupyop na naman sa lamesa. Kulang ba siya lagi ng tulog? Bakit ba lagi nalang tong inaantok? O baka naman napupuyat kasi kausap si Fiona? Hay.

Pagkarating nila Alyssa sa table namin ay nagsimula na kaming kumain at naging smooth naman ang conversation naming tatlo.. pwera lang sa isa na tahimik na kumakain. Hello! Nandito ba si Clive?

Parang wala ding sense yung pagsama niya samin kasi hindi rin naman siya nagsasalita, ang lungkot niya. Pati tuloy ako nalulungkot.

"So, mr. president.. ano ng balak mo sa science week? Sino ng magiging representative natin?"

Natigilan ako sa sinabi ni Alyssa. Ay oo nga, bale next week na pala yung science week at kasama din don ang Mr. and Ms. Scire in which yung mga costumes na gagamitin ng bawat representatives ay dapat gawa sa recycled materials.

"Pinag-iisipan ko nga kung ikaw nalang e. Tapos si Michael." Sagot naman ni Lyndon kaya napangiti si Alyssa. Sus, kinikilig ang isang to.

Sa section kasi namin, kung may katumbas man ng ganda yong si Fiona; well si Alyssa na siguro yon. Kaso tong best friend ko, ayaw masyado ng exposure. Naalala ko pa ngang palagi niyang sinasabi, "Duh! Kay Lyndon lang dapat maeexpose tong mukhang to."

"Ay nako! Ayoko ng mga ganiyan." Tumigil saglit si Alyssa at marahas na lumingon sakin kaya naman natigilan ako sa pagkain ng carbonara, "Siya! Oo tama, si Gil nalang. Matangkad naman siya, Filipina beauty, bagay siya don tapos matalino pa."

Agad naman akong umiling-iling sa idea ni Alyssa at ito namang si Lyndon ay tumango-tango, "Oo nga, pwedeng pwede. Pasok ka sa standards Gilianne. E sino namang ipapares natin sa kaniya?"

Hindi naman nagpatumpik-tumpik ang bunganga ni Alyssa at lumingon agad siya kay Clive. No.. no.

"You! Si Clive nalang ang ipares mo sa kaniya. Naku, malakas hatak neto sa audience."

Dahil don ay natigilan sa pagkain si Clive at nag-angat ng tingin, "Masasayang lang oras ko diyan." And by that, tumayo na siya at naglakad palabas.

Hay. Ako at si Clive magpapares para sa Mr. and Ms. Scire? Imposible.

avataravatar
Next chapter