20 Confession 18

Dear Crush,

Kinikilig ako! Sa wakas kasi ay napansin mo rin ako. Sinubukan ko kasing mag-ayos gaya nong ginagawa ni Fiona. Naglagay din ako nong clay blush sa pisngi ko, yung uso ngayon—drunk lush ba tawag don? Tapos nag-apply din ako ng liptint.

Ang gaan pala sa feeling pag yung crush mo ang nagsimula ng conversation. Ang sabi mo lang naman e, "May lampas." pero kinilig na ako.

Pumunta tuloy agad ako sa cr at tumingin sa salamin. Uulitin ko pa ba ang paglalagay ng liptint? Baka hindi na, pati kasi ngipin ko naging kulay pula.

avataravatar
Next chapter