17 Confession 16

Dear Crush,

Nagtataka lang ako. Di ba dapat sa mga ilang letter na naibigay ko sayo, dapat kilala mo na kung sino ako? Bakit parang hindi pa rin? Binabasa mo ba yung mga binibigay ko? O tinatambak mo lang kasama ng mga letter na galing din sa mga babaeng nagkakagusto sayo? Hays.

Hayaan mo na, patuloy pa rin ako sa paggawa ng letter. Napansin ko nga lang nung nakaraan, habang nilalagay ko sa locker mo yung sulat ko na para sayo, parang may nakatingin sakin sa bandang likuran ko. Hinayaan ko nalang. Wala naman sigurong multo sa school natin di ba?

avataravatar
Next chapter