1 viii-xx-xix "May mga bagay talagang mabilis dumating at mabilis ding mawawala."

Madilim. Malalim na ang gabi pwero heto at gising na gising pa rin ako ng dahil sa iyo. Ano nga bang mayroon sa iyo na halos lahat ng taong kakilala ko ay tutol sa pagkakalapit natin?. Dahil ba sa tingin nilang wala kang pagseseryoso sa pag-aaral o dahil sa mga bali-balitang kumakalat na ilang beses ka nang nanakit ng damdamin ng mga babae?. Para naman sa akin wala sa itsura mo ang kayang manakit pero halata sa iyo na nagbubuhat ka ng sarili mong bangko.

 

Simple lang naman akong babae eh, pangit nga lang sa paningin ng lipunan. Dahil sa hindi na ako nabiyayaan ng clear skin eh, para ngang business minded ang mga pimples ko kasi parang araw-araw nagpafranchise sila eh. Myghad!. Parami sila nang parami. Hindi rin presentable ngumiti dahil sa may sira o sa madaling salita bungi ang itaas na harapang bahagi ng ngipin ko. Wala pa sa budget ang magpapustisok eh. Pero para sa akin okay na yung pangit sa mata ng lipunan kaysa naman maging salot sa lipunan.

 

Nakilala kita nang aksidenteng nagkatinginan tayo sa hallway ng campus. Kung hindi dahil sa aksidenteng iyon malamang hindi ko malalamang kaklase pala kita. Di ba halos isang buwan nang magsimula ang ikalawang semester ng taon. Hindi na kasi ako namamansin ng isang tao kapag hindi sila ang unang pumansin sa akin.

 

Disperas nang paskong iyon ng magpakilala ka sa akin ng maayos kaso sa pamamagitan nga lang ng chat sa messenger. Akalain mong may naligaw sa inbox ko dati puro group message lang ang bumubuhay sa messenger ko eh. Sa pagkakatanda ko 'pengeng graham' ang una mong chat sa akin. Kaso wala kaming graham sa mga putaheng inihanda ng araw na iyon. Hindi ko naman kasi gusto yun eh since ako yung nakatoka sa pag aasikaso ng pagkain eh di na ako gumawa nun. Ngunit dahil pala sa putaheng hindi ko naman gusto ay mabibigyan pag-asa ulit akong umibig at sumaya nang dahil sa pag-ibig.

 

Isa o dalawang buwang tumagal ang pagiging online friends natin. Hindi ko naman masabing magkaibigan tayo sa personal bukod kasi sa hindi talaga tayo nagpapasinan, hindi naman tayo madalas magkita eh. Habang tumatagal nararamdaman kong nagkakaroon ka nang especially na parte sa buhay ko. Yung bang parang laging may kulang kapag di kita nakakausap. Lumipas pa ang mga araw at tila kapansin pansin ang pagbabago mo sa paraan ng pakikipoag-usap sa akin. Nariyan yung para kang si papa kung mag-alala kapag nalilipasan ako ng kain o kaya naman kapag ginagabi na ako ng uwi. Tapos si mama naman kung sermunan ako sa tuwing nagpupuyat ako sa kakacellphone. Baliktad ba?. Ewan ko rin sa parents ko eh..

 

Tumagal din naman ang pagiging M.U natin. Nariyan yung pinalitan mo na yung nickname ko ng 'baby', tapos ang nilagay ko naman sa iyo ay 'agi' korean word ng baby. Ayun nga lang hindi ako sigurado kung Mutual Understanding ba ang meron tayo o Malanding Ugnayan lang .

 

Matapos ang tatlong buwan na pagpaparamdam sa  akin na especial ako sa buhay mo, na iba ako sa mga kaibigan mong babae biglang nauwi nalang sa Malabong Ugnayan. Bigla ka nalang nawala, hindi ka na nagparamdam di ka na nagchat ni likezoned wala eh. Seenzoned lang message ko. Mukhang na GOSHTING ako.

avataravatar