1 A Treasured Memory

Pinagmasdan kita habang ika'y nakatayo sa damuhan...

Tila ba'y wala ka sa iyong sarili...

Ngunit 'di naman kita masisisi.

May tumulong luha mula sa iyong malulungkot na mga mata at agad mo iyong pinunasan.

Muli kang napatingin sa kung ano mang nasa iyong paanan...

At ika'y tumalikod, ako'y iyong iniwan.

Nagdadalamhating pinagmasdan ko ang iyong paglisan.

Bagama't nasasaktan...

Batid kong hindi na kita mapipigilan

avataravatar
Next chapter