757 Yan Country (8)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi na nagtanong pa si Fan Jin tungkol doon. Alam niyang kahit sino sa kaniyang kaharap ngayon ay may kakaibang pinagmulan. At kung hindi nila sasabihin sa kaniya ang mga balak nito, naisip niyang mayroong sapat na dahilan kung bakit.

Dahan-dahang tumingin si Fan Jin kay Fan Zhuo. Masaya siya sa nakikitang ngiti sa mukha nito.

"Magpatuloy lang kayo sa pag-uusap. Kailangan ko lang kitain ang Grand Adviser." Tumayo na si Fan Jin at nagpaalam. Naisip niyang baka nag-aalangan ang grupo na magsalita dahil naroon siya kaya naman naghanap siya ng dahilan para makaalis.

"Grand Adviser? Kuya, anong pakay mo sa kaniya?" Tanong ni Fan Zhuo.

Malaki ang tungkuling ginagampanan ng Yan Country's Grand Adviser at tinitingala ito ng mga tao. Pumapangalawa ang reputasyon nito sa Emperor pero mas mataas pa rin sa Crown Prince. Ngunit madalang lang makisali ang Grand Adviser, nagpapakita lang ito kapag kailangan.

Kung ang Emperor ng Yan Country ay ang namumuno, ang Grand Adviser naman ang Spiritual Leader ng Yan Country. Labis itong mahal at nirerespeto ng mga tao.

Tumawa naman si Fan Jin bago sumagot: "May ipinaaabot si Senior Wen Xin Han na sulat para sa Grand Adviser bago tayo umalis."

Tumango naman si Fan Zhuo at hindi na nagtanong pa. Ang Zephyr Academy ngayon ay pinapalakad nina Wen Xin Han at Gu Li Sheng. Dahil sa unos na dinanas ng Zephyr Academy, pinakiusapan ni Fan Jin si Wen Xin Han na manatili muna sa Zephyr Academy at hindi naman tumanggi si Wen Xin Han.

Nang makaalis na si Fan Jin, napahawak si Fei Yan sa kaniyang baba. "Kung tama ako ng pagkakatanda, ang apelyido ng Yan Country's Grand Adviser at Wen." Makahulugan itong tumingin kay Jun Wu Xie.

Kahit na hindi naman madalang ang apelyidong Wen, pero ang isiping nagpaabot si Wen Xin Han ng sulat kay Fan Jin para ibigay sa Yan Country's Grand Adviser at pareho sila ng apelyido, hindi malayong may kaugnayan ang dalawa.

"Wen Yu ba ang pangalan ng Grand Adviser?" Tanong ni Jun Wu Xie.

Tumango si Fei Yan.

"Kung gayon ay personal na bagay iyon sa pagitan ni Senior Wen at ng Grand Adviser at hindi maganda kung makikialam pa tayo. Pero ngayon ay nasisiguro nating hindi natin kaaway si Wen Yu." Nakangiting saad ni Fan Zhuo. Kahit na hindi niya alam ang nakapaloob sa sulat, pero dahil pinagkatiwalaan nito si Fan Jin na iabot iyon kay Wen Yu, naniniwala siyang personal na motibo ang laman noon. Gaya ng hihingin niyang bantayan sila.

"Ehem...narinig ko ring...ang Grand Adviser...ay napakagwapo." Biglang singit ni Qiao Chu.. Namula pa ang pisngi nito nang sabihin iyon.

Tinitigan naman ng masama ni Fei Yan si Qiao Chu.

[Tuwing nakakakita ng maganda o kahit gwapo ang lalaking ito, laging ganyan ang itsura ng mukha niya...parang aso!]

"Nasabi ngang ito ang pinakgwapo sa buong Yan Country. Ngunit huwag niyo itong babanggitin sa labas, ayaw ng Grand Adviser na pinapansin ang kaniyang itsura." Paalala ni Fei Yan.

"Hindi ko gagawin iyan. Saan ka nakakita ng lalaking gustong-gustong tinatawag siyang gwapo?" Depensa naman ni Qiao Chu.

Tahimik lang na nakikinig sa kanila si Jun Wu Xie. Nang kaniyang marinig ang tungkol sa gwapong mukha ng Grand Adviser, wala sa sariling napatingin siya kay Jun Wu Yao na nasa kaniyang tabi. Ang malamig niyang tingin ay lumibot sa makinis at perpektong mukha ng lalaki.

Para namang masyadong naging halata ang tinging iyon ni Jun Wu Xie at napansin iyon ni Qiao Chu.

"Little Xie, hindi mo na kailangang titigan ng maigi. Walang panama ang mukha ng Wen Yu na iyon sa mukha ng ating Big Brother Jun." Wala pa siyang nakikitang kasing gwapo ni Jun Wu Yao sa tanang buhay niya! Kung may makakapagsabi sa kaniyang may mas gwapo pa dito, hindi niya lubos maisip ano ang posibleng itsura ng taong iyon.

Nagulat naman si Jun Wu Xie at agad na binawi ang tingin kay Jun Wu Yao. Uminom ito ng tsaa para hindi mahalata, ngunit mas lalo lang iyong nahalata ng lalaki. Dahil doon ay mahinang tumawa si Jun Wu Yao.

avataravatar
Next chapter