753 Yan Country (4)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nakapako ang kanilang mga mata sa gwapong mukha ng lalaking unang bumaba sa karwahe. Matangkad ito at may mapang-akit na ngiti.

Ang bahagya nitong malalim na titig ay nakakahumaling. Pagkatapos nitong bumaba ay sumunod ang isa pang lalaki. Naglalaro sa labing-apat o labing-lima ang edad nito, at kahit na malinis at presentable ang itsura nito, hindi maikukumpara ang itsura nito sa nauna.

Ang unang lalaking bumaba ay ngumiti at inalalayan ang susunod na bababa. Nakakahumaling ang bawat galaw nito.

Kasing ganda ng isang ipinintang larawan...

Ilan pang kabataan ang sunod-sunod na bumaba. Lahat sila ay naggugwapuhan at kaakit-akit. Kahit na hindi sila kasing-gwapo ng naunang lalaki, lahat sila ay may kaniya-kaniyang kaakit-akit na itsura. At mayroon pang isang napakagandang babae!

Nakakuha ng magandang resulta ang Zephyr Academy noong nakaraang taon sa Spirit Battle Tournament, at dahil doon, nakakuha sila ng atensyon galing sa iba't-ibang academy. Pero ang nakita nilang mga kalahok ngayon ay bago at hindi nila kilala.

"Ang mga taong ito...ay galing sa Zephyr Academy?" Ang mga nanonood na mga kabataan ay hindi maalis ang tingin sa magandang babae na kasama ng grupo!

Mayroon ding babaeng kalahok ang Zephyr Academy noong nakaraang taon at naalala nilang maganda rin iyon. Ngunit kumpara sa babaeng nasa kanilang harapan ngayon, unti-unting naglaho ang imahe ng babaeng kanilang nakita noong nakaraang taon.

"Nakita mo ba ang Banner galing sa kanilang karwahe? Taga-Zephyr Academy nga sila." Ang mga disipulong pinag-uusapan ang Zephyr Academy kanina ay hindi halos makapagsalita. Sa itsura pa lang ay tinalo na silang lahat ng mga ito.

Halos hindi sila makapaniwala sa naggugwapuhang itsura ng kanilang mga nakita!

Sampung tao ang bumaba galing sa mga karwahe ng Zephyr Academy. Matapos makita ng mga tao ang huling dalawang bumaba na seryoso ang mukha, umalis na ang mga karwahe at wala nang nakita pang dumagdag sa sampu. Muli, naguluhan ang mga nanonood.

"Bakit sampu lang sila?" Hindi nila maintindihan ang nangyayari. Bawat academy ay nabigyan ng sampung slot bilang kalahok sa Spirit Battle Tournament. Ngunit sampu lang ang kanilang nakita at tatlo sa mga iyon ay mukhang lagpas na sa tamang edad at paniguradong hindi kasali sa Spirit Battle Tournament.

Sa pito, nakita nilang kabilang doon si Fan Jin.

Matapos ng nangyari sa Zephyr Academy, si Fan Jin ay hindi na disipulo ng Zephyr Academy. Ito ay isa nang Headmaster at nagdududa silang maaari pa itong makisali sa Spirit Battle Tournament.

Kung tama sila sa kanilang nakikita, anim lang mula sa Zephyr Academy ang makakasali sa Spirit Battle Tournament?

At mayroong isang maliit na napakabata silang kasama na payat at mukhang napakahina. Kaya kayang irepresenta ng lalaking iyon ang Zephyr Academy sa Spirit Battle Tournament?

Hindi na naisalita ng mga nanunood ang naglalaro sa kanilang mga isipan.

Talaga ngang bumagsak na ang Zephyr Academy. Ni hindi na nagawa ng mga itong makabuo ng sampung makikilahok sa Spirit Battle Tournament. Kahit na naggugwapuhan ang mga ito, hindi iyon ang batayan at kailangan para sa Spirit Battle Tournament.

Iniisip nilang sumuko na ang Zephyr Academy sa Spirit Battle Tournament bago pa man magsimula ang kompetisyon.

Nang makapasok na sa inn ang mga taga-Zephyr Academy, nagsimula na ring tumalikod ang mga nanunood. At kasing-bilis ng kidlat ay kumalat na sa lahat ang kanilang nasaksihan.

avataravatar
Next chapter