752 Yan Country (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Ang Zephyr Academy ay may mahigit isang libong disipulo sa kanilang main division, ngunit ang bilang ng bumalik ay kaunti na lang. Maging ang mga guro ay umalis din at kaunti na lang ang guro sa Zephyr Academy para sila ay turuan. Hindi ganon katanga ang mga disipulo para bumalik pa doon. Narinig ko din na karamihan sa mga taong nagrepresenta ng Zephyr Academy sa Spirit Battle Tournament noong nakaraang taon ay lumipat na sa War Banner Academy at Dragon Slayer Academy."

"Totoo ba iya? Hindi ba't may Spirit Healer Faculty pa ang Zephyr Academy? Iyon ang namumukod-tangi sa kanila. Bakit marami ang gustong umalis?" Tanong ng binatilyo. Hindi pa rin nawawala ang gulat sa mukha nito. Bilang isang batang nagmula sa hindi sikat na academy, hindi niya aakalaing babagsak ang sikat na Zephyr Academy ng ganon kadali.

Ngumisi ang isa pang binatilyo: "Kung hindi dahil sa Spirit Healer Faculty, tingin ko ay walang ni isang disipulo ang bumalik doon. Narinig kong hindi lang ang dalawang Headmaster ang sangkot, kundi maging karamihan sa mga disipulo ay nasali sa gulo at namatay. Sino ang mangangahas na bumalik pa sa nakakatakot na lugar na 'yon? Kahit pa gaano ka kagaling para makapasok doon, mas mahalaga ang iyong buhay, hindi ba?!"

"Kung ganon, mahihirapan ang Zephyr Academy ngayong taon? Lahat ng magagaling nilang disipulo ay umalis na. Pagkatapos ay Headmaster na pala si Fan Jin. Pwede pa ba siyang makilahok sa Spirit Battle Tournament bilang disipulo? Parang isang malaking biro iyon. "Sinong nakakaalam? Ang Zephyr Academy ay walang gaanong maipapakita ngayong taon, at baka para maibangon ang kanilang reputasyon, sasali si Fan Jin. Pero...kung ako lang, sasabihin ko sakanilang dahil bumagsak ang Zephyr Academy, hindi na nila kailangang pumarito at sumali sa Spirit Battle Tournament. Dahil sa kanilang pagpunta dito, ipapahiya lang nila ang kanilang mga sarili sa huli."

Nagpatuloy sa pag-uusap ang dalawang binatilyo habang naglilibot sa Imperial City. Sa bawat sulok ng kanilang pinupuntahan ay naglalaman ng parehong usapan.

Ang dating tinitingalang Zephyr Academy ay bumagsak sa loob lang ng isang buwan. Ang kanilang mayamang kapital, ngayon ay kinukulang. Dahil sa daloy ng kanilang mga disipulo at guro sa main division, nakaasa a na lang ang Zephyr Academy sa mga disipulong kanilang iprinomote galing branch division. Maraming academy ang naghihintay na ipahiya ng Zephyr Academy ang kanilang mga sarili.

Sa wakas ay huminto ang karwahe ng Zephyr Academy sa tapat ng isang inn. Isa iyon sa mga mayamang distrito ng Imperial Capital, at isang malawak na lugar ang itinalaga para sa iba't-ibang academy bilang kanilang pahingahan. Lahat ng gusali sa buong distrito ay puno na ng disipulo galing sa iba't-ibang academy, at kumpara sa ibang lugar ng siyudad, mas tahimik dito.

May mga guwardiyang nakatayo sa labas ng inn at hindi pa sana titigil ang karwahe ng Zephyr Academy kung hindi sila pinahinto ng mga iyon.

Sa kabilang bahagi, ilang mga kabataan ang nakatingin sa karwahe ng Zephyr Academy, puno iyon ng pangungutya. Kahit na hindi na pinag-uusapan sa loob ng Zephyr Academy ang nangyari, ang mga umalis naman ay paniguradong hindi rin tatahimik. At ngayon ay kumalat na nga ang nangyari sa Zephyr Academy!

Matalas ang mga mata ng mga kabataan para mapansing desperado na ang Zephyr Academy.

Subalit ng lumabas ang unang tao sa karwahe, ang mga kabataang naghahanda na sa kanilang mapangutyang tawa ay napadilat at hindi halos makapagsalita!

avataravatar
Next chapter