751 Yan Country (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Marami nang disipulo ang nasa Yan Country's Imperial Capital. Dahil hindi pa nagsisimula ang Spirit Battle Tournament, marami sa kanila ang naglilibot sa Imperial Capital.

Limang karwahe ang dumaan. Karamihan sa mga disipulo ay agad na nakilala ang banner ng Zephyr Academy. Agad na nakuha ang kanilang atensyon ng mga karwaheng iyon at nagkakandahaba ang kanilang mga leeg upang silipin ang nasa loob. Sa oras na iyon, walang bumakas na inggit sa mga mata ng mga disipulo, bagkus ay nakitaan iyon ng pangungutya.

"Bakit kaunti lang ang pinadala ng Zephyr Academy ngayong taon?" Tanong ng isang binatilyo. Naguguluhan ang mukha nito habang nakatingin sa mga papalayo ng karwahe.

Nagmula ito sa hindi gaanong sikat na academy, ngunit simula pa noon, kapag sila ay nagtutungo dito para sa Spirit Battle Tournament, sampung karwahe ang kanilang dala. Bukod sa sampung representatives, mayroon ding ilang guro at panauhin silang kasama.

"Nakakapagtaka, ano kayang plano ng Zephyr Academy ngayong taon? Ang Dragon Slayer Academy at War Banner Academy ay nagpadala ng dalawampung karwahe bawat isa. Ilang tao ang kasya sa bawat isang karwaheng dala ng Zephyr Academy?" Tanong ng binatilyo na nagkakamot ng kaniyang ulo. 

Isang buwan ang inaabot ng Spirit Battle Tournament. Bukod sa sampung representatives, mayroon din silang kasamang mga guro na gumagabay sa kanila. Kaya naman, kahit sampu lang ang kalahok, ang bilang ng taong pinapadala ng bawat academy ay higit pa sa sampu ang bilang.

Kapag mas mataas ang reputasyon ng academy, mas maraming bilang ng tao ang kanilang dala. Katulad na lang sa War Banner Academy, ang kanilang kumboy ay hindi lang naglalaman ng mga taga-academy, kundi may dala rin ang mga representative na alalay bawat isa na pagsisilbihan sila sa buong durasyon ng kompetisyon.

Idagdag pang ang antas ng pagmamagandang-loob ng Yan Country ay mas maganda base sa lakas ng academy. Para sa isang academy na katulad ng Zephyr Academy na nabibilang sa top three academy, inaasahan ng Yan Country na mayroon itong dalang pitumpu hanggang walumpung personnel.

Ngunit para sa taon na ito, limang karwahe lang ang dala ng Zephyr Academy, at bawat karwahe ay apat lang ang magkakasya. Kung bibilangin lahat ay nasa dalawampu lang iyon.

Bumulalas ang isa pang binatilyong katabi nito: "Hindi mo alam ang nangyari sa Zephyr Academy?"

"Bakit? Anong nangyari?" Tanong ng binatilyo.

Sumagot naman ang kasamahan nito: "Mukhang hindi mo nga alam! Isang unos ang dinanas ng Zephyr Academy noong nakaraang taon at wala kang nabalitaan?!"

Umiling ang binatilyo at napuno ng kuryosidad ang mukha nito: "Anong nangyari sa kanila?"

"Nakakagulat na pangyayari ang sumapit sa Zephyr Academy. Ang Vice Headmaster ay pinatay ang Headmaster na si Fan Qi at ang posisyon ng Headmaster ngayon ay napunta sa anak ni Fan Qi na si Fan Jin."

"Ano?! Si Fan Jin? Naalala kong kasali siya sa Spirit Battle Tournament noon. Kahit hindi siya napabilang sa top ten rank, nakakuha pa rin siya ng mataas na rank. Pero...ilang taon na ba siya? Para siya ay maging isang Headmaster ng Zephyr Academy, hindi ba't parang hindi nila gaanong pinag-iisipan iyon?!" Tanong ng binatilyo na nanlalaki ang mga mata dahil sa gulat. Hindi ito makapaniwala sa kaniyang narinig.

Kahit na mahusay at may angking galing si Fan Jin, ang edad nito ay hindi nalalayo sa mga disipulo. Lahat ng Headmaster ng iba't-ibang academy ay matatanda na at lubos na nirerespeto. Kaya naman kahit pa doblehin ang edad ni Fan Jin ay hindi pa rin ito nararapat na maging kandidato bilang Headmaster!

"Kung hindi siya, sino? Pinatay ng Vice Headmaster ang Headmaster. Ang Zephyr Academy ngayon ay hindi na kasing-lakas tulad ng dati. Matapos umuwi ng mga disipulo at guro para sa isang buwang bakasyon, kaunti na lang ang bumalik."

avataravatar
Next chapter