750 Yan Country (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Laging abala ang Imperial Capital ng Yan Country sa simula ng taon dahil dito ginaganap ang Grand Spirit Tournament. Ang mga mahuhusay na disipulo galing sa iba't-ibang academy ay magtutunggali sa nasabing Tournament!

Taon-taoon ang top ten sa Spirit Battle Tournament ay may naaabot na bagong tugatog sa kanilang buhay. Sila ay nagkakaroon ng kasikatan at posisyon na hinahangad ng karamihan.

Ang Yan Country ay sinisiguradong magiging komportable ang mga disipulo dito upang mailabas ang kanilang husay sa Grand Spirit Battle Tournament.

Bilang pinakamatayog na bansa, at bilang host ng tournament, nagkakaroon ng advantage ang Yan Country na unang makapili sa mga nanalo sa Spirit Battle Tournament. Halos kalahati ng nanalo ay napupunta sa Yan Country taon-taon. Hindi man gaanong matured ang kapangyarihan ng mga kabataang iyon, ngunit sila ay nagtataglay na ng pambihirang kakayahan. Hindi lang sa mga nanalo sila pumipili maging sa mga hindi rin pinalad ngunit nagtataglay ng kakaibang lakas. 

Masasabing sikat at malaki ang pakinabang ng Spirit Battle Tournament sa buong mundo. Ang iba't-ibang pwersa ay magkakaroon ng pagkakataong makakuha ng panibagong mga disipulo habang ang mga academy naman ay magiging sikat at magkakaroon ng mataas na reputasyon kung ang kanilang mga disipulo ay nagpamalas ng namumukod-tanging husay at lakas sa tournament.

Sampu lang ang maaaring makilahok bawat academy sa Spirit Battle Tournament. Ang sampung iyon ay paniguradong sumailalim sa masusing pagpili upang makasali sa tournament na ito dahil hindi lang nila nirerepresenta ang kanilang mga sarili kundi ang buong reputasyon mismo ng academy.

Ang nangungunang tatlong academy ay ang Zephyr Academy, War Banner Academy at Dragon Slayers Academy. Malaki ang atensyong nakukuha ng tatlong nasabing academy taon-taon. Ang top ten sa Spirit Battle Tournament ay madalas na nagmumula sa representatives ng tatlo. Sa mga nakalipas na taon, marami na ang na-recruit ng Yan Country galing sa tatlong academy na iyon, lahat ng mga iyon ay naging mas malakas at makapangyarihan na nang kanilang lisanin ang academy na kanilang pinagmulan!

Kahit na may halos isang-daang academy ang sumasali sa Spirit Battle Tournaments, tanging ang tatlong nasabing academy lang ang nagpapamalas ng namumukod-tanging galing. Kahit na hindi na naghahangad ang ibang academy na makabilang sa top ten, hindi pa rin sila nagpapigil na ipakita ang kanilang potensyal.

Isang buwan ang tinatagal ng Spirit Battle Tournament at sa loob ng panahong iyon, ang tirahan at pagkain ng mga representatives ay sagot ng Yan Country. Isang linggo bago magsimula ang Spirit Battle Tournament, nagkakaroon ng kumboy ng iba't-ibang academy sa Yan Country's Imperial Capital.

Mayroong banner na naglalarawan ng emblem ng Zephyr Academy ang kanilang karwahe. Agad naman silang binibigyang daan ng mga sundalong nakabantay sa gate. Limang karwahe lang ang mayroon sila kumpara sa iba na halos doble sa bilang ng kanilang karwahe!

avataravatar
Next chapter