webnovel

Wu Yao (4)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi na sinubukan na magsalita ni Little Jue at tumingin na lamang kay Jun Wu Yao at halos

maiiyak na siya.

Marami pang magical artifacts sa libingan ng Dark Emperor na hindi kayang bilangin ng isang

tao sa bawat uri na naroon.

Hindi lamang si Little Jue ang iniisip ni Jun Wu Xie na mapagaling, may dalawang tao pa na

kaniyang inaalala sa kaniyang puso.

Ang isa ay si Jun Gu, ang kaniyang ama, na ang katawan ay napanatili ng isang kalahati ng Soul

Calming Jade.

At ang isa ay si Yan Bu Gui sa Phoenix Academy, ang kaniyang Master.

Wala siyang paraan upang mabuhay muli si Jun Gu at pag-asa niya ay si Jun Wu Yao na

makahanap ng magical artifacts para doon. Samantalang mas madali na lamang niya

malulutas ang problema para kay Yan Bu Gui.

Bago siya pumunta sa pangunahing palatial hall, napansin ni Jun Wu Xie sa likod ng mga

pintuan na kanilang nadaanan ang sapat na halamang gamot na iningatan at itinago. Marami

sa halamang gamot ay ngayon lang niya nakita at ang ilan ay kinilala niya bilang mamahalin at

mapag-imbot na uri na kasama sa kailangan ni Yan Bu Gui.

Hindi siya nagkaroon ng panahon upang maingat na tingnan ang mga ito kanina dahil sila ay

naghahanap pa rin ng magical artifacts, ngunit ngayon ay malaya na niyang masusuri ang mga

ito.

Si Jun Wu Xie ay lumabas na sa pangunahing bulwagan. Si Jun Wu Yao ay sumulyap kina Ye

Sha at Ye Mei at agad na hinablot ng dalawang kalalakihan ang mga braso ni Ye Gu at

nagmamadali patungo kay Jun Wu Xie.

"Young Miss! Saan ka pupunta?" Magalang na tanong ni Ye Sha.

"Maghahanap ng halamang gamot." Sagot ni Jun Wu Xie habang tinangay ang sulyap kay Ye

Gu na hawak nina Ye Sha at Ye Mei. Ang kaniyang katawan ay parang nasa labindalawang

taong gulang at si Ye Sha at Ye Gu ay parehong matangkad. Dahil sa hawak ito ng dalawang

lalaki, hindi sumayad sa sahig ang paa ani Ye Gu sa buong paglalakbay.

"Ehem. Sasamahan ka na namin. Napakalaki ng lugar na ito, mas madali para sa Young Miss na

hanapin ang mga bagay na nais niya kung isasama natin ang lalaking ito." Si Ye Mei ay

nagsalita nang naaayon.

Si Jun Wu Xie ay saglit na tumingin sa tatlo bago siya tumango.

Nang sila ay naglalakad palabas sa palatial hall, nagtanong si Ye Mei kung anong uri ng mga

halamang gamot ang hinahanap ni Jun Wu Xie at lihim na tinanong si Ye Gu upang ituro ang

lokasyon at mas mapadali ang paghahanap ni Jun Wu Xie.

Ang tatlo at Si Jun Wu Xie ay nasa labas na ng palatial hall at nakatayo sa pasilyo. Biglang

huminto si Jun Wu Xie nang mapansin niya ang atensiyon na ibinibigay sa kaniya nina Ye Sha

at Ye Mei.

Biglang rin huminto si Ye Sha at Ye Mei, hindi nila alam kung ano ang nais gawin ni Jun Wu Xie.

Si Jun Wu Xie ay lumingon at tumingin sa tatlo habang nagsalita sa mahinang boses: "Ibaba

niyo siya."

"Ha?" nagulat si Ye Mei at batid niyang si Ye Gu ang tinutukoy ni Jun Wu Xie.

Sa halip ay seryoso at mahinahon na sinabi ni Ye Sha: "Young Miss, itong lalaking ito ay may

nagtataglay ng malakas na kapangyarihan at kapag hindi niya tuparin ang kaniyang mga salita

pagkatapos namin siyang pakawalan, ako ay natatakot na…"

Si Jun Wu Xie ay agad na nagbigay ng malamig na titig kay Ye Sha at agad nitong itinikom ni Ye

Sha ang bibig.

"Kung talagang hindi niya tutuparin ang kaniyang mga salita , hindi niyo rin naman siya kayang

pigilan." Sinabi ni Jun Wu Xie.

Agad na bumadya ang matinding gulat sa mukha ni Ye Sha at Ye Mei.

[Paano iyon nakita ng Young Miss?]

"Ayos lang ito ngayon. Wala nang ibang tao sa paligid at maaari na ninyong itigil ito. Ibaba

niyo siya para makakilos tayo nang mabilis." Sinabi na lamang ni Jun Wu Xie. Pagpasok dito sa

libingan ng Dark Emperor, nararamdaman niyang paulit ulit na hinahamak ang kaniyang

katalinuhan.

Nagulat sina Ye Sha at Ye Mei sa kaniyang mga sinabi. Bagaman sa kanilang palagay ay may

nalalaman na si Jun Wu Xie tungkol sa pagkatao ni Lord Jue, ngunit hindi nila iyon nasisiguro.

Ngunit sa mga salitang lumalabas sa bibig ni Jun Wu Xie, ang kanilang hula ay agad na

nakumpirma.

[Ang Young Miss ay maliwanag na nalaman na ang totoo!]

"Kayong dalawa! Bakit ninyo ako hinahawakan!? Kung nais ninyong ipagpatuloy na

magmukhang tanga, ipagpatuloy ninyo! Huwag ninyo akong idamay!" Napagtanto ni Ye Gu na

nabuko na ang pag-arteng iyon at agad niyang iniangat ang mga paa upang sipain sa likuran

sina Ye Sha at Ye Mei! Siya ay bumagsak sa lupa na nakatingin kay Jun Wu Xie, ang ekspresyon

sa mukha ay nanlulumo.

Next chapter