103 Walang Kapantay na Gamot (Pangalawang Bahagi)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Tinignan sila ni Jun Wu Xie ng may pagtanong "Tito, Lolo, hindi ba't araw araw niyo ito iniinom?"

"..." Nanlaki ang mga mata ng mag-ama sa gulat.

Si Jun Wu Xie ang naghahanda ng kanilang pangaraw araw na pagkain gamit ang mga damong gamot para makondisyon ang kanilang mga katawan. Hindi kasing hina tulad ng noon ang kanilang mga katawan ngunit sa lahat ng kanilang nararanasang luho, ang mga pagbabago'y masyadong marami na hindi nila napansin ang pagpabuti ng kanilang kalusugan at katawan na nakayanan nila ang pageensayo't ang mga resulta'y sobrang layo at ganda kaysa sa noon.

Nasa kaalaman na ng lahat na sa pagtanda ay hindi na natutuloy ang pag-unlad ng mga daluyan natin ng dugo. Ni minsa'y hindi nila naisip na dahil sa kanilang mga kinakain at iniinom na gamot na mababago ang kaalamang ito, at binigyan silan ng napakagandang resulta sa kanilang araw araw na pageensayo

Sobrang… hindi ito kapanipaniwala.

"Wu Xie, yung mga kinakain namin… talagang...." Walang masabi si Jun Qing. Hindi niya ito napansin pero nang sabihin ito ni Jun Wu Xie, bigla niyang napagtanto na mas malakas at maayos ang kanyang daluyan ng dugo.

Nagsasabi ng totoo si Jun Wu XIe!

"Masyadong marami ang sandatahan ng Rui Lin, kaya ang nakayanan ko lang ibigay ay ang mga gamot." Gusto sanang pakainin din ni Jun Wu Xie ang sandatahan ng pagkaing may gamot. Mas hindi ito magiging malupit sa kanilang katawan pero para libo libo.. hindi nila ito kayang bayaran kahit ibenta pa nila ang buong palasyo ni Lin.

"...." Naramdaman ni Jun Xian ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso.

"Totoo bang kaya gawin ng gamot nito ang mga sinasabi mo?" Tanong ni Jun Qing, ang kanyang mga mata'y umuusok sa tuwa. Hindi karamihan ang mga bagay na nakakapagpatuwa sa mag ama ng ganito.

Tumango si Jun Wu Xie.

Nagkatinginan si Jun Xian at Jun Qing ng may pagaalala.

"Wu Xie, ang panginoon mo ba ang nagturo sayo nito?" Tanong ni Jun Xian ng matigas.

"Opo."

"May pambihirang kaalaman ang guro mo sa mga gamot, lahat ng mga narinig mo na at mga bago sa iyong kaalaman, at ang pamilya ng Jun tunay ay malaki ang utang na loob sa kanya. Pero kung ang balitang ito man ay kumalat, magkakaroon ng gulo. Maaring makayanan ng palasyo ng Lin ang kaharian ng Qi, pero pag nakalampas pa ang balita, hindi pwedeng walang gawin ang ibang kaharian." Di karaniwan na maging istrikto si Jun Xian. Ang kakayahan at kaalaman ni Jun Wu Xie ay parehong biyaya at sumpa.

Nakuha ng Qing Yun Clan ang kanilang reputasyon sa kaharian, di dahil sa lakas, ngunit dahil sa gamot. Nasakanila ang pinakamagagaling ng mga manggagamot. Kahit ang mga pinakamalalakas ay tila may paggalang sa Qing Yun Clan, para sa kanilang angkin galing sa pag-gamot.

Yung mga nagagawa ni Wu Xie ay humigit pa sa kakayahan ng Qing Yun Clan. Tulad na lang ng gamot pangmuog na ito, na nagpapaunlad sa daluyan ng dugo ng matatanda, tila'y hindi pa kahit kailan naririnig ito.

Ang tanging kaalaman lang tungkol sa daluyan ng dugo ay natiigl ang pagunlad nito pagtanda at wala silang mapagpipilian kungdi ang magensayo ng mabagal sa kanilang pagtanda.

Pag nalaman na may ganitong klaseng gamot, na nagpapaunlad sa daluyan ng dugo ng mga matatanda, mayayanig talaga ang mundo!

Kapag tumagas ang balitang ito, and mga lupa'y magbabago. Maaaring malakas ang palasyo ng Lin sa loob ng kaharian ng Qi, pero kapag nakakuha ito ng attensyon ng ibang mga kaharian at kapangyarihan, kahit ang palasyo'y maaring hindi maging sapat para protektahan si Jun Wu Xie.

avataravatar
Next chapter