852 Walang Kapantay na Doktor (8)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Mas lalo pang nagsalubong ang kilay ni Jiang Ying Long. Bilang isa sa mga naatasang guro ng War Banner Academy para sa Spirit Battle Tournament, alam niyang kapag may mangyaring masama kay Qu Ling Yue sa kompetisyon, wala siyang maisasagot sa mga tao ng Thousand Beast City. Binitawan ni Jiang Ying Long ang kamay ni Jun Wu Xie at inabot ang bote ng elixir kay Imperial Physician Li.

"Buhay ni Qu Ling Yue ang nakasalalay dito. Hangga't may pag-asa ay hindi ako bibitaw. Kailangan kong hingin ang tulong ni Imperial Physician Li upang suriin ito at alamin kung ano ang laman ng elixir."

Umirap si Imperial Physician Li kay Jun Wu Xie. Agad niyang inabot ang bote ng elixir at binuksan ito. Inamoy-amoy niya ang lamang ng bote.

Sa pag-amoy pa lang ng elixir ay nagdulot iyon ng sensasyon at banayad na pakiramdam.

Inabot naman ni Imperial Physician Li ang bote sa grupo ng mga duktor para sila naman ang sumuri.

"Kumusta?" Tanong ni Jiang Ying Long.

Sumulyap si Imperial Physician Li kay Jun Wu Xie at tumawa ng pagak.

"Ang laman niyan ay isa lamang Heart Coagulating Elixir. Wala nga naman talagang masama sa elixir na iyan, ngunit hindi mailap ang Heart Coagulating Elixir, para lang iyang bitamina. Bata, talagang malakas ang loob mong ang elixir na tulad nito ay makakatulong sa pinsalang natamo ni Miss Qu? Nagpapatawa ka ba? Makikita mo kahit saan ang elixir na iyan, kung makakatulong iyan para sa kalagayan ni Miss Qu, bakit pa kami naririto?"

Sumang-ayon naman ang mga duktor sa sinabing iyon ni Imperial Physician Li. Kahit na wala naman silang nakitang mali sa dala ni Jun Wu Xie na Heart Coagulating Elixir, wala iyong talab sa kalagayan ni Qu Ling Yue. Para lang iyong isang baso ng tubig na ibinuhos sa isang bahay na nasusunog.

"Nagtatanong ako, kung ibibigay ang elixir na ito kay Miss Qu, lalala ba ang sitwasyon niya?" Inignora ni Jun Wu Xie ang pamimilosopo ni Imperial Physician Li.

Sabay-sabay na umiling ang mga duktor.

"Hindi delikado na ipainom kay Miss Qu ang Heart Coagulating Elixir, pero...hindi naman iyon makakatulong sa kaniya. Para lang iyong mga herbal concoction na ipinainom namin sa kaniya." Saad ng isang matandang duktor.

Tumango naman si Jun Wu Xie.

"Dahil hindi naman pala delikado, bakit hindi natin subukan? Hindi naman natin malalaman kung epektibo ba o hindi kung hindi natin susubukan, 'di ba?"

"Tungkol diyan..." Tumigil magsalita ang matandang duktor at tumingin ay Imperial Physician Li.

Kinuha ni Imperial Physician Li ang Heart Coagulating Elixir at ibinato kay Jun Wu XIe. "Maganda na mayroong sariling pag-iisip ang mga batang katulad mo. Pero kapag ang mga ideyang iyon ay lumalayo na sa katotohanan, nagiging isang pantasya na lang ito. Kahit na may kaunting benepisyo ang elixir na iyan kay Miss Qu, napakaliit lang ng tsansa na makatulong iyon sa sitwasyon ni Miss Qu."

"Kahit pa napakaliit ng tsansang iyon, bakit hindi natin subukan para malaman?" Malamig na tinitigan ito ni Jun Wu Xie. Humarap siya kay Jiang Ying Long.

"Teacher Jiang, malinaw mong narinig ang mga sinabi ng duktor. Kung susubukan ba natin ito o hindi, nasa'yo ang desisyon."

Nagdadalawang isip si Jiang Ying Long. Hanggang sa wakas ay tumango ito.

"Kahit pa kaunti ang benepisyo ng Heart Coagulating Elixir, makakatulong pa rin iyon. Kailangan ko ring magpasya. Papayagan kong subukan iyon ni Miss Jun ng isang beses. Kung hindi magpapakita ng pagbuti sa kalagayan ni Miss Qu kahit kaunti ang gagawin ni Miss Jun, hihilingin kong huwag na sanang mag-abala pa ang Crown Prince at si Miss Jun."

avataravatar
Next chapter