851 Walang Kapantay na Doktor (7)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Hmp! Ang palayok na ginamit para sa herbal concoction na ibinigay namin kay Miss Qu ay nariyan lang sa tabi. Kahit sinong may alam sa Medisina at pamilyar sa amoy ng mga halamang-gamot ay madaling matutukoy iyon. Higit sa lahat, marami ang napaparito kaya hindi imposibleng makaabot sa iba ang kalagayan ni Miss Qu." Humalakhak ng masama si Imperial Physician Li. Kahit saan niya pa tignan, walang sinuman ang makakagawa ng ginawa ni Jun Wu Xie nang hindi nandadaya. 

Hindi naman naapektuhan si Jun Wu Xie kay Imperial Physician Li. Humarap siya sa katawan ni Qu Ling Yue na nakaratay sa higaan.

Maya-maya ay yumuko siya at inabot ang leeg ni Qu Ling Yue.

Si Jiang Ying na nakatayo sa gilid ay nagulat sa ginawa ni Jun Wu Xie at sumigaw: "Anong ginagawa mo kay Qu Ling YUe?"

Ngunit para namang walang narinig si Jun Wu Xie at nagpatuloy. Mabilis na dumantay ang kaniyang kamay sa leeg Qu Ling Yue. Mabilis na tumusok sa leeg ni Qu Ling Yue ang hindi mapansing karayom na hawak ni Jun Wu Xie. Agad din iyong nahugot ni Jun Wu Xie.

Mabilis ang kilos ni Jun Wu Xie at walang nakapansin ng kaniyang ginawa.

Agad nilapitan ni Jiang Ying Long si Jun Wu Xie at hinila ito sa kamay.

"Kahit pa ikaw aay personal na dinala dito ng Mahal na Prinsipe, sa kondisyon ngayon ni Qu Ling Yue, hindi siya dapat basta-basta ginagalaw. Kung may mangyayari ba sa kaniya, papanagutan mo ba?" Magkasalubong ang kilay na saad ni Jiang Ying Long.

Nag-angat ng tingin si Jun Wu Xie at sinalubong ang galit na titig ni Jiang Ying Long.

Lihim na natatakot si Lei Chen para kay Jun Wu Xie. Base sa agresibong pananalita sa kaniya ni Imperial Physician Li, sigurado siyang nag-utos na ang Emperor dito na huwag siyang hahayaang makisali. 

"Ohh? Gusto kitang tanungin bilang guro ng War Banner Academy. Para kumontra ka sakin na magsagawa ng panggagamot kay Miss Qu, hindi ka ba natatakot na baka pinapalagpas mo ang oportunidad na iligtas siya? Kung may mangyaring masama kay Miss Qu, tingin ko ay hindi ka papalampasin ng mga taga-Thousand Beast City." Saad ni Jun Wu Xie sa kalmadong tono. Ang kaniyang mga titig ay nanatiling malamig.

Nanigas naman ang ekspresyon sa mukha ni Jiang Ying Long.

Nagsalita naman si Imperial Physician Li: "Anong mali sa pag-aalala ni Teacher Jiang para sa kaniyang mga disipulo? Kung kaya mo talagang gamutin si Miss Qu, para mo na ring sinasabi na kaming mga duktor na naririto ay isang malaking biro. Ang karanasan namin sa Medisina ay mababahiran lang ng isang batang tulad mo?"

Sumagot naman agad si Jun Wu XIe: "Dahil lahat kayong naririto ay senior at talaga nga namang mahusay sa Medisina, kung ang isang katulad kong junior ay may gagawing mali, hindi ba't agad niyong matutukoy iyon? Saktong mayroon akong dalang elixir dito at makakatulong ito kay Miss Qu. Kung hindi kayo nagtitiwala sakin, pwede niyong suriing mabuti ang elixir. Kung tingin niyo ay mayroong mali sa elixir ko, handa ako sa anumang kaparusahan." Inilabas ni Jun Wu Xie ang porcelain bottle at ibinato iyon kay Jiang Ying Long.

Nasalo naman iyon ni Jiang Ying Long. Hindi siya makapaniwalang sa murang edad ni Jun Wu Xie ay mahusay na ito sa Medisina.

avataravatar
Next chapter