850 Walang Kapantay na Doktor (6)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"May konklusyon man o wala, wala kang karapatang kwestiyunin kami." Sagot ni Imperial Physician Li. Matigas ang bitaw nito sa bawat salita. "Kamahalan, hindi laro ang kalagayan ni Miss Qu. Sa hirap ng pinagdadaanan ng mga duktor dito, pakiusap 'wag na sana kayong dumagdag pa."

Mas lalong dumilim ang anyo ni Lei Chen dahil sa kaniyang narinig. Ngunit hindi siya pwedeng sumabog dito.

Nagpatuloy naman sa pagsasalita si Jun Wu Xie: "Kung sa tingin ninyo ay wala akong kredibilidad dahil sa edad ko, baka pwede niyong sabihin sa akin kung ano ang naging konklusyon ninyo at hayaan ang isang junior na matuto sa inyo." Bahagyang tumaas ang baba ni Jun Wu Xie. "O baka naman, pinag-aralan niyo na buong gabi ngunit wala pa rin kayong konklusyon?"

"Ano bang alam ng isang batang katulad mo!? Tingin mo talaga may karapatan kang magsalita dito?" Magaspang na sagot ni Imperial Physician Li.

"Oh? Dahil ayaw niyo namang magsisalita, bakit hindi na lang ako ang magsalita? Kapag mayroon akong sinabing mali, sitahin niyo ako." Saad ni Jun Wu Xie. Dahan-dahan itong naglakad at tinignan isa-isa ang mga nasa silid.

"Ang natamong pinsala ni Miss Qu ay sa heart meridian, base sa mga sintomas, ang kaniyang heart meridian ay posibleng ginamitan ng spirit power. Kaya naman abnormal ang daloy ng dugo nito dahilan na din para maging iregular ang tibok ng kaniyang puso. Naapektuhan din ang ibang parte ng meridian dahil hindi makontrol ang daloy ng spirit energy sa kaniyang katawan. Dahil dito, mas lumalala ang kaniyang kalagayan." Marahan at madiin ang bawat bitaw ni Jun Wu Xie sa kaniyang salita. Ang inis sa mukha ng mga duktor ay napalitan ng pagkasurpresa. Nagpatuloy magsalita si Jun Wu Xie:

"Base sa kalagayan ni Miss Qu, dapat ay gumamit kayo ng Heart Origin Meridian Elixir para protektahan ang kaniyang heart Meridian. Dinagdagan ng ginseng, wolf poria, roasted licorice at thistle daisy bilang supplement. Pagkatapos ay gumamit din dapat kayo ng angelica, foxglove, white peony at lovage para mag-normal ang kaniyang dugo. Nararapat lang ang epekto ng mga halamang-gamot na ito sa kalagayan ni Miss Qu. Tama ba ako?" Tanong ni Jun Wu Xie saka tinitigan si Imperial Physician Li.

Matapos mailahad ni Jun Wu Xie ang kaniyang diagnosis, napuno ng bulong-bulungan ang silid. Ang mga mata ng mga mga duktor ay gulat na nakatitig kay Jun Wu Xie.

[Kakapasok lang ng batang iyan sa silid na ito at saglit niyang tiningnan ang pulso ni Qu Ling Yue. Ngunit natukoy niya na lahat tungkol sa kondisyon ni Qu Ling Yue. Nakapagrekomenda pa siya ng elixir at ng halamang-gamot na ginamit nila!]

[Hindi ako makapaniwala!]

Nandilim ang itsura ng mukha ni Imperial Physician Li. Hindi niya akalaing makakapagbigay ng tamang diagnosis ang isang batang babae ng ganun kabilis! Maging siyang nasa top rank na Imperial Physician ay hindi magagawa iyon. Ang mas nakapagpagulat pa sa kaniya ay nagawa ng babaeng ito na isa-isahin ang mga elixir na ginamit nila kay Qu Ling Yue!

"Paano mo nalaman? O baka naman sinabi na sa'yo ng Kamahalan?" Ngumisi si Imperial Physician Li. Kahit pa patayin siya, hindi siya maniniwalang mas magaling sa kanila si Jun Wu Xie.

Diretsong tumingin si Jun Wu Xie kay Imperial Physician Li at sinabing: "Tingin mo alam ng Kamahalan? Sinasabi mo mo bang isa sa inyo ang nagsabi nito sa Crown Prince?"

Natahimik ang lahat sa sinabing iyon ni Jun Wu Xie.

Silang lahat ay natanggap ang Imperial Order na magparito at iligtas ang buhay ni Qu Ling Yue. Hindi pa sila lumalabas sa gusaling ito simula nang sila ay dumating. Paano nila magagawang makausap ang Crown Prince at sabihin iyon sa kaniya?

avataravatar
Next chapter