849 Walang Kapantay na Doktor (5)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Inabot ni Jun Wu Xie ang palapulsuhan ni Qu Ling Yue.

"Anong ginagawa mo?" Pinagmamasdan na ni Jiang Ying Long ang kilos ni Jun Wu Xie simula nang makapasok sila sa silid. Nang mapansin niyang lumalapit si Jun Wu Xie kay Qu Ling Yue ay naghinala na siya. At nuncang abutin ni Jun Wu Xie ang kamay ni Qu Ling Yue ay sinita niya ito.

Napalingon ang lahat kay Jun Wu Xie dahil sa malakas na sigaw ni Jiang Ying Long.

"Ang binibining ito ay si?" Naguguluhang tanong ng Imperial Physician kay Lei Chen.

Sumagot naman si Lei Chen: "Siya nga pala ang Young Miss ng Lin Palace sa Qi Kingdom. Saktong napadaan siya dito sa Yan Country at narinig kong may talento siya sa Medisina. Naisip ko ang kondisyon ni Qu Ling Yue kaya naman inimbitahan ko siyang suriin si Qu Ling Yue." Nang sabihin iyon ni Lei Chen ay nakakuyom na ang mga palad nitong nakatago sa manggas ng kaniyang damit.

"Inimbitahan? Seryoso ba ang Kamahalan?" Naguguluhan ang mga duktor habang nakatingin kay Lei Chen pagkatapos ay kay Jun Wu Xie. Para silang matatawa sa sinabi nito.

Wala silang pakialam sa pinanggalingan ni Jun Wu Xie. Isipin na lang na ang isang babaeng halos nasa labing-limang taong gulang pa lang ay malalakas loob na humarap sa grupo ng mga dalubhasang duktor. Nagbibiro ba ito!?

Sa oras na 'yon ay nagdilim ang mukha ng mga duktor.

"Kung sa tingin ngg Kamahalan ay hindi kami nagtatrabaho ng mabuti dito, pwede niyo namang sabihin. Kailangan pa bang magdala ng bata dito? Napag-aralan na naming lahat ang sitwasyon ni Miss Qu at hanggang ngayon ay wala pa rin kaming naiisip na gamot. Tapos heto ang Kamahalan at magdadala ng isang batang babae dito, para niyo naman kaming sinampal?" Naiinis na sabi ng pinakamatandang duktor sa grupo.

Tiningnan ito ni Lei Chen at humahalakhak siya sa kaniyang loob. Ang lalaking ito ay ang personal na Imperial Physician ng kaniyang Ama. Hindi niya inaasahang ipapadala ng kaniyang Ama ang lalaking ito dito. Iba ang posisyon ng lalaking ito sa lahat ng mga Imperial Physician. Maging sa harap ni Lei Chen, ay iba rin ito makitungo.

"Bakit niyo naman nasabi yan Imperial Physician Li? Tumutulong lang naman ako." Sagot ni Lei Chen

Nagpatuloy pa si Imperial Physician Li: "Sinasabi mo bang masyado na kaming matanda at lumalabo na ang mga mata namin? Ilang taon na ang batang babaeng ito? Mayroon na ba siyang kaalaman sa Medisina? Paano mo naiisip na ang isang batang babae ay makakatulong sa paggamot kay Miss Qu? Para mo na ring sinasabi na kaming mga duktor na narito ay mga walang silbi at hindi magkakapantay sa isang labing-limang taong gulang na dalagita?"

Tumango naman ang mga duktor bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Imperial Physician Li. 

Mas lalo pang nandilim anng mukha ni Lei Chen. Sigurado siyang nakatanggap na ng tagubilin itong si Imperial Physician Li galing sa kaniyang Ama kaya naman ganito na lang ito kung makapagsalita sa kaniya.

"Si Miss Qu ay ang young Miss ng Thousand Beast City, kung may mangyaring masama sa kaniya, walang makakapagpaliwanag sa Chieftain ng Thousang Beast City. Kapag sila ay nakarating dito, sasabihin ba naming ang Crown Prince ng Yan Country ay nagdala ng isang ignoranteng batang babae para gamutin ang kanilang Young Miss? Kamahalan, kapag may makakarinig nito ay siguradong matatawa!" Agresibo na si Imperial Physician Li sa kaniyang pananalita. Hindi ito naniniwalang mayroong alam si Jun Wu Xie sa Medesina. Sa edad nito, anong alam nito?

Nagtiim-bagang si Lei Chen dahil sa inis. Magsasalita na sana siya nang maunahan siya ni Jun Wu Xie: "Matapos ng ilang pagsusuri sa kondisyon ni Miss Qu, ano ang naging konklusyon ninyo?"

Nalipat ang lahat ng atensyon kay Jun Wu Xie dahil sa tanong niyang iyon.

avataravatar
Next chapter