webnovel

Walang Kapantay na Doktor (3)

Editor: LiberReverieGroup

Ang inn na tinutuluyan ng War Banner Academy ay laging puno nitong nakaraang mga araw. Dahil sa pinsalang natamo ni Qu Ling Yue, nagpadala ang Emperor ng Yan Country ng mga sikat na duktor ng Imperial Capital para gamutin ito. Pero kahit na dalawampu na ang duktor na nakatutok dito, hindi pa rin nila mapagaling si Qu Ling Yue. 

Sa loob ng inn, nakakunot ang noo ni Fu Xuan habang pinapanuod ang grupo ng matatandang nakatayo sa labas ng silid ni Qu Ling Yue. Seryosong nag-uusap ang mga ito kung paano gagamutin si Qu Ling Yue.

"Senior Fu...Malalagpasan ito ni Ling Yue, 'di ba?" Tanong ng isang gwapong binatilyo habang nag-aalalang nakatingin sa pinto ng silid ni Qu Ling Yue.

"Hindi ko alam." Napailing si Fu Xuan.

Huminga ng malalalim ang binatilyo at galit na sinabing: "Dahil ito sa Jun Xie na iyon na taga Zephyr Academy! Alam ng lahat na sa Spirit Battle Tournament, tatalunin mo lang ang iyong kalaban, bakit kailangan nniyanng sumobra?! Ano ngayon kung green spirit siya? May karapatan na ba siyang hindi sumunod? Kapag may nangyari kay Qu Ling Yue, hindi ko siya papatawarin!" Nagbabaga sa galit ang mga mata ng binatilyo.

Nanigas ang mukha ni Fu Xuan at sumagot: "Ang paggaling ng Qu Ling Yue ang sagot sa lahat. Huwag ka munang mag-isip ng iba."

Nagtiim-bagang ang binatilyo at ikinuyom ang palad.

Tumingin sa labas si Fu Xuan. Matagal na siyang malapit kay Lei Chen at alam niyang napalapit na rin si Lei Chen sa mga taga-Zephyr Academy lalo na kay Jun Xie. Alam ni Fu Xian na dahil sa insidenteng nangyari kay Qu Ling Yue, ang buong War Banner Academy ay nabuhayan ng galit sa Zephyr Academy. Hindi ngayon ang unang beses na narinig niya ang ganoong banta galing sa isang taga-War Banner Academy.

"Kailangang makaisip agad ang Kamahalan ng paraan, kung hindi ang batang kinaluluguran mo ay magdudusa." Bulong sa sarili ni Fu Xuan. Sa kaniyang pagtingin sa bintana, nakita niya ang karwahe na galing sa Crown Prince's Residence, huminto ito sa tapat ng inn kaya naman agad siyang bumaba.

Kasama ni Lei Chen si Jun Wu Xie na pumunta sa inn na tinutuluyan ng mga tag-War Banner Academy. Naninigas ang kaniyang mga paa sa bawat hakbang niya. Kinakabahan siya at ilang beses siyang sumulyap kay Jun Wu Xie na nasa kaniyang tabi. Kahit pa dala ni Jun Wu Xie ang pangalan ng Lin Palace, hindi niya maintindihan ang kaniyang nararamdaman.

Hindi siya makapaniwalang ang isang babaeng nasa murang edad ay may malalim nang kaalaman sa Medisina.

"Kamahalan, naparito ka." Kakababa lang ni Fu Xuan sa hagdan nang kaniyang masalubong ng tingin si Jun Wu Xie na nakatayo sa tabi ni Lei Chen. Nanigas ang ngiti sa kaniyang mga labi.

"Mmm. Kamusta ang kalagayan ni Qu Ling Yue?" Hindi napansin ni Lei Chen ang reaksyon ni Fu Xuan.

Inayos ni Fu Xuan ang kaniyang sarili at nagsalita: "Wala pa ring pagbabago sa sitwasyon ni Junior Qu."

Tumango si Lei Chen at kinausap si Jun Wu Xie: "Gusto mo bang tingnan muna ang kondisyon ni Qu Ling Yue?"

"Sige." Sagot ni Jun Wu Xie.

"Sige, sumunod ka sakin." Huminga muna ng malalim si Lei Chen saka nagpatiunang lumakad. Nandito na sila, hindi na siya pwedeng umatras!

Dinala ni Lei Chen si Jun Wu Xie sa ikalawang palapag habang si Fu Xuan ay nakasunod din sa kanila. Lihim na tinitignan ni Fu Xuan si Jun Wu Xie simula ulo hanggan paa. Para itong may hinahanap kay Jun Wu Xie.

Nang sila ay makarating sa ikalawang palapag, nakasalubong nila Lei Chen ang binatilyong kausap ni Fu Xuan kanina. May sasabihin sana ito ngunit nang makita nito si Jun Wu Xie sa tabi ni Lei Chen ay lumuwa ang mga mata nito.