854 Walang Kapantay na Doktor (10)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Kumusta ang kalagayan ni Qu Ling Yue?" Tanong ni Jiang Ying Long.

Namumutla ang labi ni Imperial Physician Li. Nanatili iyong tikom at walang intensyong magsalita.

Isa sa mga duktor ang nagsalita: "Ang pinsalang natamo ni Miss Qu...base sa pulso nito, tuluyan na nga itong gumaling. Kaya lang ito tulog pa dahil sa dami ng dugong nawala dito..."

"Ano?" Nanlaki ang mga mata ni Jiang Ying Long. Hindi ito makapaniwala sa kaniyang narinig.

"Magaling na ang mga pinsalang natamo ni Qu Ling Yue? At ang tanging problema na lang ngayon ay ang dami ng dugong nawala dito?"

"Hindi pa rin makapaniwala ang itsura ng duktor. "Tama. Nang magpunta kami rito kanina ay abnormal ang pulso ni Miss Qu. Ngunit ngayon tuluyan na nga itong naging normal. Sa ilang dekada ng aming karanasan sa medisina, ngayon lang ito nangyari."

Ang isang taong nasa bingit ng kamatayan kanina ay normal na ngayon. Kung ikukwento ito sa ibang tao, hindi ito madaling paniwalaan.

Natahimik ng ilang sandali si Jiang Ying Long bago maalala si Jun Wu Xie. Agad itong lumapit kay Jun Wu Xie at nagtanong: "Miss Jun, dahil ba iyon sa Heart Coagulation Elixir?"

Marahang tumango si Jun Wu Xie.

"Pangkaraniwan lang ang Heart Coagulation Elixir. Paanong napagaling agad nito si Miss Qu?" Agad sinabi ng mga duktor ang kanilang agam-agam.

"Napakaimposible. Paanong pagkatapos lang painumin ni Miss Jun ng elixir si Miss Qu ay agad na itong gumaling?"

Natalo ang mga duktor. Ngunit hindi pa rin sila makakuha ng sagot. Ngayon lang nila nasaksihan ang ganitong pangyayari.

Lihim na inobserbahan ni Imperial Physician Li si Jun Wu Xie pagkatapos ay sumulyap naman kay Lei Chen na ngayon ay nakangiti. Nagtagis ang kaniyang mga bagang sa inis at sinabing: "Hindi paa tayo sigurado kung dahil nga talaga iyon sa Heart Coagulation Elixir. Marami na tayong ipinainom kay Miss Qu. Maaaring nagkataon na ngayon lang tumalab ang mga iyon."

Agad n a naglaho ang ngiti sa mukha ni Lei Chen dahil sa sinabing iyon ni Imperial Physician Li.

Hindi naman naapektuhan si Jun Wu Xie sa sinabing iyon ni Imperial Physician Li. Bagkus ay humarap ito kay Jiang Ying Long at sinabing: "Kailangan pa ring bantayang mabuti si Miss Qu. Tingin ko ay magagawa na iyon ng mga duktor na naririto. Kailangan ko nang umalis."

Matapos sabihin iyon ay agad na tumalikod si Jun Wu Xie at umalis.

Gusto sanang hilingin ni Jiang Ying Long na manatili pa ng ilang sandali si Jun Wu Xie ngunit mabilis ang lakad ni Jun Wu Xie. Hindi na siya nabigyan ng tsansang magsalita.

Agad namang sumunod si Lei Chen. Nang sa wakas ay makalabas na sila sa inn at nakasakay na sa karwaheng pag-aari ng Crown Prince Residence, nailabas na ni Lei Chen ang kaniyang saloobin. "Miss Ju, inaamin kong masyado kitang minaliit noong una. Hindi ko akalaing ganon ka pala kagaling talaga. Kung napakitaan kita ng hindi maganda noong una, humihingi ako ng tawad."

"Sa totoo lang ay pinutok mo ang malalaking ulo ng mga duktor na naroon. Bago ako umalis ay nakita ko ang itsura ni Jiang Ying Long na parang gusto ka pang magtagal doon. Nakakatuwa ding panoorin ang itsura ni Imperial Physician LI.

"Hindi pa tayo dapat magsaya." Saad ni Jun Wu Xie habang nakatingin sa labas ng bintana.

"Anong ibig mong sabihin." Nabigla naman si Lei Chen.

Ngunit walang enerhiya si Jun Wu Xie na magsalita pa.

avataravatar
Next chapter