845 Walang Kapantay na Doktor (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nang itapon sa kulungan si Jun Wu Xie, nagpunta ng palasyo si Lei Chen ngunit wala ring nangyari. Agad siyang Pinauwi ng Emperor matapos ng ilang palitan ng salita. Hindi man lang nito ito pinayagang magpunta sa kulungan.

"Kamahalan, narito ang mga disipulo ng Zephyr Academy." 

Nagulat si Lei Chen at agad na sumagot: "Papasukin mo sila." Mabilisan nitong inayos ang sarili.

May kasama si Qiao na isang taong nakabalot sa itim na balabal. Nagtataka itong sinuri ni Lei Chen saka bumaling kay Qiao Chu: "Young Master Qiao, naparito ka ba dahil sa pangyayari kay Jun Xie?"

Nagkamot ng ulo si Qiao Chu: "Parang ganun na nga."

Mapait na ngumiti si Lei Chen: "Wala akong kakayahan. Gusto kong kausapin ang aking Ama tungkol doon pero hindi niya ako binigyan ng pagkakataon. Sa halip ay binantaan akong 'wag makisali. Nakaabot na sa mga taga-Thousand Beast City ang nangyari kay Qu Ling Yue at sila pupunta dito sa lalong madaling panahon."

Mas lalong nalugmok si Lei Chen. Isa si Qu Ling Yue na gusto niyang kunin ang loob ngunit hindi niya iyon pinagtuunan ng pansin. Sinong mag-aakalang mangyayari ito sa babae at maging si Jun Wu Xie ay nadamay. Kinabahan siya sa isiping pinagbawalan siya ng Emperor na makisali. Kaya heto siya at walang magawa.

"Kumusta si Qu Ling Yue?" Sumulyap si Qiao Chu sa taong nasa kaniyang tabi.

Nagpakawala si Lei Chen ng marahas na buntong-hininga. "Hindi mabuti. Ang Imperial Physicians ay ginamot na siya buong magdamag ngunit hindi iyon gaanong nakatulong. Binisita ko siya kahapon at malubha nga ang sitwasyon niya. Ang mga duktor ay walang magawa kundi ang bigyan siya ng life extending elixir. Pero alam naman nating lahat na pansamantala lang ang magagawa non. 

Kung magpapatuloy 'to...baka hindi niya kayanin. Kung may mangyari sa kaniya, hindi makakaligtas si Jun Xie sa mga taga Thousand Beast City! Natatakot akong wala akong magagawa kung mangyari 'yon."

Tumango si Qiao Chu at muling tumingin sa kaniyang tabi bago nagsalita: "Kung pinsalang natamo sa katawan, mayroon ako ditong magaling na duktor. Mairerekomenda ko siya sa'yo, Kamahalan."

"Talaga?" Nagningning ang mga mata ni Lei Chen.

Tumango naman si Qiao Chu at tinuro ang kaniyang nasa tabi: "Kaya ako naparito. Para dalhin siya sa'yo."

Agad na lumipat ang tingin ni Lei Chen sa taong katabi ni Qiao Chu. Nang tanggalin nito ang balabal ay isang napakagandang binibini ang nasalubong ng kaniyang mga mata. Halos nakalimutan ni Lei Chen na huminga. Malakas itong Napasinghap at hindi mapuknat ang tingin sa babae.

Bilang Crown Prince ng Yan Country, marami na siyang nakasalamuhang magagandang binibini. Ngunit ang lahat ng iyon ay hindi kasing-ganda ng nasa harapan niya ngayon. Ang mga matang iyon ay parang ang pinakamagandang nilikha ng kalangitan.

Buong akala ni Lei Chen na si Fu Xuan na ang pinakamagandang dalaga na nakita niya. Kung ipagkukumpara ito sa babaeng nasa kaniyang harapan ngayon, di hamak na mas maganda ito.

"Siya ay si..." Bumakas ang kaba sa boses ni Lei Chen nang magsalita ito.

Lihim na pinanuod ni Jun Wu Xie ang gulat na ekspresyon sa mukha ni Lei Chen.

"Ang babaeng ito ay ang Young Miss, Jun Wu Xie ng Lin Palace, galing sa Qi Kingdom." Pagpapakilala ni Qiao Chu. Maging ito ay nabighani sa tunay na itsura ni Jun Wu Xie. Hindi niya maiwasang mapatitig dito.

avataravatar
Next chapter