649 Walang Gumugulo sa Aking Pasyente (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Bigla silang napaligiran ng maraming Beast Spirits, at hindi na sila makatuloy sa daanang kanilang tinatahak. 

"ROAR! !" Nagbanta ang itim na halimaw gamit ang kanyang malakas na ungol. Ang ibang mga beast spirit ay sumugod patungo sa itim na halimaw.

Nakipaglaban na ang itim na halimaw sa maraming beast spirits.

"Dali! Takbo! Bakit di pa kayo tumatakbo?!" Nakahabol na ang mga umaatake sakanila, ang kanilang bilang ay umaabot sa sampu. Lahat sila'y matitikas na lalaki at nang makita nila na natatalo ang itim na halimaw sa kanilang mga beast spirits, sila'y napangiti sa tuwa.

"Natalo na natin ang ring spirit ng lalaking ito. Ang itim na halimaw na yan ay hindi kanya. Hindi natin alam kung saan nanggaling ito, at mukhang may iba siyang kasama. Ligpitin niyo na siya para di na madagdagan pa ang mga problema natin." Sabi ng kanilang lider, habang pinapanood ang paglaban ng mga beast spirits nila sa mabangis na itim na halimaw.

Napapaligiran na ang itim na halimaw ng maraming beast spirits. Kaya sanang makatakas nito sa kanyang angking bilis, pero napabagal ito ng sugatang si Mu Qian Fan na nasa likod niya. Maliban sa paglaban sa mga atake ng beast spirits, sinisiguro niya parin ang kaligtasan ng nasa likod niya.

"Roar!" Hindi niya pinansin ang atake sa kanyang harap nang ito'y tumayo sa kanyang hulihang mga paa at hinampas ang kanyang paw ng malakas, at tinamaan ang ulo ng isang beast spirit.

Isang malakas na dagundong ang umalingawngaw sa paligid.

Napalipad ang beast spirit at bumangga sa isang puno. Sa lakas ng pwersa, tumabingi ang puno at ito'y nabali.

Sa panahong napalipad ng itim na halimaw ang isang beast spirit, hindi niya naprotektahan ang kanyang sarili at siya'y nakalmot at natanggalan ng laman sa may tiyan ng isang maliit na beast spirit na nakalusot sa gulong naganap.

Kahit sa isang katawang ispirito, matapos dumanas ng ganong klaseng atake, ay makakaramdam ng matinding paghihirap.

Ito'y gumulong para makaalis sa pagkakapalibot ng kalaban, sabay tayo at hinihingal, ang katawa'y kumikibot sa sakit na nararamdaman niya sa kanyang tiyan.

Kung wala si Mu Qian Fan sa likod nito, isa isa na niyang nilamon ang mga bwiset na tampalasan ng buo.

Maraming malalamig na makinang na kislap ang tumungo sa kanila at isa isang iniwasan ng itim na halim ang mga panang tumama sa lupa kung saan sila nakatayo kanina.

Ang isang namamana'y nakahanda nang pumana at nakatutuok sa itim na halimaw, isang walang awang ngiti ang nasa mga labi niya.

"Kawawang halimaw, gusto pa sana kitang paglaruan pero nagbigay ng utos ang aming lider na kailangan mamatay ng lalaking nasa likod mo." Sabi ng namamana

Walang ibang hiling ang itim na halimaw kunghindi ang paghimay nito sa namamana sa maliliit na hiwa, pero ang ibang mga beast spirit ay muli silang napalibutan at umaatake sa bawat direksyon. Onti onti nang nanghihina ang itim na halimaw dahil sa maraming sugat na natatmo nito. Hindi na siya makaalis pa sa suliranin na ito.

"Iwan mo na ako.." Nagmakaawang sabi ni Mu Qian Fan, ang kanyang puso'y nananakit na sa inabot ng itim na halimaw para sakanya. Alam nyang hindi siya makakatagal sa lagay niya, at kapag ito'y nagpatuloy pa, madadamay pa ang itim na halimaw na ito.

Ang benepaktor niya'y nagligtas na ng kanyang buhay, hindi niya pwedeng hayaang magtamo pa ng mas maraming sugat ang ring spirit ng kanyang benepaktor.

Napatumba uli ng itim na halimaw ang isang pang beast spirit na umatake sakanya. Hindi ito nagpakita ng kahit anong senyas ng pagbitaw kay Mu Qian Fan.

Habang pinanonood ng mga lalaki ang paglubog ng itim na halimaw sa kanilang bitag ng kamatayan, isang malakas na roar ang halos magbiyak ng lupa.

Lahat ng dahon ng mga punong nakapaligid sakanila'y malakas na pumagaspas nang umalingawngaw ang nakakabinging atungol.

Nanigas ang mga beast spirit na nakapaligid sa walang magawang itim na halimaw. Sila'y nanginig sa takot, at ang kanilang mga buntot ay bumaliktot sa kanilang mga katawan, ang kanilang mga mata'y punong puno ng sindak.

avataravatar
Next chapter