webnovel

Wais na Daga (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Biglang nadiskubre ni Jun Wu Xie ang isang kahina-hinalang lugar.

"Wu Yao, tignan mo 'to." Saad ni Jun Wu Xie at itinuro ang isang lugar sa mapa.

Tinignan naman ni Jun Wu Yao ang lugar na tinuro ni Jun Wu Xie at bahagyang napaangat ang kaniyang kilay.

Ang lugar na namarkahan ni Jun Wu Xie ay hindi nakatuon sa isang partikular na area at hiwa-hiwalay pa iyon. Kung hindi magiging maingat ang tumingin doon ay wala siyang mapapansing mali. Ngunit sa isang turo lang ni Jun Wu Xie, lahat ng marka sa mapa ay nagkaroon ng saysay.

Kalat-kalat ang marka sa mapa pero kung titignan iyong maigi bumubuo iyon ng bilog. Bilog na nakapaikot sa isang partikular na lugar.

At sa gitna nga ng bilog na iyon, ay isang lungsod na walang gaanong nakakaalam. Ang lungsod na iyon ay isang maliit na bansa na tinatawag na Fan Country. Hindi sila malakas at halos hindi ito napapansin sa Lower Realm. Hindi ito malakas, hindi rin gaanong malaki. Ngunit dahil sa malapit ito sa minahan, masasabing may kaya ang bansang ito.

Maingat na nai-record ni Qu Ling Yue ang detalye ng mga lugar kung saan unang nakita ang mga Poison Men. Malinaw ang pagkakamarka niya sa mga lugar na iyon. At nang makita ni Jun Wu Xie ang mga scroll kung saan nailahad ni Qu Ling Yue ang mga detalyeng iyon, nakita niyang watak-watak ang Poison Men at tila walang partikular na direksyon. Ngunit mayroong isang lugar ang nangibabaw. Ang mga lugar kung saan unang umatake ang mga Poison Men ay maliliit na bansa na hindi kayang lumaban hanggang kumalat na sa Lower Realm.

Isa rin sa inatake ng Poison Men ang Fan Country ngunit ang nakakapagtaka dito ay hindi sa borders unang inatake ang Fan Country kundi sa isang liblib na lungsod sa loob ng bansa.

Gayong inatake rin ang mismong Fan Country, hindi iyon kasing-lala tulad ng sa ibang mga bansa. 

"Mga wais na daga." Malamig na saad ni Jun Wu Yao habang nakangisi.

Ang naunang siyudad na inatake ng Poison Men ay malapit sa border ng Fan Country maging sa mga sumunod pang mga lungsod na kanilang nilusob ay malapit din doon.

At sa lahat ng lungsod sa Fan Country, mayroong nag-iisang lungsod ang hindi man lang inatake ng Poison Men kahit isang beses.

Paanong nalaktawan nila ang lungsod na iyon gayong malaki ito? 

"Kung hindi ako nagkakamali, magkakaroon tayo ng magandang resulta sa oras na natunton natin ang lungsod na iyon." Sagot naman ni Jun Wu Xie. Kahit gaano pa ka-wais ang isang daga, mahuhuli at mahuhuli nila ang buntot noon.

"Gusto mong magpunta doon, Little Xie?" Natatawang tanong ni Jun Wu Yao.

"Malamang." Sagot ni Jun Wu Xie.

Ngumiti si Jun Wu Yao at sinabing: "Masusunod."

Matapos sabihin iyon ay binuhat na nito si Jun Wu Xie sa kaniyang bisig at agad na lumipad sa ere.

Bigla naman nagbago ang ekspresyon sa mga mukha nina Ye Sha, Ye Mei at Ye Jie nang makitang nagmamadali si Jun Wu Yao sa pag-alis.

Para sa kanilang Lord Jue, madali lang ang lumipad dahil natural na kapangyarihan nito iyon. Ngunit sa kanilang kaya lamang lumipad dahil sa tulong ng magical artifact, bahagya silang mahihirapan lalo pa at marami-rami nang enerhiya ang kanilang nagamit. Hindi nila kayang gayahin ang kanilang Lord Jue na tila "nagbabakasyon" lang!

Tahimik na hinawaka ni Ye Jie ang Spirit Shackle Mask at biglang naging si Ye Gu.

"Kayong dalawang tanga! Manatili lang kayo dito at ako na inyong Great Lord ay kikilos na!" Matapos sabihin iyon ay dinurog ni Ye Gu ang magical artifact na kaniyang hawak at agad na tumalima!

[Lintik! Iniwanan tayo!] Nagmumura sa sobrang inis ang dalawang iniwan.

Next chapter