198 Unseal the Coffin (5)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi nakatakas sa tingin ni Jun Wu Xie ang ekspresyon sa mukha ni Jun Xian. Ayaw nitong galawin ng Qing Yun Clan ang Jun Family

Nanatili naman iyon sa isipan ni Jun Wu Xie. Kahit na alam niyang hindi pa rin alam ng mga ito ang tungkol kay Bai Yun Xian, alam niya ring walang sikreto ang hindi nabubunyag. Darating ang oras na malalaman din nila ito

Pag dumating ang oras na iyon, susugurin sila ng Qing Yun Clan. Sa ganoon kaso naniniwala siya sa kasabihang, 'offence was often the best defense!'

"Sige." Huminga ng malalim si Jun Xian. Hindi niya ito kayang sabihin---ang isuko na lang ang Soul Jade ng basta-basta.

Tumango naman si Jun Wu Xie at kinausap si Long Qi: "Sikreto niyong ibalik ang katawan ng aking ama, at wag kayong magpapakita."

"Ibalik?" Nagulat ang mag-ama sa sinabi ni Jun Wu Xie kaya naman napatingin sila dito at napamulagat ang mga mata.

"Wu Xie 'wag mong sabihin na may alam kang paraan para ang iyong ama ay..." Hindi masisi ang mag-amang Jun kung umaasa pa ang mga ito. Ang katawan ni Jun Gu ay well-preserved at si Jun Wu Xie naman ay nakapagsagawa na ng maraming milagro.

Ang binti ni Jun Qing, ang paggamot sa nalason na si Mo Qian Yuan...

Walang magawa ang mag-ama kundi ang umasa, na may paraan si Jun Wu Xie para buhaying muli si Jun Gu!

"Ako...ay wala pang naiisip na paraan tungkol diyan sa ngayon." Puno ang utak ni Jun Wu Xie ng mga paraan pano ipanumbalik ang buhay ng isang tao na kakamatay lang, ang mga ito ay magsisimula pa lang tumigil ang bahagi ng kanilang katawan. Sa kaso ni Jun Gu, matagal na itong patay at kahit na pinanatili ng Soul Jade ang katawan nito, lumampas na ito sa bilang ng oras na maaari pa itong i-resuscitate.

Namamatay ang tao sa oras na umalis na ang kaluluwa nito sa katawan, kahit na maibabalik niya ang buhay ni Jun Gu, paano naman ang kaluluwa nito?

Kapag wala ang kaluluwa nito, mananatiling preserved lang ang katawan nito.

May isa pang iniisip si Jun Wu Xie.

May kakayahan ang Soul Jade na humigop ng kaluluwa. Nang namatay si Jun Gu, bago lisanin ng kaluluwa nito ang kaniyang katawan, hinigop kaya ng Soul Jade ang kaluluwa nito?

Kung nakakulong talaga ang kaluluwa ni Jun Gu sa Soul Jade, posible ang resurrection dito.

Masyadong malawak ang naipagpalagay niyang ito at hindi na siya nangahas pang sabihin ito kay Jun Xian at Jun Qing.

Bago siya magsabi dito ay gusto muna niyang manigurado dahil ayaw niyang paasahin ang mga ito.

Nanlupaypay ang mag-ama ngunit kung iisipin nga naman nilang maigi, wala pa silang naririnig na patunay na totoo nga an resurrection. Kaya naman tinanggap na lang nila ang reyalidad.

"Hindi natin pwedeng iwan dito ang aking ama. Alam ng Qing Yun Clan na ang kalahati ng Soul Jade ay nasa atin. Magtatanong tanong lamang sila at malalaman na agad nila na inilibing natin ito kasama ng aking ama. Saglit na panahon lang at tutungo na sila dito para maghukay dito." Pagrarason ni Jun Wu Xie.

Hinukay na nila ang kabaong ni Jun Gu, wala na silang dahilan para ilibing ulit ito.

Naintindihan naman ni Jun Xian ang nais ipahiwatig ni Jun Wu Xie, higit sa lahat, matapos niyang makita ang itsura ni Jun Gu ay mas lalo lamang siya ditong sumang-ayon.

Nagsimulang gumalaw ang Rui Lin Army, tahimik ang mga ito sa pagsakay ng kabaong sa karwahe. Sinimulan din ng mga itong ibalik ang mga lupa sa pinaglibingan at pinagmukhang hindi ito nagalaw.

Sumakay na muli si Jun Wu Xie sa likod ng black beast. Kung kaya talaga ng Soul Jade na ibalik ang buhay ni Jun Gu, hindi niya lang itatago ang Soul Jade, bagkus ay hinding hindi niya ito ipagkakatiwala sa kamay ni Mo Qian Yuan at maging sa Qing Yun Clan.

avataravatar
Next chapter