196 Unseal the Coffin (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ito ang unang beses na makita niya ang kaniyang 'ama' at hindi maipaliwanag ang kaniyang nararamdaman.

Kung ang natira dito ay ang mga buto na lang nito, maaaring hindi siya gaanong naapektuhan dahil ito naman talaga ang kanilang inaasahan. Ngunit ang makita ang mukha nitong kamukhang-kamukha ng sa kaniya, hindi madali para kay Jun Wu Xie ang makaramdam ng kakaiba.

"Gusto kong tignan ng as malapit." Sumulyap muna si Jun Wu Xie kay Jun Qing. Wala silang masyadong kaalaman o makabagong teknolohiya para sa pagpreserve ng katawan. Sampung taon na ang nakakalipas nang ito ay ilibing. Sa mga oras na ito dapat ay buto na lang ang natira dito.

Tumabi si Jun Qing para makadaan si Jun Wu Xie. Dahil sa mga nangyari nito lamang, natutunang magtiwala ni Jun Qing kay Jun Wu Xie.

Sinuri ni Jun Wu Xie ang katawan at wala na nga talaga itong pulso at malamig na. Patay na ito pero may napansin si Jun Wu Xie na kakaiba.

Ang laman ni Jun Gu ay malambot pa. Hindi ba dapat matigas na ang katawan nito sa tagal na nitong namatay. Ang kondisyon ng katawan nito ay parang kakamatay lang nito.

Sampung taon, hindi nabulok, hindi man lang nanigas talagang hindi ito kapani-paniwala.

Nalipat ang atensyon ni Jun Wu Xie sa jade na nasa bibig ni Jun Gu. Ito na siguro ang Soul Jade.

Talagang importante ito sa Qing Yun Clan para sila ay pumunta sa ganito kalayong lugar para lang kunin ito. Maaaring may iba pang halaga ito.

Hindi kaya'y, ito ang dahilan kung bakit nanatiling buo ang katawan ni Jun Gu dahil sa Soul Jade?

Inabot ni Jun Wu Xie ang Soul Jade.

Nadama niya ang malamig na jade sa dulo ng kaniyang mga daliri. Bigla siyang may naramdaman na tumusok sa kaniya galing sa daliri papunta sa kaniyang utak.

Nakarinig siya ng pagsabog sa kaniyang ulo, ang kaniyang emosyon at mga naiisip ay parang nagkawatak-watak dahil dito.

Isang malakas na pwersa ang walang humpay na humihila sa kaniyang kaluluwa. Para siyang nabutasan at pilit na hinihigop ang kaniyang kaluluwa!

"MEOW!" nararamdaman din ng black beast ang nararamdaman ni Jun Wu Xie!

Mas lalong lumalakas ang pwersa sa kanilang mga katawan!

"Wu Xie!" Sigaw ni Jun Qing nang makita niyang matumba si Jun Wu Xie dahil sa sobrang sakit na nararamdaman nito. Para bang lahat ng lakas nito ay hinigop sa kaniya.

Agad namang sinalo ito ni Jun Qing at niyakap.

Nang matanggal ang daliri nito sa Soul Jade, ang pwersang nararamdaman nito ay nawala din. Habol ni Jun Wu Xie ang kaniyang hininga. Nanlalaki ang kaniyang mata sa gulat, hindi pa rin siya nakakabawi.

Ang pagkawala ng kontrol sa sarili, at ang pakiramdam na parang hinihigop ang kaniyang buong lakas ay isang pakiramdam na hindi pa niya nararanasan sa tanang buhay niya.

Saglit at magaan na hawak lang anng ginawa niya sa Soul Jade at halos ubusin nito ang kaniyang buong lakas. Pinagpawisan siya ng matindi at nawalan ng kulay ang kaniyang mukha.

Dahil dito ay natakot si Jun Qing at Jun Xian para sa kaniya.

"Wu Xie! Ayos ka lang ba?" kinabahan din si Jun Xian dahil mukha na itong multo sa pamumutla. Naalala niya ang ginawa ni Jun Wu Xie bago ito nangyari sa kaniya. Lumingon siya sa kabaong at tinitigan ang Soul Jade.

Hinawakan ni Wu Xie ang Soul Jade. May kakaibang kapangyarihan ang Soul Jade, 'di kaya?

Bumalik ang tingin ni Jun Xian sa kaniyang namumutlang apo at bumalik ang tingin sa katawan ng kaniyang namatay na anak. Inabot nito ang Soul Jade.

"Lolo! HUWAG!" mahigpit na hinawakan ni Jun Wu Xie ang kaniyang dibdib at sumigaw.

avataravatar
Next chapter