92 Unang Sampal (Pangatlong Bahagi)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Walang naniniwala sa kakayahan ni Jun Wu Xie sa paggawa ng tableta ng Jade Dew, walang pinagkaiba ang gawa nito.

Napaisip si Jun Wu Xie ng nakatingin kay Mo Qian Yuan, kapag tinangging patuunayan ni Bai Yun Xian ang gawa ng tableta, alam niya kung paano ito mapipilit. Dahil sa pamamagitan ni Mo Qian Yuan, nanahimik lang siya.

Dahil sa pagdamay ni Mo Qian Yuan sa pangalan ng Qing Yun dito, napilitan si Bai Yun Xian na patunayan ang gawa ng mga tableta. Sa ilalim ng kanyang kalmadong ekspresyon, ang puso niya'y nag-alab sa galit patungo kay Jun Wu Xie at kay Mo Qian Yuan, dahil wala pang nagkaroon ng lakas ng loob na kausapin siya ng ganoon.

Ngumiti si Bai Yun Xian, at binuksan ang bote.

Sa saglit na pagkakataong inalis ang takip ng bote, kumalat ang isang mabangong halimuyak sa hangin, isang amoy na kilala, katulad ng amoy ng tabletang Jade Dew na nakakalat sa sahig.

Namutla si Bai Yun Xian, nanlaki ang mga mata sa gulat.

"Imposible…" Bilang isang disipulo ng angkan ng Qing Yun, maraming beses nang ginawa ni Bai Yun Xian ang mga tableta at nakatatak na ang amoy nito sa kanyang puso.

Parehas na parehas ang amoy na nanggagaling sa boteng ito?

Napatayo si Mo Xuan Fei sa pagkagulat na kita sa mukha ni Bai Yun Xian.

"Naniniwala ka na ba?" Tinanong ni Jun Wu Xie, nakataas ang mga kilay, dahan-dahang uminom ng kanyang tsaa.

"Hindi pa ako tapos." Sumagot si Bai Yun Xian ng may gigil.

Mga tabletang nagniningning na parang puting esmeralda ang lumabas sa bote papunta sa kanyang kamay, walang pagkakaiba sa mga nakakalat sa sahig. Maiging tinignan ni Bai Yun Xian ang mga tableta, may lamig na pumasok sa kanyang puso.

Malinaw na tabletang Jade Dew ang mga ito!

"Hindi maaari…" Nanginig ang mga labi ni Bai Yun Xian, hindi makapaniwala.

Nakita ni Mo Xuan Fei ang kawalang-paniwala sa mga mata ni Bai Yun Xian at nanliit ang kanyang puso. Napatalon siya at sinabi: "Kahit na parehas ang itsura at amoy ng mga tabletang ginawa niya, hindi totoo ang mga iyan. Huwag kang mag-alala Yun Xian, dahil ang pagtataksil ni Jun Wu Xie at kawalan ng respeto nito sa angkan ng Qing Yun ay hindi makakatakas.

Hindi ko papayagang aminin ni Bai Yun Xian ang gawa ng mga tabletang iyon!

Blangko ang mga mata ni Bai Yun Xian na nakatingin kay Mo Xuan Fei, bago siya malinawan.

Tama, nasa kanya kung sasabihin ba niyang totoo o peke ang mga tableta. Pag sinabi niyang peke ang mga ito, maniniwala ang lahat, kahit na totoo nga.

Nag-ayos si Bai Yun Xian, pinakita ang madalas na malamig niyang pagpapakitang-tao

"Binibining Jun, hindi totoong mga tabletang Jade Dew ng angkan ng Qing Yun ang mga ito."

"Ngayon, alam ko na kung anong klasaeng tao kayong mga disipulong Qing Yun," sinabi ni Jun Wu Xie habang nakatingin ng malamig kay Bai Yun Xian na nahihirapang ipanatili ang kanyang pagkukunwari.

Nanlamig si Bai Yun Xian sa mga mata niya.

"Kung hindi sila totoo, ano sila?" Tinanong ni Jun Wu Xie, medyo nakatango ang ulo, nakatitig kay Bai Yun Xian.

"Mga pampalasa lang sila, hindi nga matatawag na gamot." Sinabi ni Bai Yun Xian.

"Oh?" Tinanong ni Jun Wu Xie at lumiwanag ang kanyang mga mata.

"Binibining Jun, pinipilit na totoo ang mga kopyang ito, ako ang nahihiya para sa'yo." Kampante si Bai Yun Xian na nasa kanyang kamay ang sitwasyon.

Kalmadong nakaupo si Jun Wu Xie habang hinahaplos ang maliit na itim na pusa. Itutuloy sana ni Bai Yun Xian ang kanyang pagkukunwari nang bumulong si Jun Wu Xie: "Nagpadala ako ng isang bote sa mahal na hari."

Napanganga si Bai Yun Xian, nanginginig.

Ano ang sinabi niya?!

"Ngayon, tapos na sigurong tignan ng mga Imperyal na manggagamot ang gawa ng mga ito, at naipadala na ito sa hari." Tinignan ni Jun Wu Xie ang namumutlang mukha ni Bai Yun Xian.

Nanginginig sa gulat si Bai Yun Xian.

Nangitim ang mukha ni Mo Xuan Fei, hindi niya inakalang may tinatagong ganon si Jun Wu Xie!

avataravatar
Next chapter