812 Umatras Upang Makausad (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"At tungkol sa bagay na ito, personal kong pinapaimbestigahan ang bagay na ito kung kaya hinihiling ko little brother Jun na huwag mabahala dahil matatapos agad ang isyung ito. Sisiguraduhin ko na hindi masisira ang pangalan ng Zephyr Academy dahil alam kong nasa kritikal na posisyon ngayon ang Zephyr Academy at hindi ko hahayaang lumala pa ang sitwasyong ito." Mahahalata ang takot sa boses ni Lei Chen habang nagsasalita.

Napansin ni Fan Zhuo lahat ng senyales na si Lei Chen ay nababahala at lihim tiningnan ni Fan Zhuo si Jun Wu Xie. Nalaman nila kagabi na ang mapa ay nasa pangagalaga ng emperador ng Yan Country at para makalapit sila sa emperador, ang natatanging tulay lamang ay si Lei Chen. Ngunit si jun Wu Xie ay piniling sabihin ang mga salitang iyon kay Lei Chen, na kung saan malinaw na gusto nilang putulin ang koneksiyon sa tagapagmanang prinsipe.

Napataas ang kilay ni Fan Zhuo dahil sa magkaibang panig kahapon at ngayon at ang kaniyang mga mata ay saglit na nagpakita ng interes at kumpiyansa sa sunod na naisip na plano ni Jun Wu Xie.

Muling nagpatuloy si Jun Wu Xie, "Matatapos ba ang tungkol sa isyung ito ng ganoon lang?" Habang nagsasalita siya, ang kaniyang mga mata ay tumingin sa kay Lei Chen. Walang pag-aalangan at malamig niyang tinitigan si Lei Chen.

Parang nasasakal si Lei Chen dahil sa mga narinig. Ang pares ng mga mata na iyon ay tila nakita na ang lahat.

"Sa loob ng Imperial Capital ng Yan Country, para makapagkalat ng balita na malaki ang maidudulot na kasiraan sa inyo kamahalan ay maaring galing sa isang tao na may prominenteng katayuan. Tama ba? Kung mayroon nga ang kamahalan ng paraan para resolbahin ito, hindi ka dapat kalmanteng naghihintay dito. Hindi ba talaga alam ng tagapagmanang prinsipe kung sino ang tao sa likod nito? O… sadyang natatakot ka lang na sabihin ito?" marahan ang boses ni Jun Wu Xie ngunit kasing lamig ito ng isang napakalamig na umaga, ang malamig niton turan ay ramdam niya.

Nanlalaki ang mga mata ni Lei Chen habang hindi makapaniwalang tiningnan si Jun Wu Xie, tila sinasabi nitong may alam ito sa mga nangyayari…

Imposible! 

Lahat ng galaw ng taong iyon, maliban ka punong tagapayo at siya, hindi possible na may iba pang makakaalam dito. Gaano katagal nab a na nandito si Jun Wu Xie sa kapitolyo? At hindi pa kailanman nagkakilala ito at si Jun Wu Xie kaya paanong parang may alam si Jun Wu Xie sa bagay na iyon?

"Ano ang pinagsasabi mo little brother Jun? Hindi kita maintinduhan." Alanganing tumawa si Lei Chen, iniwas ang tingin at hindi magawang tingnan sa mata si Jun Wu Xie na parang nakikita nito ang lahat sa kaniyang ga mata.

Hindi pinansin ni Jun Wu Xie ang pag-iwas ng tingin ni Lei Chen sa kaniya. "Kung tungkol ito sa ibang bagay, hindi ko na ako mag-aaksaya ng panahon para magtanong pa sa iyo. Ngunit dahil nadamay ang pangalaan ng Zephyr Academy, ang desisyon ninyo kamahalan ay direktang makakaapekto sa reputasyon ng Zephyr Academy. At hindi ako naniniwala na may magagawa kayo tungkol dito kamahalan."

Mabilis ang tibok ng puso ni Lei Chen. Ang kaniyang mga mata ay nakatutok sa kanto ng mesa nila, habang alaon-alon ng emosyon ang dumaan sa kaniya pagkatapos marinig ang mga sinabi ni Jun Wu Xie.

"Kung gusto talaga ng kamahalan na makipagkaibigan sa amin, hindi niyo na kailangan na itagao pa ito. Kung gusto mong mag-anib puwersa tayo, kailangan linawin ang mga bagay para mabigyan nating ng pansin at matulungan naming kayo." Ang mga binitawang salita ni Jun Wu Xie ay hindi inaasahan.

Nilingon agad ni Lei Chen si Jun Wu Xie at tiningnan ito sa mata, mayroong kakaibang ekspresyon sa kaniyang muka.

"Tutulungan niyo ako?"

Tumaas ang isang kilay ni Jun Wu Xie, "Para sa anong rason sa tingin mo kamahalan kung bakit narito pa rin kami nakaupo sa inyong harapan?"

Ramdam ni Lei Chen ang bawat sekyula ng kaniyang katawan na tila kumukulo. Nilabanan niya na maipakita ang sabik na kaaniyang nararamdaman. "Bakit? Mukhang hindi si little brother Jun gustong tumulong sa akin noong nakaraan, bakit nagbago ang iyong isip?"

Sumagot si Jun Wu Xie, "Nagambala ako sa buong pangyayari. Kung ang kamahalan lang ang ginambala nila, hindi na ako makikialam pa. Ngunit dahil sa idinaamay nila ang pangalan ng Zephyr Academy, hindi naming ito palalagpasi."

Biglang tumayo si Lei Chen, ang kaniyang mga mata ay nag-aalab. Nilingon niya ang pintuan at mga bintina, siniguro niyang nakasara ang mga ito. Nang makasiguro siya, bumalik ang kaniyang tingin sa mga disipulo sa kaniyang harap, inisia-isa niyang tingnan ito na tila may hinahanap…

avataravatar
Next chapter