811 Umatras Upang Makausad (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Umaga na ng sumunod na araw ng magising si Lei Chen. Pagkabangon niya mula sa higaan, tinawag niya ang kaniyang mga tagasilbi upang tulungan siyang maligo at magpalit ng damit na isusuot.

"Nagising na ba si Young Master Jun at ang mga kasamahan nito?" matagal na ng huli ssiyang nalasing kung kaya naman sumasakit pa rin ang kaniyang ulo dahil sa alak.

"Gising na po sila."

Tumango si Lei Chen at inutusan ang mga tagasilbi na imbitahan si Jun Wu Xie at ang kasamahan nito na kumain ng agahan kasabay niya.

Naunang dumating sila Jun Wu Xie sa komedor. Ilang sandal, si Lei Chan naman ang pumasok sa silid at nang makita nito sila Jun Wu Xie, kita sa mukha nito ang kasiyahan.

"Nakatulog ba kayo ng mahimbing kagabi?"

"Oo." Tumango si Jun Wu Xie.

"Mabuti kung ganoon. Medyo matagal na rin nang nagkaroon ako ng panauhin na nagpalipas ng gabi dito sa aking palasyo kaya nag-aalala ako kung hindi maayos ang inyong silid at kung naging kumportable ba ang inyong pagpahinga." Saad ni Lei Chen at bahagyang tumawa.

Lihim na tiningnan ni Qiao Chu si Lei Chen bago tumabi sa kay Hua Yao at nagsalita sa mahinang boses na silang dalawa lamang ang makakrinig, "Kapatid Hua, ano kaya sa tingin mo ang susunod na hakbang ni Little Xie?"

Umiling lamang si Hua Yao bilang sagot.

Ang nangyari noong nakaraang gabi ay nakasira sa lahat ng plano ni Jun Wu Xie. Pagkatapos nilang makabalik sa kanilang silid pahingahan, hindi nila alam kung may naisip ng ibang plano si Jun Wu Xie.

Habang ang iba ay nag-iisip ng kung ano mang susunod na hakbang ni Jun Wu Xie, si Jun Wu Xie ay biglang nagsalita, "Kamahalan, tungkol sa balita na kumakalat simula kahapon sa kapitolyo, ano ang binabalak niyong gawin?"

Nagulat si Lei Chen, hindi niya inaasahan na muling ibabalik ni Jun Wu Xie ang tungkol sa isyung iyon.

Tungkol doon… magpapadala ako ng mga tauhan upang linawin ang bagay na iyon sa kapitolyo. Sisiguraduhin kong hindi na mag-aalala si little brother Jun tungkol doon."

Walang gaanong ekspresyon ang mukha ni Jun Wu Xie nang tumingin it okay Lei Chen at ang kaniyang mga mata ay tiningnan ang mga serbidor na nasa tabi ng silid. "Maari ko bang hilingin na paalisin muna ang mga serbidor? Mayroon lamang akong gustong sabihin sa inyo kamahalan."

Nakita ni Lei Chen ang tingin na ibinigay ni Jun Wu Xie sa mga serbidor at mabilis na naintindihan ang tinutukoy nito, ang kaniyang puso ay tila tumatalon. Dahil iniisip niyang may gustong sabihin sa kaniya si Jun Wu Xie, mabilis niyang inutusan ang mga serbidor na umalis muna at isara ng maigi ang pintuan pagkalabas nila.

"Ano ang gustong sabihin ni little brother Jun sa akin? Maari ka nang magsalita ngayon." Ang mukha ni Lei Chen ay malabot at puno ng ngiti ngunit sa ilalim ng ngito nito ay kaba at takot. Matagal na niyang gustong makuha ang loob ng disipulo ng Zephyr Academy ngunit hindi siya binibigyan ng pansin nito. At kahapon ay bigla na lamang itong nagsabi na bibisita sa kaniyang palasyo ngunit alam niyang ang ipinunta lamang ng mga ito ay dahil sa balitang kumakalat sa kapitolyo. Nag-alala siya na magagalit sila Jun Wu Xie dahil sa balitang iyon ngunit, kung titingnan niya ang mga sumunod na nangyari, mukhang umayon sa kaniyang pabor ito.

Dahil sa nkikitang ngiti sa mga labi ni Lei Chen, dahan dahang nagtanong si Jun Wu Xie, "Nakikilala po ba ng kamahalan ang tao sa likod ng pagkalat ng mga balita?"

Nanigas sa kinakaupuan si Lei Chen. Ang akala niya kaya pinalabas muna ni Jun Wu Xie ang mga serbidor upang makipag-usap sa kaniya ng pag-aanib puwersa sa halip, ang itinatanong ni Jun Wu Xie ay tungkol pa rin sa kumakalat na balita.

Kilalang-kkilala niya kung sino ang may kagagawan noon ngunit hindi niya pwedeng ipagsabi sa iba ang detalye.

"Pinaiimbestigahan ko pa rin ang nangyari at hanggang ngayon ay hindi pa rin matukoy kung sino ang may kagagawan nito."

Bumaba ang tingin ni Jun Wu Xie habang sumimsim ng kaniyang tsa. Dahan-dahan niyang inangat ang kaniyang mga mata sa sinlamig ng lawa tuwing tag-lagas habang nakatuon sa mga mata ni Lei Chen.

"Ang mga balitang iyon ay naapektohan ang pangalan ng Zephyr Academy at upang hindi mahila pababa ang pangalan ng academy, ako at ang aking mga kasamahan ay hindi dapat makitang malapit sa iyo kamahalan."

Ang puso ni Lei Chen ay tila nahulog at malakas na bumagsak sa sahig. Pinuputol na ba ni Jun Wu Xie ang koneksyon sa kaniya?! Nang maisip niya iyon, biglang natakot si Lei Chen. Hindi siya mananalo kung wala ang mga disipulo ng Zephyr Academy.

"Little brothe Jun, sa tingin ko hindi iyan makakatulong. Nagpakita ako ng kagandahang loob sa inyo at puno ng respeto. Bakit mo babaguhin ang iyong mga plano dahil lang sa walang katotohanang balita na ikinalat ng iba?" mabilis na sabi ni Lei Chen.

avataravatar
Next chapter