260 Twelve Peaks (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa pagdating ng Pinakamataas na Puno at mga Tanda, umaapaw ang sabik ng mga binata na nakatayo ng deretso at sinubukang batakin ang kanilang mga katawan para magmukhang matangkad hanggang sa kakayanin ng kanilang maliliit na katawan, ginagawa ang lahat para matuwa ang Pinakamataas na Puno at mga Tanda sa kanila sa pagpapakita nila kung gaano sila ka-"galante" at "kahanga-hanga".

Hindi alam ng mga binatang pumasa sa tatlong pagsusulit, na magsisimula palang ang talagang pagsusulit. Kung ilan sa kanila ang matitira ay wala pang nakakaalam.

Tumayo si Qin Yue sa harap ng mga nasasabik na kabataan, nakataas ang baba, habang sila'y sinusuri na tila grupo ng materyales. Tumango siya sa isang disipulong nakatayo sa tabi at lumapit ito para sabihin ang pamantayan sa huling pagsusuri sa mga kabataan.

"Para makasali sa angkan ng Qing Yun, kailangan ay mayroon kang kakaibang mga abilidad. Hindi tumatanggap ang angkan ng Qing Yun ng sino lamang. Maaaring napasa mo ang naunang tatlong pagsusulit, ngunit hindi ka pa matatawag na kasamahan namin. Ang inyong pagkilos sa susunod na pagsusulit ang magsasabi kung marapat ba kayong sumali sa angkan ng Qing Yun….."

Para mas maintindihan, para sa huling pagsusulit na ito, walang pamantayan. Kailangan lang ng angkan ng Qing Yun ng isang-daang kabataan na ipakita ang kanilang pinakamahusay na kakayanan sa medisina sa harap ng Pinakamataas na Puno at ng mga Tanda.

Maaari itong maging pagpapagaling, paggawa ng mga elixir at medisina. Basta't namumukod-tangi, matatanggap sila sa angkan ng Qing Yun.

Binaba ni Jun Wu Xie ang kanyang paningin, ang madaling pagsusulit na ito ay nagpadali ng pagpili ng mga Tanda ng mga tamang kandidato.

Ang mga Tanda ng labing-isang tuktok ay may kanya-kanyang espesyalidad sa medisina, at ang kanilang pagpili ay nakabase sa mga kandidatong nakalinya ang mga kakayahan sa kanila.

Malakas si Mu Chen sa pag-alaga at pag-buo ng mga ugat, habang si Ke Cang Ju naman ay sa pagtatanim at cultivation ng mga damong-gamot.

Nagpasya si Jun Wu Xie na pumasok sa Treading Peak ni Mu Chen, at ipapakita ang kanyang kahusayan sa mga ugat.

"Huy, napag-isipan mo na ba kung saang tuktok ka pupunta?" Napansin ni Qiao Chu na tahimik lang si Jun Wu Xie at siniko siya

Sinulyapan siya ni Jun Wu Xie, at medyo sumimangot.

Narinig ng mga kabataan sa paligid nila si Qiao Chu at nagulat. Tinitigan nila si Jun Wu Xie at Qiao Chu mula sa ulo hanggang paa at nakita na pangkaraniwan lang ang suot ni Jun Wu Xie, ngunit si Qiao Chu na nasa tabi niya ay matatawag lang na kaawa-awa. Pwedeng sabihin na hindi pangit si Qiao Chu ngunit ang kanyang luma at tagpi-tagping damit na numipis sa paglalaba ay nagpamukha sa kanya na isang manlilimos.

Naisip nilang lahat na ang kapal ng mukha ng dalawang ito para isipin na makakapili sila ng tuktok na gusto nila kahit na ang pangit ng mga suot nila!

Napansin na ni Qiao Chu ang mga pagtingin sa kanila. Nanliit ang kanyang mga mata at inalog ang kanyang mga kamao sa mga payat na kabataang nakapalibot sa kanila, ngunit mas sinumpa pa siya dahil dito.

"Hayop!"

Hindi na nagpaabala si Qiao Chu sa kanila at tinuloy ang pagtanong kay Jun Wu Xie sa kanyang pipiliin. Medyo nainis si Jun Wu Xie sa kanya at nagbulong: "Cloud Treading Peak."

"Cloud Treading Peak? Bakit gusto mong pumunta sa Cloud Treading Peak?" Nagulat si Qiao Chu. Ang Cloud Treading Peak ang pinakamaliit sa labing-dalawang tuktok at may pinakamababang reputasyon. Kahit ang Tanda niyo ay mahigit dalawampu lang ang edad, ano ang kaya niyang gawin? "Huy, wag na tayong pumunta sa Cloud Treading Peak, bakit hindi nalang sa Hidden Cloud Peak? Sa Hidden Cloud Peak, kailangan lang nating magpalaki ng mga halaman at maging isang hardinero. Hindi ba't nakakapagpahinga sa pandinig? Kahit bilang isang bagong disipulo, wala tayong masyadong gaggawin."

At ang pamantayan para makapasok ay napakababa! Ang huling pahayag na ito, pinili ni Qiao Chu na itago nalang sa kanyang sarili.

"Hindi ako." Sinabi ni Jun Wu Xie.

Pagpahinga sa Hidden Cloud Peak? Ang mga namatay lang ng walang paliwanag ang makakapagpahinga dito.

avataravatar
Next chapter