375 Tubig ng Heaven's Spring (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

TL: Pinalitan ang pangalan ng Heavenly Spring sa Heaven's Spring.

Simula ng sila ay pinaulanan ng kabaitan ni Jun Wu Xie, bumangon ang East Wing galing sa paglulugmok sa kanila. Ang luma at sira-sirang gusali, ngayon ay bago na. Sa bakuran, ang lawa ay mayroong miniature mountains at ang buong gusali ay ginawang marmol...

Kung titignan sa malayo, sa lahat ng gusali sa Phoenix Academy, nangingibabaw ang East Building na parang sunflower na nagniningning.

Ang spiritual power ni Jun Wu Xie ay mabilis na lumalakas sa nakalipas na buwan at malapit na sa orange level peak!

Subalit hindi pa niya magawang makaangat sa susunod na level.

Ang tanging paraan para makatungtong siya sa susunod na level ay sa pamamagitan ng pagsila ng ibang spirit.

Hawak ni Jun Wu Xie ang Spirit Prison na binigay sa kaniya ni Jun Wu Yao habang malalim na nag-iisip.

Kailangan niyang lumakas pa.

Para lumakas pa ang kaniyang kapangyarihan, at siya ay sisila ng ring spirit ng iba, para na rin siyang pumatay.

Umangat ang isang kilay ni Jun Wu Xie. Hindi siya takot pumatay, ngunit bakit siya papatay ng inosente?

Kumatok si Yan Bu Gui sa pintuan ni Jun Wu Xie. Agad naman siyang tumayo at binuksan iyon.

Sa nakaraang buwan, minsan lang niyang makita si Yan Bu Gui ngunit paminsa-minsan ay tumutungo ito sa gilid ng lawa para tignan ang Snow Lotus.

"Madaling mag-develpo ang plant ring spirits, ngunit mahirap lagpasan ang nasa level barrier para makatungtong sa susunod na level. Nagpapakita ng tanda ng pagtagumpay. Malapit ka na bang magtagumpay patungong susunod na level?" Nang maupo si Yan Bu Gui, seryoso itong nakatingin kay Jun Wu Xie at hindi ito lasing.

Tumango si Jun Wu Xie.

"Para doon, kailangan mong pagtuunan ng pansin ang spirit na iyong sisilain. Kapag mas mataas na ring spirit level ang iyong sisilain, mas mainam iyon para sa iyo." Saad ni Yan Bu Gui bago nito inilabas ang isang bag at ipinatong sa mesa.

"Buksan mo para iyong makita."

Binuksan naman iyon ni Jun Wu Xie at agad na nagningning ang kaniyang mga mata sa sandaling nakita niya iyon.

Maliit na bag lang iyon ngunit kapag binuksan mo iyon malaki ang loob nito!

"Cosmos bag ang tawag diyan galing sa Middle Realm. Anuman ang ilagay mo diyan ay mapapangalagaan at hindi masisira." Ang cosmos bag ang huling bagay na galing sa Middle Realm na nadala ni Yan Bu Gui. Kahit gaano man sila noon naghirap, hindi niya iyon sinangla o binenta sa kadahilanang walang cosmos bag sa Lower Realm. Kapag inilabas niya iyon baka makuha niyon ang atensyon ng mga taga Middle Realm.

Sa loob ng bag ay mayroong wine flask na gawa sa Imperial Jade.

"Ilabas mo ang wine flask."

Sinunod naman iyon ni Jun Wu Xie.

Inilabas naman ni Yan Bu Gui ang isang tasa at inilapit iyon kay Jun Wu Xie at sinabing: "Salinan mo itong tasa."

Sinalinan nga ni Jun Wu Xie ang tasa. Nakita niyang malinaw ang likidongg lumabas sa flask at parang may bitiuing kumikislap dito. Kumalat naman sa kwarto ang aroma niyon.

Ang aromang iyon ay pamilyar kay Jun Wu Xie ngunit hindi niya maalala kung saan niya naamoy iyon.

"Ito ang Heaven's Flask, sa loob niyan ay ang tubig galing sa Heaven's Spring. Hindi iyan nauubos. Hindi niya maibabalik ang nasira mong espiritu, pero mapipigilan nito iyong tuluyang masira. Alam kong napinsala ka ng mga galing sa Palace of the Flame Demons at habang pinapangalagaan ng tubig ng Heaven's Spring ang iyong espiritu, pansamantala rin nitong susupilin ang presensiya ng iyong espiritu. Sapat na ang isang tasa niyan para sa isang buong araw." Saad ni Yan Bu Gui na nakatitig kay Jun Xie. Kakaiba si Jun Xie kila Qiao Chu at mga kasama nito. Hindi ito dapat makulong dito sa maliit at hindi kilala ng Phoenix Academy.

Bumakas sa mukha ni Jun Wu Xie na parang biglang may naalala. Tubig ng Heaven's Spring?

Hindi ba't iyon ay nakasulat sa matandang librong mayroon siya? Ang isang bagay na ginagamit at pinakakailangan para sa cultivation ng Snow Lotus?

Bigla ay naalala niya kung saan niya naamoy ang aroma nito.

"Binuhos mo ang tubig na ito sa lawa?" Tumingala si Jun Wu Xie kay Yan Bu Gui.

Natatawang sumagot naman si Yan Bu Gui: "Wag mong kakalimutan na ang librong ginagamit mo para sa iyong pagsasanay at pagpapalakas ay binigay ko kay Qiao Chu para ibenta."

avataravatar
Next chapter