1012 Treacherous Deceit

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nagulat si Lin Que sa ginawang iyon ni Lin Feng. Agad niya itong tinanong: "Anong nangyari? Kung ano man 'yon, tumayo ka muna at sabihin sakin."

Ngunit patuloy na nakaluhod si Lin Feng at sinabing: "Papa, ang Devious Wyvern...ang Devious Wyvern....ay wala na..."

"Ano?!" Nanlaki ang mga mata ni Lin Que, hindi siya makapaniwala sa kaniyang narinig.

"Anong ibig mong sabihing wala na ang Devious Wyvern? Paano nangyari?"

Malungkot na ikinuwento ni Lin Feng kay Lin Que ang buong pangyayari. Nandilim ang anyo ni Lin Que pagkatapos niyang marinig ang lahat.

"Wala kang silbi!"

Malakas na sinampal ni Lin Que si Lin Feng. Bumakas ang kamay ni Lin Que sa pisngi ni Lin Feng.

Hindi nangahas si Lin Feng na umiyak sa kabila ng sakit. Napahamak na lang siya sa kaniyang pisngi habang nakaluhod.

"Sinong nagbigay sa'yo ng karapatan? Anong karapatan mong dalhin ang Devious Wyvern sa Spirit Beast Arena? Hindi mo ba alam kung sino ang may gusto sa Devious Wyvern? Nasisiraan ka na ba ng bait?! Hindi mo ba kung anong hirap ko para sa Devious Wyvern na 'yon? Kung ilang tao ang nawala sakin para don? Tapos ikaw babalewalain mo ng ganun-ganon na lang?! Sinabi ko na sa taong iyon ang tungkol sa Devious Wyvern. Kalahating buwan na lang at kaarawan na niya. Ipinangako ko nang ibibigay ko sa kaniya ang Devious Wyvern bilang regalo! Ngayon ay ginulo mo ang plano ko! Para mo na kong sinampal!" Galit na galit si Lin Que. Hindi niya magawang magtimpi sa mga oras na ito.

Kung tungkol ito sa ibang bagay ay hindi magiging ganito ang reaksyon niya. Madali lang niyang mapapalitan iyon.

Ngunit inabot siya ng sampung taon para mahanap ang Devious Wyvern na iyon. Para mahuli iyon at madala dito ay ilang buhay ang kaniyang isinakripisyo. Ang unang pumasok noon sa kaniyang isip ay gagamitin niya ang Devious Wyvern para makuha ang loob ng taong iyon. Pagkatapos ngayon, matapos niyang sabihin sa taong iyon ang tungkol sa Devious Wyvern ay malalaman niyang wala na ito!

Paano niya ito aayusin!?

Hindi na mapalagay si Lin Feng dahil sa galit na ipinapakita ng kaniyang Ama. Siya lang ang nag-iisang anak ni Lin Que at madalang lang kung pagalitan siya nito. Kapag may mga mali siyang nagagawa noon, tahimik lang siyang tinutulungan ni Lin Que. Ngunit ngayon, ibang-iba ang sitwasyon kaysa sa nakaraan.

"Papa! Papa! Kailangan mo akong iligtas." Pagmamakaawa ni Ling Feng sa paanan ni Lin Que.

"Hindi ko na uulitin. Pangako. Iligtas mo ako, huli na 'to."

Tumingin si Lin Que sa kaniyang anak. Sana ay pwede niya na lang itong Sampal in ng sampalin hanggang sa mamatay ito. Ngunit wala siyang magawa kundi mapabuntong-hininga na lang.

"Hay! Saan ba ako nagkamali?"

"Sabi mo ang Devious Wyvern ay pinatay ng isang Guardian Grade Spirit Beast? At ang Spirit Beast na iyon ay pag-aari ng batang dinala ni Xiong Ba sa Thousand Beast City hindi ba?" Hindi niya na magawang hayaan ang kaniyang anak na akuin nito lahat. Kaya naman nakabuo siya ng panibagong plano.

Tumango naman si Ling Feng.

"Sigurado ka bang Guardian Grade ang Spirit Beast ng batang iyon?" Tanong muli ni Lin Que.

Mabilis na sumagot si Lin Feng: "Siguradong sigurado po! Hindi lang ako ang nakakita! Lahat ng nasa Spirit Beast Arena ay nakita din iyon! Ang Spirit Beast na iyon ay nasisiguro kong Guardian Grade. Kung hindi...paano niya natalo ang Devious Wyvern? Hindi ko alam iyon noong una, ang buong akala ko ay isa lang iyong low grade Spirit Beast. Hindi ko akalaing maitatago ng Jun Xie na iyon ang kaniyang Spirit Beast at nauto ako." Pg-uumiyak ni Lin Feng.

avataravatar
Next chapter