232 Torture (4)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Halos sobrang hina ng bulong nito ngunit uminit ito sa tenga nya ng makita ang pustura ni Nun Wu Xie na nakatayo sa main hall.

'Wu Xie?'

'Kung tama ang pagkakatanda nya, ito ang pinakamatandang babae sa pamilya ng Jun na nagngangalang Jun Wu Xie.'

'Ngunit nagpadala sila ng tao sa Lin Palace, bakit nandito si Jun Wu Xie?'

Ngunit, napansin ni Qin Yu Yan ang napakagandang lalke sa likod ni Jun Wu Yao. Mas lalo syang napangiti at hindi nya maalis ang tingin nya dito.

'Napakagwapong lalake!'

"Tuturuan ko yang bibig mong magsalita ng maayos! Pero kung hinahangad mo ay kamatayan, masaya akong tutuparin ito." Walang pakialam si Jiang Chen Qing kung sino at ano ang itsura nito. Nasta ang alam nya kung sino ang kumalaban sa Qing Yun Clan ay nararapat na mamatay!

Tinungo agad ni Jiang Chen Qing si Jun Wu Xie nang hindi nya binigyan ng pansin ang Drunk Lotus. Maliban sa tatlong tao at beast na biglang sumulpot, tila tanging ang black beast lang haharap sa maliit na laban nito. Bata pa ang tatlong tao, ang pinakamatanda dito ay nasa higit bente na ang edad ngunit di lalagpas ng trenta. Kahit gaano pa ito kaaya aya ang mga ito tingnan, wala pa ring babagay sa kanya!

Ngunit bago pa man hawakan ni Jian Chen Qing ang dulo ng salawal ni Jun Wu Xie ay biglang may dugong tumambad sa kanyang mga mata.

Ang napakagwapong binata ay nagbitaw ng isang napakalakas na suntok sa mukha ni Jiang Chen Qing at iniangat nya agad ang kanyang braso para maging depenssa sa suntok, ngunit bumanat ang Drunk Lotus sa kanyang mga braso na syang lakas na pati buong katawan nya ay sumabay sa sakit.

Sa isang iglap lang ay nakita nyang sugatan ang kanyang braso at tumtulo na ang dugo pababa. Kita rin dito ang laman ng kanyang braso.

Tiningnan ni Jian Chen Qing ang Drunk Lotus, nanginginig ang kanyang labi at sa isip nya ay gulat na gulat sya.

Sya bilang blue spirit user ay nagawang baliin ng isang binata sa pamamagitan lamang ng isang suntok? Kung ikikwento nya ito ay walang maniniwala dito!

Sa pag atake ng Drunk Lotus at di lamang si Jiang Chen Qing ang nagulat kundi lahat ng tao sa hall lalo na ang mga Qing Yun Clan!

Alam nila ang taglay na kakahayan ni Jiang Chen Qing. Kahit nasuntok ang mukha nito ng binata, imposibleng magpatalo si Jiang Chen Qing dahil sa isang atake.

Iniangat ng Drunk Lotus ang kanyang kamao patungo sa dibdib at gumawa ng tunog habang nakasara ang mga kamay nito. May dugo sa kanyang mga kamao. Maaring napaka arogante nya ngunit may isang pagkakapareho ang mga contractual spirits. Iyon ay ang protektahan ang kanilang mga masters. Ang matandang ito ay sinubukang saktan si Jun Wu Xie? Baka nahihibang na sya sa tanda nya at pagod nang mabuhay!

"At sino ka naman?" Tanong nito habang hawak nya ang kanyang duguang braso at nakatingin sya sa Drunk Lotus. Hindi sya makapaniwala na ang ang binata ay nagtataglay ng ganoong lakas.

"Hindi mo na kailangan malaman." Ani ng Drunk Lotus na makatawang may halong pag iinsulto.

Nasaksihan ito ni Qin Yu Yan mula sa trono matapos nyang titigan ang gwapong binata. Taglay ni Jiang Chen Qing ang lebel ng blue spirit na hindi mapantayng ng ordinaryong tao lamang. Ngunit, bihasa din ito sa lason. Kung hindi man indigo spirit user ang makakalaban nya ay walang sinuman dapat ang makatalo sa kanya.

Ngunit napaka bata pa ng binata, paano nagawa nyang suntukin ang isa sa matandang myembro ng Qing Yun Clan ng ganun kalala?

Gumalaw si Qin Yu Yan sa kanyang kinauupuan at tumayo ito bigla. Ngumiti ito sa nakakairitang hambog na Drunk Lotus at sinabing: " Pinag isipan kong maigi na bakit ang isang tulad mo na kagalang galang ay nagbigay pugay sa aming presensya ngayong araw? Baka nagkakamali ka at may konting di pagkakaunawaan sa Qing Yun Clan? Ang Qing Yun Clan ay nakikipag areglo ng pribado ngayon at taos puso kong hinihingi sa'yo ang rason bakit ka nakialam at ang Qing Yun Clan ay hindi makakalimutan ang ipanakita mong ugali ngayong araw sa amin."

Kahit sino pa man ang binatang iyon, ay walang balak si Qin Yu Yan kalabanin ito. Ginamit nya lang ang pangalan ng clan upang maging krebilidad nya ito na tanggapin ng binata ang kanyang pakiusap. Para kay Mo Qian Yuan at Jun Wu Xie, mag aaksaya sya ng oras para parusahan ang mga ito.

avataravatar
Next chapter