231 Torture (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Tumango si Qin Yu Yan, kuntento sa kanyang nasaksihan. Agad gumilid si Bai Yun Xian nang kanyang matapos ang utos at kanyang parusa. Nagsenyas ulit su Qin Yu Yan sa isa pang disipolo para ipakita ang katawan ni Mo Qian Yuan na walang buhay.

"Mahal na Hari, ang iyong kapatid ay patay na. Kung ayaw mong magaya sa kanya, sabihin mo na ang nais naming malaman." Walang pinagkaiba ang sinabi ni Qin Yu Yan kay Mo Qian Yuan na hindi pa rin nagsasalita hanggang ngayon. Hindi ordinaryong lason ang gamit nya dito. Hindi nito taglay patayin ang isang tao ngunit ang sakit nito sa loob ng katawan ay matindi na mas pipiliin mong mamatay na lang.

Matapos lahat ng pangyayaring iyon ay hindi nagbigay ng kahit na anong inpormasyin si Mo Qian Yuan.

Mas lalong tumindi ang gakit ni Qin Yu Yan.

" Mukhang hindi mo pa naiintindihan ang iyong sitwasyon, mahal na hari." Mahinahong sambit ni Qin Yu Yan habang nagsensyas itobsa isang disipolo na iangat si Mo Qian Yuan. "Mukhang hindi pa sapat ang aming ginawa para magsalita ka. Uncle Jianf, maar ho bang ikaw ang gumawa?"

Naglakad si Jiang Chen Qing patungo kay Mo Qian Yuan at hinawakan nito ang kanang kamay at hinawakang ang hinliliit at maipalabas ang ispiritwal na enerhiya. . .

"ARGHHHHH!!!" Nakakaawang sigaw nito na bumalot sa main hall.

Dinurog ng dinurog ang daliri nito. Nagkalat naman ang dugo sa sahig at ang mga utusan ay mas lalong gumilid mula sa kinatatayuan nila dahil sa pangyayari.

"Sapat na ba ang sakit na yan para sa'yo?" Tumawa ng malakas si Qin Yu Yan na may halong kasamaan sa boses.

Hindi alam ni Mo Qian Yuan ang tindi ng sakit na nararamdaman nya at hindi nya alam na may ikakasakit pa pala ang nararanasan nya.

Kung nakinig lang sya kay Jun Wu Xie... Kung sinunod nya lang ang kagustuhan nito, hindi sana ito mangyayari sa kanya.

"Tama na." Masamang tawa muli galing kay Qin Yun Yan.

Handa si Jian Chen Qing pasakitan pa si Mo Qian Yuan nang biglang may malakas na pwera ang bumukas sa pintuan!

Isang binatang gwapo na duguan ang suot na may nakasakay sa likod nya na black beast!

"ROAAARRR!!!" Sigaw ng black beast na tila galing sa ilalim ng lupa.

Matapos kainin ng black beast ang Golden Lion, nakuha nya ang abilidad nitong sumigaw gaya ng Golden Lion. Ang roar sound nito ay mas mainam kaysa sa kanyang tunong na meows!

"Sino ka!" Binitawan ni Jiang Chen Qing ang kamay ni Mo Qian Yuan at hinarap ang sumagabal sa ginagawa nya at tiningnan nya ang dalawang magkasamang beast at bulaklak.

"Ang tanong na iyan ay dapat manggaling sa akin para sainyong lahat." Malamig na boses na nanggaling sa labas ng pintuan. Ang walang ekspresyong mukha ay nasilayan pagpasok nya sa pintuan matapos sambitin ang nga katagang iyon. Tiningnan nya bawat isa ang nasa loob ng hall. Nasa likod nya si Jun Wu Yao.

"Sino at anong klaseng tao kayo ba pumunta dito sa Qi Kingdom at gawin ang mga kasamaang ito?" Tumungo ang kanyang mata sa katawang nakahandusay ni Mo Qian Yuan sa sahig at nagsalubong ang kanyang kilay at sumimangot sa nakita nya.

Bago mo saktan ang aso, alamin mo kung sino ang amo nito... Gusto nyang matuto ai Mo Qian Yuan sa pangyayaring ito, ngunit di nya inaasahan ang kasamaan na taglay ng Qing Yun Clan na syang sinasamba ng karamihan.

"Wu... Xie..." Mahinang bulong nito, ang mukha nito ay napakaputla sa kahinaan. Nang nakita nya na papasok pa lang si Jun Wu Xie sa pintuan ay nabigyan ng konting pag-asa ang kanyang pasakit na matigil ito.

"Nandito na sya... Sa wakas..."

avataravatar
Next chapter