962 Thousand Beast City (8)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Tumahimik si Qu Ling Yue, paano niyang nakalimutan ang mga alalahanin sa isip ni Qu Wen

Hao?

Napakislot ang puso ni Xiong Ba habang tintingnan ang malungkot na ekspresyon ng mukha ni

Qu Ling Yue. Kalaunan ay sinabi niya kay Qu Wen Hao: "Chieftain, Sinabi ni Young Master Jun

ang tungkol diyan sa amin noon. Bago siya magkaroon ng kumpiyansa na magtagumpay ay

hindi siya gagawa ng anumang pabigla-biglang pagkilos. Si Young Master Jun ay maingat at

isang maselan na tao at ako ay nagsusumamo sa Grand Chieftain na magtiwala kay Young

Master Jun kahit ngayon lang. kung sakaling mayroong hindi magandang mangyari ay aking

aakuin ang mga konsikuwensya. Kung ang taong iyon ay magtanong tungkol sa bagay na iyon,

sasabihin kong ako ang may gawa at walang kahit anong kinalaman ang Young Miss o kahit ang

Thousand Beast City."

Gulat na napatingin si Qu Wen Hao kay Xiong Ba. Kita niya sa mga mata ni Xiong Ba ang

matinding determinasyon na hindi niya pa nakikita kahit kalian.

Kailangan ba nilang sumugal? O magpatuloy na mamuhay sa paghihirap?

Nahaharap ngayon sa isang malaking pagsubok si Qu Wen Hao.

"Sige. Sa ngayon, kailangan ninyong maging maingat. Kung kailangan ni Young Master Jun ng

tulong ay sabihin ninyo sa akin at gagawin ko ang lahat sa ilalim ng aking kapangyarihan na

mangyari ang kaniyang nais." Sa wakas ay nakapagdesisyon na si Qu Wen Hao na sunggaban

ang pagkakataon. Ang kaniyang anak at pinagkakatiwalaang tauhan ay nagpakita na ng

matinding determinasyon, paano siya magpapatuloy na magdala ng karagdagang kahihiyan sa

pangalan ng Thousand Beast City?

Nang makuha ang aprobasyon ni Qu Wen Hao ay biglang nagliwanag ang mukha ni Qu Ling

Yue at Xiong Ba.

Sa Fiery Blaze Clan Hall ay tinapos ni Qing Yu lahat ng kaniyang mga gawain at pagkatapos ay

umakyat sa silid ni Jun Xie at kumatok.

"Kararating mo lamang dito sa Thousand Beast City Young Master Jun, nais mo bang maglibot

sa Thousand Beast City?" nakangiting tanong ni Qing Yu kay Jun Xie.

Tumango si Jun Wu Xie. Bagama't marami na siyang narinig mula kay Xiong Ba at Qu Ling Yue

tungkol sa Thousand Beast City,ngunit may mga bagay na dapat makita ng mga mata upang

mapatunayan kung iyon nga ay totoo.

Lumabas si Jun Wu Xie ng Fiery Blaze Clan Hall kasama si Qing Yu at naglakad sa pangunahing

kalye ng Thousand Beast City.

Si Qing Yu ay naging interesado sa Spirit Beast na nahahawig sa isang munting tupa na karga ni

Jun Xie. Simula ng sila ay lumabas hanggang ngayon ay hindi ito binitawan ni Jun Xie. At bukod

sa munting tupa, sa balikat ni Jun Xie ay mayroong munting itim na pusa na halos sinlaki ng

palad.

Ang mga tao mula sa Thousand Beast City ay pamilyar sa mga Spirit Beasts at mahal nila ang

mga Spirit Beasts. At matapos obserbahan ng ilang sandali ay hindi pa rin matukoy ni Qing Yu

kung anong uri ng Spirit Beast si Lord Meh Meh, ang tanging alam niya ay napakamasunurin

nito at tila naiintindihan nito ang mga iniisip ni Jun Xie, napakaamo at madaling turuan.

"Ikaw ay may natatanging Spirit Beast Young Master Jun. Hindi pa ako kailanman nakakita ng

isang tulad niyan." Saad ni Qing Yu habang nakatingin sa munting Spirit Beast na nakahiga sa

braso ni Jun Xie, tila komportable ito at ang mata ay naningkit. Ang Spirit Beast na iyon ay hindi

gaanong malaki at mukhang hindi iyon mataas na uri ng Spirit Beast, bukod sa mga mata nito

na tila puno ng katalinuhan at kamalayan.

Ang uri ng Spirit Beast ay malalaman sa katapangan at katalinuhan nito at kung mas mataas na

uri ng Spirit Beast ay mas mataas rin ang katalinuhan nito, kung saan ay mas mahusay ang

kanilang reaksyon sa mga bagay-bagay at mas mataas ang kanilang kamalayan at ulirat. Ang

mga tao ng Thousand Beast City ay nakagawian nang magpaamo ng Spirit Beasts simula pa sa

kanilang kabataan at alam nila na sa mababang uti ng Spirti Beasts kahit walang Spirit Tamer

Bracelet ay magagawa pa rin nila itong mapaamo matapos ang ilang taon.

Bukod sa loob ng Thousand Beast City ay wala pang nabalita na sinuman na nakagawang

magpaamo ng isang Spirit Beast. Kaya naman naging matindi ang pag-uusisa ni Qing Yu sa

masunuring si Lord Meh Meh na nasa braso ni Jun Xie.

Tinapunan ng isang tamad na tingin ni Lord Meh Meh si Qing Yu, tila naramdaman nito na ang

mga sinabi niya ay isang insulto.

[Ako ang marangal na si Lord Meh Meh!]

[Nag-iisa lamang sa buong kalupaan! Ang ganyang hangal na tao ay hindi pa nakakakita ng

isang katulad ko! Hmp!]

Ang pandilatan ng isang munting tupa na may pangungutya at pag-aalipusta, si Qing Yu ay

biglang nakaramdam ng paghamangha...

avataravatar
Next chapter