960 Thousand Beast City (6)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ibinigay ni Qu Wen Hao ang buong buhay niya sa Thousand Beast City at lagpas trenta anyos

na siya ng maging anak niya si Qu Ling Yue. At bagamat babae si Qu Ling Yue, ay ibinigay niya

lahat ng atensyon at pagmamahal ng isang ama kay Qu Ling Yue, sa kabila ng kasalukuyang

kalunus-lunos na sitwasyason na kinakaharap ng Thousand Beast City, ay ginagawa pa rin niya

ang lahat upang protektahan ang kaniyang anak.

"Chieftain." Saad ni Xiong Ba habang lumuluhod sa isang tuhod.

Tumango si Qu Wen Hao at sinabi: "Labis kong nagambala ngayon si Chief Xiong."

"Ang Chieftain ay napakabuti. Ang maibalik dito ng ligtas ang Young Miss ay kinalulugod ng

iyong lingkod." Saad ni Xiong Ba.

"Halika, maupo ka." Dinala ni Qu Wen Hao si Qu Ling Yue sa isang sulok upang maupo, balisang

sinipat ang kaniyang anak pataas at pababa. Nang makita niya ang mamula-mulang pisngi ni

Qu Ling Yue hindi tulad ng kaniyang nabalitaan ng nakaraan kung saan labis na pinsala ang

tinamo nito sa Fire Country, ang kaniyang puso ay napuno ng galak at ginhawa, ngunit hindi

maiwasan na magkaroon ng mga tanong sa kaniyang isipan.

"Ling Yue, ikaw ba ay lubusan na ngang gumaling sa iyong mga pinsala?"

Sinulyapan ni Qu Ling Yue si Xiong ba bago sinabi sa ama ang lahat ng mga nangyari sa Fire

Country.

Isang pagtataka ang bumalatay sa mukha ni Qu Wen Hao matapos marinig ang lahat. Hindi

niya naisip na ang lubhang pinsala na tinamo ni Qu Ling Yue ay lihim na ginawa ng Emperor ng

Fire Country sa ilalim ng isang kasunduan! Nang marinig na ang kaniyang anak ay nagdanas ng

paghihirap dahil lamang sa pansariling kagustuhan ng Emperor ng Fire Country, si Qu Wen Hao

ay talagang nagalit. Mabuti na lamang at agad na sinabi ni Qu Ling Yue na nagkaroon ng

pagbabago sa pamahaalan ng Fire Country at ang galit ni Qu Wen Hao ay napalitan ng gulat na

pagsinghap.

"Totoo ba lahat ng iyan?" nanlaki ang mata na napatitig si Qu Wen Hao, hindi makapaniwala.

Sa mga salita ni Qu Ling Yue, kaniyang napagtanto na ang namumuno sa Fire Country ay iba

na. ang Emperor ay pinilit na bumitiw, habang ang ulo ng Empress, Prime Minister at Fourth

Prince ay kahiya-hiyang ipinakita sa publiko sa paglagay ng mga ito sa tarangkahan ng siyudad!

Ang Fire Country ang pinakamalaking bansa at hindi pa sila nakakakita ng katapat sa matagal

na panahon. Kaya sino ang mag-aakala na ang magpapabagsak sa kanila sa pagkakataong iyon

ay hindi isang bansa, o isang kapangyarihan, kungdi isang hindi kilalang bata!

"Bawat salita na aking sinabi ay totoo, at iyon ay nsaksihan mismo ng aking mga mata."

Kumpirma ni Qu Ling Yue habang tumatango.

"isang napakatalinong nilalang na nabuhay sa ilalim ng Heavens? Iyan ay talagang nakakagulat.

Ang ganoong uri ng kagalingan at kakaibang antas ng spirit power. Talagang hindi kapani-

paniwala." bilang Grand Chieftain ng Thousand Beast City, si Qu Wen Hao ay halos nakita na

ang lahat sa mundo. Nasaksihan niya ang mga kakaibang pangyayari at pambihirang mga

nilalang sa mundo noon, ngunit hindi pa siya nakakatagpo ng isang bata na hustong

nasasangkapan ng isip at kalamnan.

Isang katorse anyos lamang at nagawa niyang paglaruan sa kaniyang palad ang pinakamalakas

na bansa sa kalupaan? At ang antas ng kaniyang spirit powers ay naabot na ang antas ng green

spirit? Hindi iyon tao! Ang taong iyon ay isang demonyo!

"Si Young Master Jun ay matalino at mabilis mag-isip, at nagtataglay ng kakaibang

kapangyarihan. Siya ang pinakakakaibang nilalang na nakita ng inyong lingkod sa aking tanang

buhay." puri ni Xiong Ba kay Jun Xie. Ang magtaglay ng ganoong talento at hindi mayabang o

mainipin, hindi pabigla-bigla tulad ng ibang mga kabataan, talagang iyon ay hindi

pangkaraniwang makita.

"Ang marinig kayong dalawa na pinupuri siya, ako ay interesadong makita mismo itong Young

Master Jun." natatawang saad ni Qu Wen Hao.

Nagalak si Qu Ling Yue at madali ay kaniyang sinabi: "Kung gayon ang iyong anak ay pareho

ang iniisip tulad ng sa ama. Si Young Master Jun ay kasalukuyang narito sa Thousand Beast City

bilang isang bisita at pinatuloy ni Uncle Xiong sa Fire Blaze Clan Hall."

"Oh? Kung gayon, siguraduhin mo Xiong Ba na maayos ang pagtrato sa ating bisita."

Tumatawang sabi ni Qu Wen Hao.

Nagpalitan ng tingin si Qu Ling Yue at Xiong Ba. Nakita nilang mayroong paghanga si Qu Wen

Hao para kay Jun Xie at matapos maisip ng ilang sandal, lumapit si Qu Ling Yue kay Qu Wen

Hao at may binulong sa tainga nito.

avataravatar
Next chapter