957 Thousand Beast City (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nang sundan ni Jun Xie si Xiong Ba at ang iba pa sa kanilang pagbabalik, pinag-isipan na nilang

mabuti kung ano ang magiging pagkakakilanlan niya upang makapasok sa Thousand Beast

City.

Ang katotohanan na napinsala si Qu Ling Yue sa Fire Country, ay nalaman sa buong Thousand

Beast City. Kaya, si Jun Xie ay magkukunwari na nakapagpagaling kay Qu Ling Yue, at bilang

pasasalamat ni Qu Ling YUe at ng mga kasama, kaya kanilang inimbitahan si Jun Xie na

bumisita sa Thousand Beast City.

"Siya?" tumingin si Ling Feng kay Jun Xie na nakatayo sa tabi ni Qu Ling Yue at ang kaniyang

mga kilay ay magkasalubong. Ang kaniyang sulyap ay tass baba kay Jun Xie, walang bahid ng

respeto sa kaniyang mga mata.

"Ling Yue, ang sinasabi mo ba ay totoo? Ang iyong pinsala ay talagang napagaling ng batang

ito?" hindi makasang-ayon na tumingin si Ling Feng kay Jun Xie, ang boses niya ay puno ng

poot.

Hindi niya talaga makita sa batang iyon na kaya nito iyon gawin.

"Yan ang totoo. Alam din nu Uncle Feng ang tungkol doon." hindi magaling sa pagsisinungaling

si Qu Ling Yue, bakas sa kaniyang mata ang bahagyang pagkaasiwa habang sumasamong

nakatingin kay Feng Yue Yang.

Baligtad sa nararamdamang kaba ni Qu Ling Yue, si Jun Wu Xie ay hindi man lang

makaramdam nang pagkaasiwa. Para sa kaniya, maging "Jun Xie" o Jun Wu Xie, iyon ay iisang

tao lamang.

Napansin ni Feng Yue Yang ang pagkabagabag ni Qu Ling Yue at siya ay napabuntong-hininga.

"Iyon ang nangyari."

Kahit siniguro na iyon ni Feng Yue Yang, pangit pa rin sa paningin ni Lin Feng si Jun Xie, lalo na

nang makita niya ang ngiting iginawad ni Qu LIng Yue sa binata, at iyon ay masakit sa kaniyang

mata.

Si Qu Ling Yue ay hindi nagbalik sa Thousand Beast City may ilang taon na rin. Ginugol niya

lahat ng oras sa War Banner Academy at mabibilang sa kamay kung ilang beses lamang itong

nagbalik. Bagaman babae si Qu Ling Yue, kinikilala na siya ng lahat bilang susunod na Grand

Chieftain ng Thousand Beast City at kung sinuman ang kaniyang mapapangasawa, at magiging

kasapi ng kanilang pamilya, ay tila pinakasalan na rin ang buong Thousand Beast City.

Higit pa doon, si Qu Ling Yue ay talagang kaakit-akit at si Lin Feng ay may gusto kay Qu Ling

Yue ng matagal na, ngunit hindi siya makakilos dahil si Qu Ling Yue ay bihirang-bihira bumalik.

Kaya nang malaman niya na magbabalik si Qu Ling Yue kasama si Xiong Ba at ang iba pa, ay

inayos ni Lin Feng ang kaniyang sarili at nagmadaling magpunta doon sakay ng kaniyang

kabayo.

At dahil sa mga nangyari kay Qu Ling Yue sa Fire Country, inisip niya na iyon ang tamang

pagkakaton upang siya ay magpasikat ngunit hindi niya inakala na sa sandaling makarating

siya doon, ay makikita niya si Qu Ling Yue na malambing na nakangiti sa isang estranghero na

may guwaponmg mukha, at ang tono ng boses niya saa taong iyon ay tila iniingatan niya ito!

Kaya paanong hindi maiiwasan ni Lin Feng na pangit ang kaniyang paningin kay Jun XIe?

"Masuwerte lang siya at kaniyang napagaling si Ling Yue. Ling Yue, alam ko na kagagaling mo

lamang, may dala akong mga elixirs para lamang sa'yo. Itago mo ang mga ito, at kung sa iyong

palagay ay hindi ito sapat, sabihin mo lamang sa akin. Ang mga elixirs na ito ay mula sa aking

ama ng siya ay magtungo sa Qing Yun Clan ilang taon na ang nakalipas upang makuha ang mga

ito. At ngayon na ang Qing Yun Clan ay wala na, ang mga elixir na ito ay naging bihira.

Naniniwala akong makaktulong ang mga ito sa iyo." habang sinasabi iyon, ay inilabas ni Lin

Feng mula sa kaniyang roba ang mga elixir at inilagay lahat iyon sa kamay ni Qu Ling Yue.

Nais sana iyon tanggihan ni Qu Ling Yue, ngunit hindi niya kayang labanan ang pagpupumilit ni

Lin Feng kaya ang tanging nagawa niya ay asiwang hawakan iyon sa kaniyang mga kamay.

Tagumpay ni itinaas ni Lin Feng ang kaniyang mga kilay habang sumulyap kay Jun XIe.

Matapos maglaho ng Qing Yun Clan, ang mga natirang elixir na mula sa Qing Yun Clan ay

tumaas ang halaga at ngayon, maituturing na napakahalagang kayaman ng mga iyon, dahil

hindi na ito makukuha kahit saan, kahit na ika'y may pera.

Hindi naniniwala si Lin Feng na ang munting batang iyon na hindi pa ganap ang gulang ay

nagawang gamutin ang mga pinsala ni Qu Ling Yue.

"Ako ay lubusang gumaling na. Ang mga elixir na ito, sa aking palagay ay hindi ko na

magagamit." maya-maya ay sambit ni Qu Ling Yue.

avataravatar
Next chapter