955 Thousand Beast City (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang Thousand Beast City, bilang isang siyudad, ay sumasakop ng malaking lugar. Sa palibot ng

buong siyudad ay mayroong mataas na pader. Ang lugar kung saan nakaupo ang Thousand

Beast City ay napapalibutan ng luntiang bulubundukin at malinaw na katubigan, sa unang

tingin, ang siyudad ay tila isang lihim na paraiso na biglang natuklasan. Nakatago sa makapal

na mga halaman at kagubatan, ay naninirahan na ng matagal ang mga Spirit Beast na malapit

sa Thousand Beast City. Ang madama ang Spirit Tamer Bone Flute sa loob ng Thousand Beast

City, ang mga Spirit Beaste doon ay bihira umatake ng mga tao.

Bukod sa siyudad ng Thousand Beast City, ilang bayan din ang nakapalibot doon. Ang mga

bayan na iyon madalas ay pinapatuluyan sa mga bisita na nagtutungo sa Thousand Beast City

bilang lugar na kanilang pansalamantalang tirahan at pahingahan, at para sa mga tagalabas na

nais pumasok sa Thousand Beast City, ay hindi sila maaaring pumasok kung walang pahintulot

ng Grand Chieftain o ng Clan Hall Chiefs.

Ang buong Thousand Beast City ay pinaghiwa-hiwalay sa limang rehiyon. Ang sentral na

rehiyon ay pinamumunuan ng Grand Chieftain, habang ang apat na rehiyon naman ay

nahahati sa apat na direksyon ng Hilaga, Silangan, Kanluran at Timog kung saan bawat rehiyon

ay maaaring marating sa papamagitan ng isang malaking pintuan, kung saan ang mga iyon ay

sakop ng Clan Hall Chiefs.

Si Xiong Ba ay nula sa Fiery Blaze Hall na nasa Eastern na bahagi ng Thousand Beast City, kaya

naman, nang makarating si Xiong Ba at ang iba pa, sila ay pumasok sa siyudad mula sa Eastern

na pintuan.

Sa loob ng karwahe, ay tumingin sa bintana si Jun Wu Xie at nakita ang tanawin ng Thousand

Beast City. Sa itaas ng tarangkahan ng Thousand Beast City ay puno ng mga displey ng mga

buhay na buhay Spirit Beasts na nakaukit.

At sa loob ng Thousand Beast City, ang madalas makita ay mga Spirit Beast.

Sa buong henerasyon ng Grand Chieftain ng Thousand Beast City, ang Spirit Tamer Bone Flute

na hawak nila ay nagbukas ng daan sa pagitan ng mga tao at Spirit Beasts, at ang Spirit Tame

Bone Flute ay nag-iisa sa buong mundo. Dahil sa ang Spirit Tamer Bone Flute ay

nakaimpluwensya at nagbigay inspirasyon, lahat ng mamamayan ay nahantad at naging

pamilyar sa mga Spirit Beast sa murang edad. Bago magising ang kanilang ring spirit, ay

susubukan na nilang magpaamo ng batang Spirit Beast sa pamamagitan ng pag-aalaga dito

habang bata pa upang ang Spirit Beast ay unti-unting masanay na may tao sa paligid.

Sa mga kalsada at eskinita ng Thousand Beast City, ang mga napaamong Spirit Beasts ay

makikitang nakasunod sa mga tao kahit saan man.

Ang laki ng Spirit Beasts na kanilang kasama ay hindi masasabing malaki, at kung

pagbabasehan ang hitsura ng mg Spirit Beast, karamihan sa mga iyon ay masasabing

mababang uri ng Spirit Beasts.

"Nagagawa ninyong mapaamo ang Spirit Beasts?" tanong ni Jun Wu Xie habang nakatitig sa

mga tao na naglalakad at may kasa-kasamang Spirit Beasts na iba-iba ang laki. Ang ibang nasa

loob ng karwahe ay sanay na sa mga ganoong eksena at wala silang nakikitang kakaiba doon.

Ngumiti si Xiong Ba at tumango, bakas sa boses nito ang pagmamalaki nang magsalita: "Ang

aming Thousand Beast City ay kilala sa mga Spirit Beast. Bagaman iisa lamang ang Spirit Tamer

Bone Flute, ay sinubukan namin na paamuin ang mga Spirit Beast. Ngunit kung walang Spirit

Tamer Bracelet, ang mapapaamo lamang ng isang tao ay ang pinakamababang uri ng Spirit

Beast."

Tumaas ang kilay ni Jun Wu Xie. Bago sila makarating sa Thousand Beast City, siya ay

humiwalay ng landas kina Qiao Chu at sa iba pa. Si Fan Zhuo at ang iba pa ay kaniya-kaniyang

nagtungo sa iba't ibang nayon sa labas lamang ng apat na iba't ibang tarangkahan ng siyudad

at doon ay mamalagi, upang mas madali para sa kanila na makakuha ng mga impormasyon na

makakatulong sa kanilang misyon.

Upang matupad ang hiling ni Qu Ling Yue, ang tanging paraan ay ang sagipin ang mga dinukot.

At ang alamin kung saan ang lokasyon ng mga bilanggo ay ang unang dapat gawin ni Jun Wu

Xie. Higit pa roon, kung nagdala si Xiong Ba ng mga hindi kilalang mukha ng isang beses

papasok sa Thousand Beast City, ang mga tao ay siguradong maghihinala, ngunit kung si Jun

Xie lamang, mas madali iyon anuman ang mangyari, itago man nila ito o ipaliwanag ang

kaniyang pagdating.

Bago sila maghiwa-hiwalay, si Fan Zhuo ay pribadong nagtungo sa kaniya, at ang dahilan kung

bakit siya pinuntahan ni Fan Zhuo ay dahil mismo sa Thousand Beast City's Spirit Tamer

Bracelet.

Ang Spirit Tamer Bracelet ay mula sa dugo, pawis at luha ng mga nagdaang Grand Chieftain ng

Thousand Beast City, ito ay tila kopya ng orihinal na Spirit Tamer Bone Flute, isang bagay na

ginawa upang paamuin ang mga Spirit Beast.

avataravatar
Next chapter