webnovel

Tenacious Snow Plum Blossom (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi kailanman inakala ni Jun Wu Xie na ang Lord ng Spirit Jade Palace sa katunayan ay nagtataglay din ng isang plant type ring spirit! Kaya pala naniwala ito sa kaniyang mga sinabi na siya ay inuusig ng Twelve Palaces dahil sa taglay na plant type ring spirit.

Ang pangangatawan ng Tenacious Snow Plum Blossom ay katulad ng sa isang mandirigma, ang mukha nito'y matatag at kaakit-akit. Ngunit ang matingkad na kulay-rosas na bestida sa kaniya… ay medyo mahirap tanggapin.

"Kung hindi ka pa tatayo diyan, hindi na ako mananatiling magiliw!!" saad ni Drunk Lotus sa nangangalit na ngipin.

Hindi iniintindi ng Tenacious Snow Plum Blossom ang nananakot na tono na iyon at sa halip ay ang ekspresyon sa mukha nito ay mukhang nasaktan at sinabi: "Little Lotus flower, bakit ka nagsasabi ng masasakit na salita sa akin?"

Ang boses na iyon ay hindi nagbago maski bahagya, malakas at dumadagundong parang ungal ng isang mandirigma.

Si Poppy ay nakaalis na at naupo sa lupa, ang katawan niya ay nakasandig, ang isang kamay ay nakatukod sa sahig para maging suporta habang pinanonood niya ang ekspresyon sa mukha ni Drunk Lotus na tila nababalisa. Hindi napigilan ni Poppy na humalakhak.

"Nakaupo ka lang diyan para manood!" Hiniling ni Drunk Lotus na sana ay magawa niyang gutay-gutayin ang dalawang ito.

Ang mukha ni Poppy ay nagkunwaring nanghihinayang habang umiiling at ibinaling ang tingin kay Drunk Lotus na yamot na ang mukha . "Hindi naman sa ayaw ko na tulungan ka, ngunit batid mo ang lakas ni Tenacious Snow…"

Nagtagis ang bagang ni Drunk Lotus at ang katawan nito ay naging isang puting liwanag.

Naramdaman ng Tenacious Snow Plum Blossom na ang tao na kaniyang yakap ay naging maliit at sa sandaling nawala ang liwanag, sa braso ng Tenacious Snow Plum Blossom ay naroon si Little Lotus na suot ang bib at nagulat.

Natigilan ang Tenacious Snow.

"Big Brother Tenacious Snow!" sa sandaling nakita ni Little Lotus ang Tenacious Snow Plum ay kaagad niyang niyakap ang braso nito na mas malapad pa sa kaniyang katawan, kumilos ito na kagiliw-giliw, galak na tumili na parang muling nakasama ang isang miyembro ng pamilya na matagal na hindi nakita.

"Bakit narito rin si Big Brother Tenacious Snow?" walang kamalay-malay si Little Lotus na mayroong hindi tama sa mga nangyayari at napakurap lamang siya habang nakatingin sa Tenacious Snow Plum Blossom.

Si Poppy na nasa isang tabi ay hindi napigilan ang tawa.

Bumaling ang ulo ni Little Lotus at minasdan ang kakaibang kasuotan ng Tenacious Snow Plum.

"Big Brother Tenacious Snow, ikaw ay…" Ang mata ni Little Lotus ay napuno ng kaba at pagkaasiwa.

Ang sulok ng labi ng Tenacious Snow Plum Blossom ay napangiwi.

Isang 'bam' ang narinig at isang ihip ng usok ang bumalot sa katawan ng Tenacious Snow Plum Blossom, hinarangan ang tingin ng lahat. Nang tuluyang mawala ang usok, ang lahat ay tahimik na nakatulala.

Ang "King Kong Barbie" na lumabag sa pang-unawa ng tao sa mundo ay naglaho ng walang bakas. Kasalukuyan, ang nakaluhod sa lupa at karga si Little Lotus ay isang lalaki na may kasuotan na pilak na baluti, matangkad at tunay na kaakit-akit, dakila tulad ng sa isang diyos ng digmaan!

Mabuti naman ako. Little one, matagal kitang hindi nakita." Sa kaakit-akit na mukhang iyon, ay naroon ang maaasahang ngiti, ang boses niya ay malalim na tila isa itong dagundong mula sa Heavens.

"Big Brother Tenacious Snow, nangulila ako sa'yo ng lubusan." Saad ni Little Lotus, at malapad itong napangiti habang nakatingin sa matangkad na lalaki sa kaniyang harapan.

Subalit…

Sa mukha ni Jun Wu Xie ay wala ng anumang uri ng ekspresyon.

[Itong Tenacious Snow Plum Blossom… ay ginagawa rin na mag palit anyo?]

Ang talagang ikinagulat ni Jun Wu Xie ay ang Spirit Jade Palace Lord mismo. Matindi ang gulat na tintigan niya ang sarili niyang Ring Spirit, para bang sa isip niya ang matayog na anyo na nasa kaniyang harapan ay walang kahit anong kaugnayan sa kaniya.

"Tenacious Snow Plum Blossom?" Ang inasal ng Spirit Jade Palace Lord ay tila kakaiba at ng makita niya ang kasalukuyang anyo ng Tenacious Snow Plum Blossom pakiramdam niya ay…

"Tama aking Master." Tumayo ang Tenacious Snow Plum Blossom at nilagay si Little Lotus sa kaniyang balikat upang doon ay maupo. Ang makita siya sa masigasig at hustong itsura, napakahirap iugnay sa kaniya ang "King Kong Barbie" na dinurog lahat ng pananaw ng mga tao sa mundong ito.

Tinitigan ng Lord ng Spirit Jade Palace ang Tenacious Snow Plum Blossom ng matagal na sandali, nang bigla ay yumuko ang Palace Lord at inilagay ang kaniyang kamay sa sentido upang bigyang suporta ang kaniyang ulo at pumikit.

"Kakalmahin ko lang sandali ang aking sarili."

Next chapter