206 Taya (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Mo Qian Yuan.

"Itatago ko ang Soul Jade anuman ang mangyari. Hindi ko 'yon ibibigay kahit kanino. Naisip mo bang gustong-gusto ko nang patayin silang lahat at wala akong pakialam kung nagiging brutal ako. Tignan natin kung anong gagawin ng Qing Yun Clan kapag nalaman nilang hawak natin ang Soul Jade at hindi natin ito ibibigay sa kanila?" Gusto ni Jun Wu Xie nung una na makalamang bago maunang umatake. Ngunit ngayon ay nagbago ang isip nito.

Hindi sa kung ano pang dahilan, bukod sa pekein ang mahinang panangga na si Mo Qian Yuan sa pagiging matalas na sandata.

Ang kaniyang pag-uugali ay nasusubukan.

Sa hinaharap ay maraming makakabangga at makakaaway ang Jun Family. Ayaw ni Jun Wu Xie na lumaban habang iniisip ang busilak na puso ni Mo Qian Yuan. Para iwasan iyon, pinili niyang hasain pa si Mo Qian Yuan.

Sa oras na makita niya ang kasakiman at kasamaan ng kaaway, maiintinidihan niyang ang pagkakaroon ng busilak na kalooban ang papatay sa kaniya.

"Sabihin mo sa Qing Yun Clan na ang kalahati ng Soul Jade na nasa Jun Family ay inilibing kasama ng mga matatanda sa aming pamilya at sana ay sumuko na sila sa kanilang hangarin." Kung anuman ang magiging reaksyon nila, hindi niya na hawak iyon.

Bakas ang halo-halong emosyon sa mga mata ni Mo Qian Yuan. Inasahan niya nang hindi basta-bastang susuko si Jun Wu Xie sa Qing Yun Clan umpisa pa lang. Kaya naman nagulat siya na simple lang ang gusto nitong mangyari ngayon.

"Sige, susubukan ko." Napabuntong-hininga naman si Mo Qian Yuan.

Hindi madaling harapin si Jiang Chen Qing ngunit si Qin Yu Yan ay mukhang madaling umunawa.

Habang sila ay nag-uusap, dinala ng mga guwardiya ang Soul Jade kay Mo Qian Yuan at ibinigay naman nito iyon kay Jun Wu Xie.

Ang kalahati ng Soul Calming Jade ay nakalagay sa isang kahon na gawa sa tela, matapos na suriin ito ni Jun Wu Xie, isinara niya na ito at tinago.

Nakita na ni Mo Qian Yuan ang Soul Jade dati pero hindi pumasok sa isip niya na ganoon pala ito kahalaga. Hindi niya akalaing kakayanin ni Jun Wu Xie na harapin ang Qing Yun Clan para sa isang Soul Jade. Hindi niya na kailangang magtanong pa dahil tiwala siya na anuman ang gawin ni Jun Wu Xie, may maganda itong dahilan.

Nasa kamay na ni Jun Wu Xie ang kaniyang maipantataya. Tumalikod siya at umalis na. Sumunod naman si Jun Wu Yao.

Sa labas ng silid ay nakatingala si Jun Wu Xie sa mga bituin sa kalangitan. Mayamaya ay humarap ito kay Jun Wu Yao. Ngumiti ito sa kaniya at niyakap siya. Saglit siyang natigilan, nang makabawi siya

Ang mga guwardiya sa labas ay natigilan nang makita nila ang dalawang pigura ng tao na lumilipad sa kalangitan.

Sa ilalim ng mga bituin, binabaybay pauwi ni Jun Wu Xie at Jun Wu Yao ang kalangitan. Tumatama ang malamig na ihip ng hangin sa kanilang mga balat ngunit wala etong epekto kay Jun Wu Yao. Napakalamig makitungo ng babaeng yakap niya ngayon ngunit sa kanilang posisyon ngayon na nakadiin ang likod nito sa kaniyang dibdib, para siyang nagniningas.

"Bakit naubos ang oras mo sa lalaking iyon para gumawa ng taya?"

Kung nararamdaman mong hindi naman yan ganoon kahalaga, ipagpawalang-bahala mo na lang.

"Sumasailalim sa matinding paghahasa ang isang espada bago ito maging matalas. Sinasanay ko lang siya."

"Matalas na espada?" Nagtaas ng kilay si Jun Wu Yao at hindi nagbigay pa ng dagdag na komento.

"Matalino si Mo Qian Yuan, kaya kong ituro ang mga bagay na hindi itinuro ng dating Emperor sa kaniya. Kailangan ko ng lehitimong tagapagmana ng trono na magkakaroon ng utang na loob sa Jun Family." Ang daan patungo sa pagiging isang Emperor ay hindi madali. Inabanduna at kinasusuklaman ng dating Emperor si Mo Qian Yuan kaya naman hindi ito gaanong natuto at nahasa. Hindi naman ito problema kay Jun Wu Xie, tinuruan niya ito at sinanay upang maging mahusay na Emperor.

"Ang aking little darling ay talaga namang napakabait sa kaniya." Saad ni Jun Wu Yao na bahagyang tumatawa ngunit hindi umabot ang mga ngiti sa mga mata nito.

avataravatar
Next chapter