205 Taya (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nagdulot na ng sakit sa kaniyang katawan sa tinig pa lang nito. Ang nakakabighaning lakas na iyon ay lubos na kaniyang ikinatakot.

Green spirit? Blue spirit? O hindi kaya ang legendaryong violet spirit...

Walang kaide-ideya si Mo Qian Yuan sa kung hangggang saan na ang abot ng kakayanan ni Jun Wu Yao. Ganoon ito kalakas kahit na hindi nito gamitin ang spiritual power nito!

Talaga bang mayroong ganoong katakot-takot na kapangyarihan?

"Tama na." Awat ni Jun Wu Xie. Hindi niya alam kung gawa ba iyon ni Jun Wu Yao, ngunit hindi man lang natinag si Jun Wu Xie sa lakas ng pwersa na natamo ni Mo Qian Yuan. Wala din siyang ideya kung gaano kalakas iyon. Matatantiya niya lang ito sa kung paanong nakasalampak si Mo Qian Yuan.

Sa mismong oras na umawat si Jun Wu Xie ay sabay ding naglaho ang sakit ng pinsalang natamo ni Mo Qian Yuan. Pinilit niyang bumangon gamit ang kaniyang natitirang lakas. Binalot naman siya ng takot nang makita si Jun Wu Yao.

Sinong mag-aakalang ang ganito kalakas na tao ay papanig kay Jun Wu Xie? Dahil sa lalaking ito, hindi kailangang matakot si Jun Wu Xie na harapin ang Qing Yun Clan.

Sa gaanong lakas at kapangyarihan, madali lang para dito ang paatrasin ang 20-katao na delegado ng mga iyon. Kahit na ang Qing Yun Clan Sovereign pa ang humarap dito, mararanasan din nito ang mapahiya dahil sa pagkatalo.

"Soul Jade." Hiling ni Jun Wu Yao kay Mo Qian Yuan.

Pinunasan ni Mo Qian Yuan ang dugo sa gilid kaniyang labi at saglit na tiningnan si Jun Wu Yao. Ngayon ay walang pag-alinlangan nitong ipinag-utos na kunin ang Soul Jade sa kinalalagyan noon.

"Wu Xie." Matapos niyang ipag-utos iyon ay hinarap niya naman si Jun Wu Xie at nagtanong: "Di ba't sabi mo na haharapin mo ang Qing Yun Clan, ibig mo bang sabihin...ang iyong kapatid ang gagawa 'non? Para sila ay...." sinalat ni Mo Qian Yuan ang kaniyang leeg.

"Oo." Agad na sagot ni Jun Wu Xie.

Ganoon lang?

Hindi ba't parang sobrang brutal noon?

Maaaring hindi naging magiliw ang mga taga Qing Yun Clan, ngunit hindi naman ito nagpakita ng kasamaan at ngayon ay napagdesisyunan mong... alam mo na, medyo mangahas? Alam ni Mo Qian Yuan na hindi basta-bastang susuko ang Qing Yun Clan para sa Soul Jade, ngunit mahirap ding iproseso ang padalos-dalos na desisyon ni Jun Wu Xie.

Higt sa lahat, ang mga delegadong narirityo ngayon ay kaunti pa kumpara sa buong taga-Qing Yun Clan. Kung may mangyayari sa mga ito, malamang na susugod ang buong Qing Yun Clan para gumanti.

Kaya ba mag-isa ni Jun Wu Yao na harapin ang galit ng Qing Yun Clan at ng mga hiram na sandata ng mga ito?

Kung posible, mas gusto ni Mo Qian Yuan na panatilihin ang kapayapaan at solusyunan ang mga bagay bagay sa tahimik at maayos na usapan.

Hindi sumagot si Jun Wu Xie ngunit tumingin lang sa naguguluhang si Mo Qian Yuan. Naiintindihan niya ang ipinag-aalala nito. Siya na ang Emperor if Qi ngayon, kailangan nitong isipin ang lahat ng magiging epekto ng bawat galaw at desisyon niya. Subalit ang maging masyadong maluwag at mabait ay hindi rin nakakabuti.

Nagsalubong ang mga mata ni Jun Wu Xie at dahan-dahang nagtanong: "Tingin mo ba ay masyado akong nagiging brutal?"

Dahil sa paraan ng pagtatanong na iyon ni Jun Wu Xie, naramdaman niyang nagtayuan ang balahibo niya sa batok, habang malamig na nakatitig sa kaniya ang babae.

"Hindi naman. Naiisip ko lang na siguro ay hindi tayo dapat basta-basta lang pumatay."

Sinuri ni Jun Wu Xie si Mo Qian Yuan. Pinili niya si Mo Qian Yuan para pumalit sa trono dahil ito ay simple at mabait kumpara sa ama at kapatid nitong sakim at ganid. Ito ay itinalaga para maging taga-protekta ng Jun Family,malakas ito at matibay ngunit ito ay mapurol.

Makakasangga lang ito ngunit hindi ito maaaring umatake.

Saglit siyang nanahimik bago nagsabing: "Nagigin malambot ka."

Nagdilim naman ang mukha ni Mo Qian Yuan. Hindi sa nagiging malambot siya, sadyang nagiging brutal lang talaga si Jun Wu Xie.

"Magpustahan tayo." Humarap muli si Jun Wu Xie kay Mo Qian Yuan. Oras na para hasain ang panangga.

"Anong klaseng pustahan?"

"Kung ang Qing Yun Clan mismo ang hihiling ng kanilang kamatayan." Sagot naman ni Jun Wu Xie.

avataravatar
Next chapter