437 Tangang Matigas Ang Ulo (5)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang posisyon ng Headmaster ng Zephyr Academy, ay napapasa mua sa ama papunta sa anak.

Ang dating Headmaster ng Zephyr Academy ay Master ni Fan Qi and Ning Rui. Walang anak ang kanilang Master at ipinasa nito ang posisyon niya sa kanyang disipulo, si Fan Qi.

Ayon sa tradisyon, kapag buhay pa si Fan Zhuo, `pwedeng bawiin ni Fan Qi ang posisyon ng Headmaster1kay Fan Zhuo. Pero kung mamatay si Fan Zhuo, mananatili pa rin ang katotohanang ampon si Fan Jin. Ngunit, nananatili pa rin ang katanyagan niya sa Zephyr Academy kaya maaari pa ring maging matagumpay ang pagkalegal niya sa posisyon.

Sa isip ni Ning Rui para makuha ang posisyon, kailangan mawala ang dalawang anak ni Fan Qi bago pa mangyari ang mga hindi pa dapat mangyari.

Sa intensyon ng kanyang ama, masaya si Ning Xin na tutulong para maging posible ang plano nito. 

''Sa susunod na dalawang Linggo, ito ang araw na kailangan natin magsagawa ng Spirit Hunt. Sa oras na ito, lahat ng Seniors na gumagabay sa mga bagong disipulo ay kailangan mag dala ng bago nilang kakayahan sa Battle Spirit Forest. Nasa ilalim ni Fan Ji si Jun Xie at magsasama sila. Makapangyarihan si Fan Ji, pero ang tangang bata na walang alam ay sunud-sunuran sa bawat hakbang niya, maipapakita niya pa ba ang buo niyang potensyal?'' Marahang tawa ni Ning Xin, na nakatago sa kamay niya ang pagtawa.

Walang ibang sisisihin si Fan Jin kudi ang sarili niya, sa katangahang pagpili niya kay Jun Xie.

"Ang batang nagngangalang Jun Xie, gaano karami ang alam mo sa kanya? Gaano ka kasigurado na pabigat ito sa kanya at hindi isang malaking tulong kay Fan Jin?" Nabahalang tanong ni Nin Rui.

"Ang batang iyan ay kasama ni Yin Yan sa silid noon pero umalis na. Nasuri ko na siya. Mayroon siyang Orange Spirit at Beast type Ring Spirit. ang kanyang Spiritual Power ay maaring hindi ganun kahina, pero ang kanyang Ring Spirit ay isang mababang uri, isang ordinaryong itim na pusa. Masasabi kong walang silbi ang kanyang Ring Spirit." Sagot ni Ning Xin na ang boses ay tila nangmamaliit. Ang makakuha ng Orange Spirit sa katorse anyos lamang ay isang malaking bagay na, pero sa Zephyr Academy, mayroong ilang Orange Spirit sa edad na labing-anim o labing-pitong taong gulang, ngunit ang bilang ay napakaliit. Ngunit, ang Ring Spirits ng mga taong nagtataglay nito ay hindi matatapatan ng ordinaryong itim na pusa.

Sa labang ito, mas malaki pa rin ang tyansa nila sa Ring Spirits.

"Kung iyan ang kaso, mas mabuti ito sa atin. Ngunit si Jun Xie ay hindi gaya ng ibang disipulo,hindi nga siya nakakapasok ng silid ng mga guro. Kung pupuwersahin mo siyang kunin laban kay Fan Jin asama sa Spirit Hunt, hindi siya madaling kumbinsehin. Pero may ideya ako na pwedeng gumana." Sabi ni Ning Rui.

"Hahayaan kong turuan ako ng aking ama ng isang bagay o dalawa."

"Maaaring nananatili siya ngayon sa kawayan, ngunit hindi sila magkasundo Ah Jing. Madaling mainis si Ah Jing, at may mga reserbasyon siya kay Jun Xie pagkatapos marinig ang mga tsismis at haka-haka sa buong akademya. Naghahanap si Ah Jing ng paraan para mapaalis si Jun Xie sa kawayan at kung sasabihin mo sa kanya ang nais mo, maaring mapadali ang iyong misyon." Nakangiting sabi ni Ning Rui.

Numingning ang mga mata ni Ning Xin. Ang malit na kawayan na inatas ni Fan Qi para maging pribadong tahanan ni Fan Zhuo. Sinumang tao maliban sa pamilyang Fan ay hindi maaaring makapasok nga walang permiso. Kapag sinama niya sa listahan ang tulong ni Ah Jing dito, mas madali sa kanya ang mga bagay bagay.

"Gagawin ko kaagad na mapalapit si Yin Yan kay Ah Jing." May ideya na agad si Ning Xin sa kaniyang ulo. Lagi niyang iniisip ito at si Yin Yan na ang gagawa lahat ng trabaho. Kung magkataon balang araw, lahat ng kanyang plano ay matatakpan at maari niyang itanggi ang mga ito.

"Mukhang pakipakinabang si Yin Yan at nakikinig siya sa'yo madalas. Swerte at ginawa ko lahat ng para malinlang si Fan Jin sa mga oras na 'yon." Muling pagbabalik ng mga pangyayari sa isip ni Ning Rui na bumakas sa kanyang mukha. 

sa perosnalidiad ni Fan Jin, hindi niya tatabgihan ng walang rason ang bagong disipulo ng walang maayos na rason. At nagplano si Ning Rui at inayos ang bawat bagay, na nakatago lamang. alam niyang mag oobserba si Gu Li Sheng ng patago pagkatapos nitong makita ang mga bagong disipulo. Sa unang gabi ng mga bagong dispulo sa Zephyr Academy, napansin ni Ning Rui na napatango si Gu Li Sheng habang inoobserbahan niya si Yin Yan at alam ni Ning Rui na na senyas ito na kukunin ito ni Gu Li Sheng si Yin Yan sa Spirit Healer Faculty. Mayroon syang natatanging pagsukat para tagihan si Fan Jin at umalis, at dito nauhay ang kamuhi ni Yin Yan para kay Fan Jin. Sa halip na maging tapatito kay Ning Xin, na siyang sumalba sa kanyang "kawalang puri at khihiyan."

avataravatar
Next chapter